Chapter 19 - The Lasts ~ Leaving

71 3 0
                                    

Chapter 19 – The Lasts ~ Leaving

Nikki’s POV

“Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?” Napaatras ako ng isang hakbang at napalunok. Naglakas loob na sumagot sa kanya.

“Aalis na ako. Obvious ba? Pwede ba Steven. Umalis ka sa harapan ko.”

Hindi siya sumagot, instead, mas lumapit siya sa’kin at biglang hinablot ang bag ko.

“Hoy! Ibalik mo yan!” Mas lalong nanlaki ang mata ko ng bigla niyang ihagis ang bag ko sa pader, pero ang target niya talaga yung lamesa.

Y-yung tablet at celphone ko..

“What the hell Steven? Ano bang problema mo? Kung gusto mo akong kausapin, wag mong idamay ang bag ko! Damn..” Papagalitan talaga ako ni Mommy pag nasira yun. (>.<)

“Ang problema ko? Ikaw! Paumanhin sa nagawa ko sa iyong gamit, pero iyon lang ang naisip ko para makausap ka. Bakit ka padalos-dalos sa iyong mga desisyon? Kung hindi pa sinabi ni ina ang iyong mga balak, hindi na kita maaabutan.”

“Stupid guy..” Bulong ko sa sarili ko.

Tumayo siya bigla para isarado ang pintuan at ilock ito. Bumalik siya palapit sa’kin at bigla akong tinulak pahiga sa kama ko. W-what the..

“A-anong ginagawa mo?” Nauutal kong tanong sa kanya. Pumaibabaw siya sa’kin at tinitigan ako.

“Gagawin ko ang gusto ko. Sa akin ka lang ngayong gabi.” Oh no. He didn’t mean that. Teka. No way! Hindi ako ready.

Bago pa man ako makasagot, siniil niya na’ko ng halik. Gosh. Bakit ang galing niyang humalik? Nakakalasing. Pero hindi ito tama. Hindi talaga. Tita Zana! Help!

Gustuhin ko man siyang itulak pero ayaw makisama ng katawan ko. Ito na ba? Sa kanya ko ba talaga isusuko? Mahal na mahal ko siya..

Humiwalay siya sa’kin at ipinatong ang noo niya sa noo ko. Our noses almost touching.

“Mahal na mahal kita Nikki. Batid kong hindi ko na mababago ang iyong desisyon, pero tandaan mo na ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito.” Sabi niya sa’kin habang nakatitig at naghahabol ng hininga.

“Mahal rin kita Steven. More than anyone else. If only I belong.. Pero tandaan mo promise natin ha? Magmomove-on ka. Kung makakalimutan mo ako, much better. Gagawin ko rin iyon pero hindi ko magagawang kalimutan ka. Unfair? Oo. Pero yun ang rules ko.”

Ngumiti siya sa’kin at ninakawan ako ng kiss, but I responded immediately. Naramdaman kong bumaba ang kamay niya sa hita ko at bigla siyang humiwalay at napabitaw. Huh?

“Bakit maiksi ang iyong suot?!”

“Uhh.. Kanina pa’ko nagpalit? Dapat lalabas ako at hindi na magpapakita sa inyo. Kaso, you barged in my room then you kissed the hell out of me.” Nagtatakang sagot ko sa kanya.

“Magpalit ka. Hindi ako makakatulog sa tabi mo kung ganyan ang iyong kasuotan.”

Ano daw? Meaning, hindi namin gagawin ‘yun’?

“A-anong ibig mong sabihin?” Oh gosh. How pathetic of me! Pinag-isipan ko talaga siya ng ganun, samantalang mas conservative pa nga pala ‘to sa’kin.

“Dito ako matutulog sa tabi mo. Bakit ka namumula? Huwag mong sabihing..” napatango nalang ako sa kanya habang nakatakip ang mukha ko ng dalawang kamay ko.

“Hindi ko magagawa ang bagay na iyon Nikki. Lalaki ako pero mataas ang pagrespeto ko sa mga kababaihan. S-sige, hindi nalang ako matutulog sa iyong tabi, babantayan na lamang kita.”

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon