Chapter 11 - Date ~ No more Mr. Bad Guy

81 2 0
                                    

Chapter 11 – Date ~ No more Mr. Bad Guy

Steven’s POV

Bakit ko siya inanyayahang mamasyal? Sa anong dahilan?

Hindi ko alam.

Marahil ay nais kong maibigan niya ang lugar na ito. At kung sakaling mangyari man iyon, magbago ang isip niya.

Magbago ang isip niya sa ano?

Argh. Wala akong alam. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Gusto ko lamang na makasama siya ngayon sa buong araw na ito. May kung anong bumabagabag sa aking isipan na hindi na siya magtatagal sa hacienda. At kung dumating man ang oras na iyon, hindi ko gustong manghinayang ako na wala man lang siyang magandang alaala na dadalhin sa kanyang paglisan.

“Oi bakulaw. Sa’n ba tayo pupunta?” Ngiting-ngiting tanong ni Nikki.

Kakalabas ko lamang mula sa Aroma. Gaya nga ng sabi ni Nikki, nagpaalam ako sa aking mga kasamahan na hindi muna ako pansamantalang makakatulong sa bukid. Hindi ko magawang tumingin sa aking matalik na kaibigan sa kadahilanang hindi ko rin maipaliwanag. Tanging sama ng loob ang aking nararamdaman sa tuwing magtatama ang aming mata. Lalo na kung siya’y nasa paligid naming dalawa ni Nikki.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang bunsong kapatid ni Ica, masama rin ang loob ko sa batang ito.

Bakit niya kailangang halikan si Nikki sa kanyang pisngi?! >.<

“Hello? Earth to Steven?! May kausap ba ako?” Kinaway-kaway ni Nikki ang kanyang kamay sa harapan ko.

Itinaboy ko iyon at tiningnan siya ng matalim.

“Sumakay ka na.” Utos ko sa kanya. Bahagya pa siyang ngumuso at nag-tsk bago siya sumakay sa sasakyan.

“Ano na kasi? Saan nga? May amusement park ba dito? Beach? Mall? Ano nga!!!” Haaaays. Wala talagang preno ang kanyang bibig. Hahalikan ko ‘to pag hindi nagtigil.

“Tatahimik ka o ako mismo ang magpapatahimik sa iyo? Mamili ka.” Banta ko sa kanya habang hindi ko siya tinitingnan.

“Marahil ay maibigan mo ang aking paraan. Ano? Try me.” Dagdag ko pa sa aking banta.

Nikki’s POV

“Tatahimik ka o ako mismo ang magpapatahimik sa iyo? Mamili ka.” Biglang sabi ng lalaking ‘to. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

“Marahil ay maibigan mo ang aking paraan. Ano? Try me.” What? Masama ang kutob ko. Hindi siya nakatingin sa’kin at diretso lang ang tingin sa daan habang papalabas kami sa parking lot ng Aroma.

“Uhh. I’ll shut up.” Sabi ko sabay zip ng bibig ko. Nakita kong iniling niya ang kanyang ulo ng paulit-ulit.

Nanahimik nalang ako buong biyahe. Not knowing kung saan kami papunta. May pathrill-thrill pa kasing nalalaman eh. -_-

“Alam kong hindi maganda ang aking pakikitungo sa iyo. Pero simula ngayon, sisikapin kong maging mabait sa iyo. Iyon ay kung magiging ganoon ka rin sa akin.” Out of the blue niyang sabi. Nagising ako sa pagkakaidlip ko ng marinig ko siya.

Am I hearing stuffs? O talagang magpapakabait na siya sa’kin?

“Sure ka? Madali akong kausap.”

“At! Iyang sarkastiko mong paraan ng pananalita. Nais ko ring mawala iyan. Hindi ko nais na lisanin mo ang hacienda na masama ang loob mo sa akin. ..Kung maaari lamang ay huwag ka ng umalis…”

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon