Chapter 4 - Undeniably Unbelievable Stories

117 3 0
                                    

Chapter 4 – Undeniably Unbelievable Stories

Nabitawan ni tita yung kutsara’t tinidor niya. Nakarinig rin ako ng parang nabasag na pinggan sa kusina. Tapos parang may narinig akong kalabog ng kung ano sa hallway. Nung tumingin ako dun, nakita ko si Steven na nakahawak sa railing ng hagdan, parang kumukuha ng suporta.

Tumingin siya sa direksyon namin at parang takot na takot siyang lumapit sa’kin.

“A-anong ibig mong sabihin?” Bumalik ang atensyon ko kay Tita Sena na namumutla.

“Tita, kalma po. Hindi ako alien!” Natatawa kong sabi sa kanya. Parang nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ko.

“Tita, pwede niyo po bang tawagin lahat ng mga tao sa bahay na ‘to? Ayoko lang kasing magulat sila.”

“Ako na.” Pagvovolunteer ni Steven. Nagulat ako kasi narinig ko ang boses niya mula sa likod ng upuan ko. Kailan pa siya nakalapit?!

“Pakibilisan anak. Gustung-gusto ko ng malaman ang storya ni Nikki!” Masiglang sabi ni Tita. Owkaaaay? Unusual ang reaction niya.

Narinig kong tinawag naman ni Steven yung mga kasambahay kaya mga ilang minuto lang, kumpleto na ang lahat sa hapagkainan.

Meeting de avance? Hahahaha!

Ngumiti ako saka napailing. Yung mukha ng mga kasambahay parang namumutla na ewan. They all looked stiff except kay Manang Pacita saka Ate Lena. Pero alam kong di sila ganun ka komportable.

Natawa pa’ko lalo ng umupo si Steven sa’kin na takot parang kakainin ko siya. Hindi kasi talaga siya tumitingin sa’kin. Galit pa rin kaya ‘to?

“Hoooo. Paglilinaw ko lang po. Hindi ako galing sa mundong ‘to. Pero hindi ibig sabihin nun na galing ako sa ibang planeta.”

Tumango-tango naman yung mga kasambahay. Pagtingin ko kay Tita, makikita mo talaga yung excitement sa mukha niya. Si Steven, oh well malay ko sa kanya. Iniiwasan ko yung intense niyang tingin sa’kin. Nakakatunaw! >.<

“Hindi po ako galing sa mundong ‘to. Sa panahong ‘to.”

Lahat sila napasinghap. Except lang sa dalawang kasama ko sa hapagkainan. Nakatayo kasi lahat ng kasambahay.

“Ipinanganak ako noong Pebrero 14, 1997.” Lumuwa ang mata nila sa sinabi ko. I am so enjoying this.

“Opo. Galing ako sa ibang henerasyon. Sa panahon ko po talaga ngayon, 2014 na.”

“Ano namang patunay mo na hindi ka nga galing sa mundong ‘to? Baka naman isa kang mangkukulam.” Biglang tanong ni Steven. Muntik pa’kong mapatalon sa upuan ko sa pagtatanong niya. Hindi ko akalaing interesado siya.

Tumingin ako sa kanya ng masama. WTH? May duda pa siya? Fine..

Tumayo ako at kinuha ang bag ko, na nasa tabi ko lang naman, saka nilabas lahat ng gadgets ko.

“Cellphone ‘to. Ito ang ginagamit na bagay ng mga nasa mundo ko tuwing gusto nilang makausap o makatext ang kausap nila. Yung text, yun yung sinusulat nila kung ano ang mensahe nila na gustong iparating. Pero ito, may nakalagay na agad na letra, ang kailangan mo lang gawin eh pindutin yun. Tapos pagtapos na, pwede mo ng mapadala. Isang segundo siguro ay mababasa mo na agad yun. Depende iyon sa layo ng distansya mo sa papadalhan mo.” Hawak ko ang iPhone ko habang dinedemo sa kanila kung pano ginagawa yung mga pinagsasasabi ko.

Kailangan kong habaan ang pasensya ko. Since ako lang naman ang meron nito dito. *roll eyes*

“Pwede ka ring kumuha ng litrato dito. Maglaro, saka kung ano pa. Ito naman, iPad ang tawag dito. Para makisabay lang sa uso ang gamit niyan.” Sabi ko. Pareho lang din yung gamit eh. Mas malapad nga lang di’ba?

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon