Chapter 16 - Change ~ Telltale

74 4 0
                                    

Chapter 16 – Change ~ Telltale

Nikki’s POV

2 days nalang ako sa bahay, or should I say sa panahong ‘to. Wala kaming pinalampas na oras na hindi kami magkasamang dalawa. Si Tita, medyo hindi ako pinapansin simula kahapon. Nakakapagtaka kasi hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanya.

May bike pala sa bodega. Ang tagal tagal kong di nakapagbike! Kaya pinilit ko si Steven na maglibot sa street nila gamit ang bike. Nadaanan pa nga namin yung puno ng balete. Pinapaalala talaga ang nalalapit kong pag-alis. Hindi niya daw nagagawang magbike since wala naman siyang kasama. And another thing, hindi siya marunong! Tawa ako ng tawa nun. Pero in the end natuto rin siya dahil magaling ang teacher niya. Siya na ang umaangkas sa’kin.

Oo nga pala, marunong magpinta si Steven. Like, OMG talaga. Kaya pala gusto niyang magtiwala ako sa kanya na maduduplicate niya yung pinasketch namin kay Kuya Ivan. Sa kanya na yung painting, akin yung sketch. Nakakatuwa pa nga dahil mas nabuhay kami sa painting niya. I gave him a 10-second kiss dahil dun. Kyaaa >.<

Kahapon, galing kami sa Aroma. Himala nga at napilit ko si Steven na isama ako. Buong araw kami nagstay sa Aroma kasama sina Rissa, Seph, tapos kilala ko na rin yung tatlong humabol sa’kin nung nagsneak ako sa sasakyan ni Steven for the first time. They have weird names ha. Elio, Caloy at Andres.

That would’ve been the last time that I’ll be with them. Di bale, who knows, baka makita ko sila sa panahon ko, gaya ng pagkakapareho ng itsura ni Rica sa bestfriend ko saka si Seph sa ex ko.

Marami ring nabigla tungkol sa’ming dalawa ni Steven. Sino ba namang hindi? Lalong-lalo na si Rica. Akala ko nga magagalit siya sa’kin eh. pero ang sabi niya.. “Hindi ah. Ano ka ba  naman Nikki. Halata naman kasi simula pa lamang, lalo na nung ika’y nakita niya nung magkasama tayo.”

So matagal na palang may gusto sa’kin yung bakulaw na yun. Well, flattered ako sa nalaman ko. Pero nung si Seph ang kinausap ko, muntik pa’kong di payagan ni Beb. Pero siyempre, ako’y isang dakilang persuader, kaya ayun, in the end pumayag rin siya. Pero bantay sarado naman kami.

“Sorry..” Yan agad ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagsosorry kay Seph.

“Para saan? Kaya pala ganoon siya makaasta nung nasa Cappy tayong dalawa.”

“Hay. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko lang na dapat kong sabihin sa’yo yun.”

“Ayos lang Nikki. Hindi ko lang siguro matanggap. Akala ko talaga may pag-asa pa tayong dalawa.”

“Ha? Anong ibig mong sabihin?” Hinawakan niya yung kamay ko saka ako tinitigan.

“Gust-“ Naputol ang sasabihin niya ng dumating si Beb. Mananapak ako ng tao. Promise.

“Time’s up Tep.”

“Hoy. Di pa kami tapos mag-usap! Shoopi nga.”

“Hindi. Baka gabihin tayo sa daan. Tara na.”

“Steve..” Angal ni Seph sa kanya. Nakikita ko na yung dark aura sa kanilang dalawa kaya pumagitan na’ko. Sheeesh. Mga testosterones nga naman oh.

“Sige nalang Seph. Sorry ulit. Bye.” Yumakap ako sa kanya nang mabilis pero bumitaw din agad. Nagmamatyag si boyfie eh. Pagkahiwalay ko sa kanya, bigla nalang ako hinila ulit ni Seph at sinunggaban ng halik. Oo. Sa harap mismo ng boyfriend ko.

Mga 3 seconds niya akong kiniss at saka bumitaw. Nanlalaki pa ang mata ko sa kanya ng humiwalay siya sa’kin.

Sa maximum level na yung dark aura ni Steven kaya lumapit ako agad sa kanya. Baka may magawa pa siyang hindi maganda.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon