Chapter 7 - Meet the Girl ~ Foreign World

114 5 0
                                    

Chapter 7 - Meet the Girl ~ Foreign World

Okaaaaaay. Now I feel weird.

Bakit nga ba galit na galit ako sa bakulaw na 'to dahil napigilan niya yung almost kiss namin ng bestfriend niya? Di'ba dapat thankful ako? Ganun ba'ko kauhaw sa affection ngayon kaya maski doppelganger ng mismong taong kinasusuklaman ko, nagawa kong pagnasaan?

"UGHHHHH!" Sigaw ko out of frustration.

Nagulat ata sa'kin si Steven kaya hininto niya na naman yung sasakyan at muntikan na naman akong mauntog sa salamin! Pusheeeet.

"Hanubaaaaa! Magdahan-dahan ka nga!"

"Ginulat mo ako. At narito na rin tayo." Inis niyang sagot sa'kin saka bumaba ng sasakyan. Napakagentleman niya talaga. I can't believe him!

Nasa isang sementeryo kami. Sementeryo?

"H-hoy! Sa'n tayo pupunta?!"

"Sa langit. Kung saan tahimik at walang istorbo."

Oh my gosh..

"Ano pang hinihintay mo dyan?! Baba." Biglang sigaw niya sa'kin. Napatalon pa'ko sa upuan ko. Natataranta kong tinanggal ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Natatakot ako na ewan.

Una siyang naglalakad sa'kin. Nakabuntot ako sa likuran niya habang nakayuko. Mukhang pangmayaman naman 'tong sementeryo. Well base sa mga musoleong nadadaanan namin.

Lumiko si bakulaw sa kanan, sinundan ko lang hanggang sa huminto siya sa isang museleo at binuksan ang gate nito.

Nanatili ako sa labas ng museleo habang pinapanuod ko siyang nagsindi ng kandila at nagdasal. Hindi kaya sa namatay niyang tatay 'tong puntod?

Bago ko pa man mabasa yung pangalan na nakaukit, nakatingin na sa'kin si bakulaw habang sumesenyas na lumapit ako sa kanya. Di na'ko nagdalawang isip kaya pumasok nalang ako sa loob.

Confirmed. Puntod nga ito ng tatay niya. Enrico Ramirez kasi yung nakaukit.. Sa pagkakaalam ko Enrico yung namention na pangalan ni Tita Sena.

Tinrace ko yung nakaukit na pangalan ni Tito. Tito, dahil asawa siya ni Tita Sena.

"Hello po Tito Enrico. Nabanggit ka na po sa akin ni Tita Sena." Sabi ko. "Sayang po nu? Hindi ko man lang kayo naabutan. I wonder kung ano po ang itsura niyo. Siguro pogi kayo nu? Kasi naman po, kahit anong tanggi ko na panget ang unico hijo niyo, magkakasala lang po ako sa Diyos nun."

Sinilip ko si Steven saka ngumisi. Nakatitig lang siya sa'kin pero dineadma ko nalang.

"Alam niyo po bang bipolar po 'tong anak niyo? Sakit sa ulo. Nakakastress! Lalo na po sa ginawa niya ngayon-ngayon lang din. Tinulak ba naman niya si Seph! Gosh. Anong ispiritu yung sumapi sa kanya para gawin niya yun sa bestfriend niya?"

I know. I talked nonsense. Pero hindi naman ako kinikilabutan sa mga pinaggagawa ko. I wonder why? Ang serene lang kasi ng atmosphere. Totoo nga yung sinabi ni Steven na langit dito.

"Sana po andito pa rin kayo para nasubaybayan niyo yung paglaki nitong bakulaw na 'to. Hehe. Para rin po hindi nahihirapan si Tita Sena sa kanya." Nag-pause ako sandali. Sasabihin ko ba talaga o hindi? Nakakailang kasi. Pero bahala na nga. So what kung naririnig ni Steven? Hindi siya ang kausap ko.

"Tito, sa tingin ko po, uhaw sa pagmamahal niyo ang anak niyo. Alam ko rin naman pong hindi niyo sadya na iwanan silang dalawa ni tita. Pero sana napaghandaan nila."

"Saka alam niyo po ba, baka nagustuhan ko rin 'tong anak niyo kung hindi lang sa masahol niyang ugali. Major turn off talaga. Agree po ba kayo?" Pabulong kong sabi. I have no freaking idea kung bakit ko nasabi yan! Pero lumabas na sa bibig ko eh.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon