Chapter 14 - Decisions ~ Xyrenida's Move

84 3 0
                                    

Chapter 14 –Decisions ~ Xyrenida’s move

Nikki’s POV

This is it. Wala ng atrasan ‘to.

Sasabihin ko lahat ng nasa isipan ko. Bahala na kung anong mangyayari.

Binitawan ko ang kamay niya at umupo ako sa bench. Nakita ko pa si Ate Lena habang nagdidilig siya, pero nung nakita niya kami agad siyang umalis.

“First of all, I need you to listen attentively to me. Malinaw?”

Umupo rin si Steven sa tabi ko. Huminga ako ng malalim saka humarap sa kanya.

“As much as I hate to say this, pero namimiss ko talaga yung kasungitan mo. One of a kind characteristic mo yun e. I have to agree sa sinabi ni Manang Pacita sa’kin. Nakakapanibago. At dahil na rin sa ako ang puno’t dulo ng lahat ng ‘to, I have to do something.”

“Sabi ko sa’yo, bigyan mo lang ako ng oras. Tama? Bakit ka nagkaganito? I mean.. Naaah. Nevermind.”

Ano ba! Bakit kinakabahan ako?! Especially the way he watches me. GAAAAAH. >.<

“W-wag kang tumingin sa’kin! Dun ka humarap! I can’t think straight.”

Saglit niya pa’kong nilakihan ng mata bago niya ko tinaasan ng kilay. Sapakin ko ‘to e!

“Urgh. Busit. Ako nalang.” Tumingin ako sa gilid para makaiwas ng tingin sa kanya.

“Hoy, maski hindi ako nakatingin sa’yo, lahat ng mga sinasabi ko totoo ha!”

“May sinabi ba ako?” Angal niya sa’kin. He’s almost back. Bumabalik yung arrogance niya. Haaay.

“Psh. You ruined the mood. Okay, eto na nga. Umamin ka sa’kin, sinabi mo lahat ng feelings mo. Hindi ako agad nakasagot kasi pinangunahan ako ng takot at siyempre pagkabigla.”

“Napag-isip isip ko.. This won’t work. Alam mo yun? Kahit na gusto rin kita, hindi pwede. Naiintindihan mo ba ako? Hindi ako galing sa mundong ‘to. Hindi tayo bagay. Kumplikado ang lahat. Aalis rin ako, hindi ko alam kung kailan, pero yun ang pinakasigurado akong mangyayari. Masasaktan ka kapag nakita mo akong umalis. Kaya, ayoko na sanang patagalin pa ‘to.”

“Anong –”

“Hep! Hindi pa tapos. Pinayuhan ako ni Manang Pacita, dapat nga siguro na sulitin ko ang oras ko rito. Kahit ano kasing gawin kong iwas, hindi ko magawa. May possibility na lumalim pa ‘to, pero anong magagawa natin?”

Habang humahaba ang mga sinasabi ko sa kanya, bumibigat ang pakiramdam ko sa dibdib. Feeling ko hindi ako makahinga.

“I have decided. I’m going to enjoy my stay here. And that includes my..” Lalabas na talaga siya mula sa’kin. Hingang malalim..

“I-i.. Steven, I like you too. Believe it or not, I just realized that especially when this beats twice the normal rate.” Tinuro ko ang dibdib ko. Nilakasan ko ang loob kong tumingin sa kanya. Only to find him also staring at me, open-mouthed.

“Gusto rin kita Steven. Gustung-gusto. Mas gusto pa kita kaysa sa damuho kong ex. Mas gusto kita kaysa sa pogi at gentleman na si Seph. Mas gusto kita kaysa sa napakacute na si Rico. Kahit na napakaarogante, napakasungit at napakayabang mo, gusto kita. Kahit na napakabaduy ng mga suot mo, ang hot mo pa rin sa paningin ko. Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko? Gusto kita.”

Nakatingin lang siya sa’kin. Pulang-pula na ako dito sa kahihiyan tapos tititigan niya lang ako?

“Ah. Baka nakaget-over ka na. Sige. Kalimutan mo nalang yung-“

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon