Chapter 18 - The Final Battle ~ Forgiveness

76 2 0
                                    

Chapter 18 – The Final Battle ~ Forgiveness

Nikki’s POV

Ang tahimik ng paligid. As in walang nagsasalita. Nawala rin yung malakas na hangin.

“E-erasmus. Mahal ko.” Nauutal na sabi ni Xyrenida.

Nilapitan siya ni Kuya Erasmus.

“Nida. Ano ang iyong ginawa?” Mapang-usisang tanong agad sa kanya ni Kuya Erasmus. Parang galit pa nga dahil sa tono ng pananalita niya.

“Hindi. Ano.. Ah..” Hinawakan ni Kuya Erasmus ang mukha niya. How is that even possible? Multo siya! Dapat tumatagos!

“Maiintindihan mo rin Nikki.” Biglang nagsalita ang nasa tabi ko. Laking gulat ko nalang na nandito pala si Tita Zana. Nakalimutan kong mind-reader nga pala siya.

“T-tita. Kailangang manggulat?!” Tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at pinasadahan ng tingin si Steven ng medyo matagal pero dumiretso ulit ng lakad. Papunta pala siya kay Tita Sena.

“Sa kanya mo nakuha yung mata mo.” Sabi ko kay Steven. Dun niya lang ako naalala ulit dahil seryoso siyang nakatingin kay Tita Zana at Tita Sena na ngayo’y magkausap na.

Tinanguan niya lang ako at niyakap ulit. He’s back hugging me now. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

“Mahal ko.. Mahal mo ba talaga ako? May pangako tayo sa isa’t isa tama?” Tanong ni Kuya Erasmus kay Xyrenida.

“Mahal na mahal kita Erasmus. Iyon ang tanging bagay na nagpapanatili sa akin sa mundong ito.” Huh?

Lahat kami nalipat ang atensyon sa kanilang dalawa. Just so you know, sila lang ang nakalutang sa aming lahat dito. Mga dalawang dangkal rin siguro. Pwede naman kasing sa damuhan lang sila, kailangan talaga may floating effect pa. Tsh.

Nakita kong napailing si Tita Zana sa’kin. Binabasa niya talaga ang utak ko. Kanina pa yan! Nakakaasar na. (>.<) Wag mo kong susumbong na pinagnasaan ko ng konti si Kuya Erasmus kanina ha! (–///-)

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong sa kanya ni Kuya Erasmus.

“Matagal na siyang wala sa mundong ibabaw.” Sabi ni Tita Zana, answering all our confused reactions. Meaning.. She’s d-dead? Eh nahahawakan niya ko!

“Tama ka Nikki. Oo. Lahat ng inyong hinala ay tama.”

“Paano? Bakit?” Tanong ni Tita Sena.

“Ibinuwis ko ang aking buhay pagtapos kong makita ang hindi na humihingang katawan ni Erasmus.” Paliwanag ni Xyrenida. Halata sa mukha ni Kuya Erasmus ang pagkabigla sa impormasyong natuklasan.

“At marahil kaya ako’y narito pa sa mundong ito dahil sa matinding galit ko sa iyong angkan Elizana.” Nakita kong tumango sa kanya si Tita Xyrenida.

Lumuhod bigla si Xyrenida. Kitang kita sa kanya ang pagsisisi sa mga nagawa niya.

“Hindi sapat ang mga ito para mapatawad niyo ako, batid ko iyon. Ngunit, hindi ko nais na makita ako ng aking minamahal na nilalamon ng kadiliman.” Sabi niya habang nakayuko. Naglanding na nga pala silang dalawa. Nahiya siguro na kailangan pa namin silang tignan pataas.

“Humihingi na rin ako ng paumanhin sa lahat ng kanyang magawa. Hayaan niyo, nakahanap kami ni Elizana ng mahika na lunas sa lahat ng mga napinsala at nasira ni Nida.”

Tuluyang naiyak si Xyrenida. Bakit ganun? Ang ganda niya pa rin kahit umiiyak siya? Hindi kagaya dati na kinikilabutan ako sa ngiti niya.

Napansin kong nakatingin sa direksyon namin si Kuya Erasmus. Inalalayan niyang tumayo si Xyrenida at hinila ng marahan papunta sa’min.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon