Chapter 21 - College Life ~ Hallucination

99 3 0
                                    

Chapter 21 – College Life ~ Hallucination

Nikki’s POV

Gosh. Enrollment. Kaasar naman. Ang daming requirements na ipapasa, buti tapos na yung entrance exam. Sheeesh.

Oo nga pala, I spent a whole week at home, hanging out with my brothers. Naglaro lang kami then nagpadeliver ng pagkain. Feeling ko tataba ako nito. Di bale, malapit na rin pasukan.

Nag-ayos na’ko dahil sabay kami ni Kuya na papasok ngayon. Di pa kasi uso sa university na yun yung online enrollment. Psh. Yaan na nga lang.

***

“Kuyaaaaaa! Tara naaaaa! Baka mahaba yung pila! Hindi tayo VIP dun no.” Ang tamad kasi ni Kuya. Dapat siya nalang ang magpapaenroll sa’kin, pero sabi niya, ako nalang daw para matuto ako. How cool was that? -_-

“Naturingang Valedictorian ka ang tamad-tamad mo.” Sabi ni Kuya sa’kin.

“Sa pag-aaral lang naman ako hindi tamad no. Bagal mo. Tara na nga.” Hinila ko na siya palabas ng kwarto niya, hindi pa siya nakakapagspray ng perfume niya. Natawa ako dahil ang sama ng tingin niya sa’kin.

“May extra ka naman sa car mo. Hay na’ko.” Nagliwanag ang mata niya sa sinabi ko.

Nga pala, tourism ang course na kukunin ko. I’m fond of tourist attractions and I’m really adventurous. Okay naman sina Mommy sa pinili ko since in demand naman daw yun ngayon.

Nakarating na kami ng school at hinanap ko agad si Rissa. Humiwalay muna si Kuya sa’kin since iba ang department niya.

“Bhez, where art thou?”

[Coming palang. Malapit na’ko sa school. Nakita ko kasing may poster sa gilid ng hallway about sa mallshow ni SJ. Sinigurado ko lang kaya medyo natagalan. Kyaaa! Punta tayo bhez. Pleeeeease?]

Sinong SJ naman yun? Ugh. Whatever.

“Oo na. Pakidalian lang at naiinip na talaga ako.”

[Yes Ma’am!] Binabaan ko na siya without saying goodbye. Ganun rin eh, ano pang silbi ng paggoodbye mo kung magkikita rin kayo maya-maya?

Umupo nalang ako sa isang bench sa ilalim ng isang puno. Mahangin naman rito at hindi mainit.

“Excuse me Miss? Pwedeng magtanong?” Sabi ng isang tinig na I’m so familiar with.

“Caloy?” Pagharap ko sa kanya, siyang-siya nga. Yung isa sa tatlong humabol sa’kin nun sa bukid.

“Uh.. My name’s Carl. Not Caloy. That sounds very.. Filipino.” In fairness naman sa modern version ni Caloy, hindi siya slim. Muscly pa nga e. At parang may lahi.

“Sorry.. You remind me of someone I used to know. Anyway, anong tanong mo?”

“Alam mo ba kung saan ang building na’to?”

“Sorry. Hindi eh. Freshman ako. Hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito.”

“Ganun ba? Sige. Would you mind if I sit with you? I’m still waiting for my sister anyway. Nasa building siya na ‘to.” Umiling lang ako at ngumiti saka siya umupo sa tabi ko.

“Anong course kukunin mo?” Tanong ko sa kanya to kill silence.

“HRM. Ikaw ba?” Nakakainsecure talaga pag mahaba ang pilikmata ng mga lalaki nu?

“Tourism ako. Di’ba same department lang yun?”

“So I’ve heard. Madalas pala tayong magkikita. What’s your name? Para naman may acquaintance ako dito sa campus.”

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon