Chapter 17 - Her Vengeance ~ Blackmailed

83 1 0
                                    

Chapter 17 – Her Vengeance ~ Blackmailed

Steven’s POV

Hindi pa sumisikat ang araw nang ako’y gisingin ni Mama. Sinenyasan niya akong huwag gumawa ng kahit anong ingay.

“Si Nikki?” Hindi ako sinagot ni Mama pero sumenyas siyang nasa labas na ito. May mga bagaheng nakalagay sa likuran ng aking sasakyan. Anong nangyayari?

Nakaalis na ang sasakyan pero hindi ko pa rin nakikita si Beb. “Ma! Si Nikki? Nasaan siya?”

Halos mawala ako sa tamang pag-iisip sa ingay na aking ginagawa. Bakit hindi namin kasama ang aking pinakamamahal?!

“Ma!”

“Steven. Makinig ka. Ligtas siya. Pero ikaw ang dapat na pagtuunan ng atensyon. Intindihin mo ako, para lamang ito sa iyong kapakanan.”

“Anong ligtas? Anong atensyon? Ma! Hindi kita maunawaan.” Hindi na siya tumugon, sa halip ay nginitian niya lang ako ng mapait.

***

Limang oras na kaming nagbibiyahe. At hanggang ngayon ay wala akong kaide-ideya kung saan kami patungo.

“Narito na tayo.” Deklara ni Mama. Si Manang Pacita lamang at ang 3 pang kasambahay, kabilang na si Ate Lena ang kasama namin. Huminto ang sasakyan sa isang tahanan.

“Ma, ipaliwanag mo na sa akin ang mga nangyayari.” Bakit kailangan naming iwan si Nikki? Hindi ako mapalagay. Hindi tumugon si Mama kaya ako’y napalingon sa kanyang direksyon. Nakahawak siya sa pintuan para suportahan siya sa muntik niyang pagtumba. Hawak niya rin ang kanyang ulo na tila sumasakit ito. Agad ko siyang inalalayan pero ako’y nabato ng aking marinig ang tinig na iyon.

-narito si Nikki sa aking tabi. Siya’y ligtas. Isang pagkakataon ko lamang magagamit ito. Kayo ba’y nasa ligtas na lugar na? Sena, patawarin mo ako, hindi ko nais na ika’y madawit pa sa kaguluhang ito. Pero ipinapangako kong matatapos na ang lahat ng ito sa gabing ito. Si Steven… Pakiusap, panatilihin mo siyang ligtas kahit anumang mangyari sa akin. Mahal na mahal ko ang aking anak. Ikaw na ang bahala sa kanya.

Ang tinig na iyon. Kay ina ang tinig na iyon.. Pero.. Buhay si ina? Nakakasiguro akong siya iyon! Pero paano?

“Pupuntahan nila tayo kasama si Nikki kapag natapos na ang lahat ng ito.” Sabi ni Mama. Tila wala akong narinig. Tanging tinig niya lang ang ulit-ulit na naririnig ng aking dalawang tainga.

Kasama niya rin ang aking pinakamamahal na babae sa buong buhay ko.

“Ma, kailangan nating bumalik. Ako’y sabik na makita ang aking ina!”

“Hindi! Delikado Steven. Nauunawaan mo ba ang aking sinasabi? Hindi!” Napahinto siya sa panernermon ng bigla niya akong tingnan, bakas sa kanyang maamong mukha ang pagtataka.

“Paanong-“

“Narinig ko ang lahat Ma. Kaya ka ba umalis para siya’y katagpuin sa isang lihim na lugar?” Nanlalaki ang mata nya na tila hindi makapaniwala sa lahat ng lumalabas mula sa aking bibig.

“Steven..”

“Sige. Magpaliwanag ka Ma. Bibigyan kita ng pagkakataon.”

 

Nikki’s POV

You’ve got to be kidding me! I’m actually persuading a ghost. A really hot and handsome ghost!

Ang pogi ni Erasmus. Siguro mas matanda ng konti sa edad ni Kuya Mico. Like he’s in 20’s na. Kamukha niya si Kuya Mico, pero mature version. Ang bata niya pa para bawian ng buhay. Sorry beb, hindi ako nagtataksil pero, ang gwapo kasi! Considering na multo na siya ha. Xyrenida, you’re one lucky girl. Inaappreciate ko lang yung pagiging gandang lalaki niya.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon