Chapter 12 - Date ~ No More Mr. Bad Guy II

91 2 0
                                    

Chapter 12 - Date ~ No more Mr. Bad Guy II

Nikki’s POV

                                                      

Whooo. Muntik na talaga akong malunod. Thanks to him, I’m still aliiiiiiiiive. And because of that, he gained 25 points for his heroic deed. That earned him 100 points.

Pero ang hindi ko magets at maipaliwanag, ginawa ko ba talaga yun?!

Did I really kiss him?!

WAAAAAAH! Nakakahiya! >.<

Kaso nangyari na eh. Paano ko pa babawiin? Ihhh. Buti nalang nakaramdam ‘tong mga alipores ko sa tiyan at nailigtas ako sa sitwasyong yun. Thank you babies.

Pumunta ako kung saan nagset-up ng hapagkainan si Steven. Tiningnan ko siya ulit, mukhang wala lang naman sa kanya yung nangyari. Should I be relieve?

“Hindi pa nga tapos maluto. Binalaan na kita.”

“Oo na. Sabi ko nga tutulong ako di’ba?”

“Umupo ka nalang dyan. May tuwalya sa loob ng maleta, batid kong nilalamigan ka. Ikuha mo nalang rin ako ng damit.” Wow. Utusan ako? Ganun?

Hindi ko magawang magsungit dahil gusto kong ipakita rin sa kanya na ako ang nicest sa lahat ng nakilala niya. Malay mo may reward din ako sa kanya. Who knows?

[Ano naman kung wala kang reward?]

Oo nga naman, eh.. Malay nga lang di’ba?

[So, nag-eexpect ka?]

“Ano ba utak. Umayos ka!”

“Oy, sinong kausap mo riyan?” Sigaw ni Steven mula sa pwesto kanina. Narinig niya pa’ko?

“Konsensya ko lang. Haha. Don’t mind me!” Hindi ko na siya narinig na sumagot kaya hinayaan ko nalang.

Kumuha ako ng dalawang towel saka tshirt nga raw niya. Ngayon ko lang napansin na topless pala siya simula nung lumangoy kami.

WAAAAAAH! Ni hindi ko man lang naappreciate ang view. Hindi kasi nakisama ‘tong paa ko e. -_- Sayaaaaang.

Kinuha ko na rin yung phone ko at balak kong magselfie pampalipas ng oras. May 89% pa naman. Saka almost 10am palang.

“Saluhin mo.” Hinagis ko sa kanya yung tshirt niya na nasalo niya naman. Pinanood ko siyang suotin yun kaya nagkaroon pa’ko ng pagkakataong magstolen habang nagbibihis siya. Wahaha. Nice view.

“Burahin mo iyan.”

“Yung?”

“Sa tingin mo ba ay hindi ko alam?” Nakataas ang kilay niyang sabi sa’kin.

“I don’t know what you’re talking about. Kita mong naglalaro ako dito!” Pinakita ko pa sa kanya yung nilalaro ko. He pursed his lips, malamang nagdedecide kung maniniwala ba siya o hindi.

Hindi niya naman ako pinansin at nagfocus siya sa niluluto niya.

Stolen pics ulit.

“Steven!” Tawag ko sa kanya then click.

“Hahaha! Yes!” Walang ekspresyon sa mukha niya ng humarap siya sa’kin. Pwedeng meme ‘to!

“Nikki.. Umayos ka ha.” Banta niya sa’kin at tinalikuran na naman ako.

“Oh bakit? Maayos naman ako ah.” Pagmamaang-maangan ko. Natatawa talaga ako sa kanya kasi nagsstastruggle talaga siya kung sasagutin niya ba ako ng pabalang o mananahimik nalang. Well, base sa ekspresyon niya. I think?

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon