Chapter 20 - Back Home ~ Going Insane

72 2 0
                                    

Chapter 20 – Back Home ~ Going Insane

Nikki’s POV

Nagising ako madilim na at walang kahit anong liwanag. Sana naman hindi ako naligaw sa ibang timezone. Sheesh. Hinawakan ko ang bag ko at tuwang-tuwa na nasa akin pa rin ‘to. Thank goodness.

Nilabas ko ang phone ko, buti nalang nacharge ko ‘to kanina sa hacienda. Binuksan ko ang flashlight. Puro puno dito. meaning nasa gubat ako. May reception rin ako ngayon. Himala ata?

Naglakad-lakad ako at humanap ng lugar kung saan may mas malakas na reception. Anong malay ko sa gubat na’to. Madilim at yung sinag ng buwan lang ang liwanag ko. Nung nakahanap ako ng reception, sunud-sunod na text messages ang nareceive ko.

May text galing kay Mommy, Kuya, Macky, Daddy, Riz, at Seth. May ilang unknown numbers rin. Umabot ng 200 ang mga texts nila at nakakareceive pa rin ako. gustuhin ko mang patayin ang phone ko, kailangan ko silang macontact.

Inexit ko ang messages at binalik sa home, nung idadial ko ang number ni Riz, nakita ko ang wallpaper ng phone ko. Picture namin kanina nung nagbiking kaming dalawa. Nakacollage since ang dami naming pose na ginawa. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko pero hindi ko muna pinansin yun.

“Hello? Riz?” Sinagot niya sa 2nd ring. Bakit nga ba si Riz ang una kong tinawagan? First magpapanic attack si Mommy kung siya yung una, ganun din kay Daddy. Kung si Kuya o kaya si Macky, sesermonan ako nun pero maglalambing rin maya-maya.

[OMFG! Where have you been bhez? We’ve been worried sick! Nasaan ka?!]

“Kalma lang Riz. I think nasa school ako.”

[What? Sa school? Naikot na namin ang buong school pero ni anino mo wala kaming nakita.]

“Long explanation. Basta andito ako for sure. Pwede mo ba’kong masundo?”

[Uhh. About that, wala akong car ngayon. Kinuha nila Mommy since they blame me for your loss. Anyway, kasama ko si Seth ngayon. Magpapasama ako sa kanya. And bhez, you definitely need to talk.]

Si Seth? Si Seth talaga? Okay. Parang may choice naman ako no?

“Sige. It’s fine. Bilisan niyo please. Binuksan ko na GPS ko para malocate niyo ko agad.”

[Fine fine. Paalis na kami. Have you contacted Tita Amanda already?] Naririnig ko sa background na nagsasalita si Seth saka I think nasa sasakyan na sila.

“Hindi pa. You knew how she’ll react.”

[Geez. Call her already! Nung mabalitaan niya ngang nawala ka for 3 hours palang, halos magwala siya. What more na 2 days ka pang missing?]

2 days?

“Anong 2 days?”

[Wow. Saang lupalop ka naabduct Bhez? Of course. You’re 2 days missing already. Nagpatawag na nga ng media ang Daddy mo eh. Kakaannounce nga lang kaninang lunch time.]

WTH? 2 days lang akong nawala sa panahong ‘to? Samantalang 2 weeks akong nagstay sa 19th century? Wow. Can someone explain this to me? Okay maybe none can do. Nasa kabilang mundo eh.

[Hello? Bhez? Still alive? Sa campus na kami ni Seth.  I’ll hang up na. we’ll just track you okay?]

“Okay bye.”

Umupo nalang ako sa damuhan since wala namang kahit ano dito. Napatingin ako sa katabi kong matigas. Parang bato ‘to ah? Inilawan ko ‘to at nakita ang mga bato na naka form na bilog. Ito yung ginawa ko dating palatandaan ah? Cool.

Naramdaman kong may mainit sa leeg ko. Hinawakan ko ‘to at nabiglang suot ko pala ang amethyst stone. Nakalimutan kong tanggalin nung naligo ako. Bakit umiinit ‘to? Dun ko naalala ang sinabi ni Tita Zana nung nasa bodega kami ng hacienda.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon