Chapter 15 - Connected Dreams ~ Saccharinity

72 3 0
                                    

Chapter 15 – Connected Dreams ~ Saccharinity

(A/N: Saccharinity – Excessive sweetness of a sugar. Oo asukal talaga. Hahaha.)

 

Nikki’s POV

“Maghanda ka na Nikki. Pagkatapos ng limang araw, ika’y tuluyan ng makakabalik sa iyong tunay na pinanggalingan.”

Nasa gubat na naman kami ni Elizana. Pero ang nakapagtataka, napakaganda dito. As in. May fountain na napaliligiran ng matataas ng halaman. Makukulay rin ang mga bulaklak. I have no freaking idea kung paano ako nakapunta rito. Pero I feel safe naman since si Elizana itong kausap ko.

Another weird thing is, ang bata ni Elizana. Parang si Mommy lang nga eh. Like she’s in 30’s niya palang. Kamukhang-kamukha niya yung nasa painting sa kwarto ni Steven. Well, siya nga naman talaga yung nasa painting na yun. Hindi na nakakapagtaka.

“Ha? Ano ulit yun? Teka asan nga ba tayo?” Iniikot ko pa kasi ‘tong garden na ‘to eh. Ang ganda lang kasi. Pwedeng venue pangpictorial.

“Panaginip mo ito Nikki. Ito ang kasalukuyang lugar kung saan ako nagtatago pansamantala.”

Ayoko ng gumising!

“Talaga? Saka ikaw ba talaga yan? Oh My Gee. Sa’yo nagmana si Steven.”

Tumawa siya ng mahina saka tumango. Napansin kong medyo maluha-luha pa siya kaya nilapitan ko siya.

“Miss mo na siya no? Bakit ba kasi di ka nagpakita sa kanya? Alam mo bang mahal na mahal ka niya kahit di niya sabihin sa’kin. Tinago niya nga yung painting mo sa kwarto niya eh. Ayaw idisplay sa sala.” Selfish masiyado sa mama niya. Arte. -_-

“Hindi ko maunawaan ang ilan sa iyong mga sinabi.. Kailangan ko silang iwan ni Enrico para lubayan sila ng sumpa ng aming angkan.” Napataas ang kilay ko.

“Sumpa?”

“Oo. Ipinataw iyon ni Xyrenida sa aking mga ninuno. Hindi pa malinaw sa akin ang kanyang layunin, pero malalaman ko rin sa tamang panahon. Pero hindi iyon ang punto ko.” Tumahimik ako saka hinayaan siyang magsalita.

“Alam kong mahihirapan kayong dalawa. Nakataya ang buhay mo sa bagay na ito. Pero sa aking palagay ay hindi na iyon aabot sa puntong iyon.”

“Ano? Di ko gets?” Sorry. Lalim masiyado. Matalinghaga kumbaga. Nosebleed. >.< Napabuntung-hininga siya saka nagsalita ulit.

“Hindi na maaapektuhan ang iyong desisyon na bumalik sa iyong pinanggalingan. Tama?” Tumango lang ako.

“Iyon ang importante. Gaya nga ng aking sinabi, nakataya ang buhay mo. Hindi magiging madali ang iyong pagbalik sa tunay mong panahon Nikki. Kaya nais kong makasigurado sa iyong desisyon. Maaapektuhan ang dalawang panahon: ang panahong ito, at ang panahon mo. Maaaring maapektuhan ang balanse ng dalawang mundo.”

Ang lalim pa rin pero medyo gets ko na.

“Paano makakaapekto? Bakit damay ang buhay ko?”

“May posibilidad na kapag ika’y nanatili sa mundong ito, maaapektuhan ang hinaharap. Halimbawa na lamang ay kung kayo nga ng aking anak ang magkakatuluyan, maaaring hindi na mabubuhay ang iyong mga magulang o kung mayroon ka mang mga kapatid. Hindi mo makikilala ang iyong mga nakilala sa iyong panahon.”

Oh.. I have nothing to say to that.

“Ipinapangako kong babalik ako sa tunay kong panahon. Kahit anu pang mangyari, you have my word.” I swear. Alam kong nag-aalala sila Mommy at Daddy sa’kin kahit na napakabusy pa nila. Si Kuya Mico saka si Mac-mac, my ever protective siblings, sigurado akong hinahanap na rin nila ako. si Riz rin panigurado. Oh I miss them so much.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon