Chapter 3 - Talk. Talk. Talk.

123 5 0
                                    

Chapter 3 – Talk. Talk. Talk.

Nakaupo ako sa sala. Naiilang ako tuwing maalala ko ang nangyari kaninang umaga.

“Pinatawag ko na si Pacita sa’yo. Ako nga pala si Sena. Pwede mo akong tawaging Tita Sena. Ikaw hija, ano ang iyong pangalan?” Sinamahan ako ni Tita habang naghihintay kay Manang Pacita. Positive na akong siya ang tinutukoy ni Manong may bigote na napakabait daw na Ramirez.

“Nicole Anne po. Nikki nalang po ang itawag niyo sa’kin.”

“Nikki. Kay gandang palayaw naman iyon. Kung hindi mo mamasamain Nikki ha, bakit ganyan ang iyong kasuotan? Hindi naman sa hindi iyan pangkaraniwan, pero sa pagkakaalam ko, ang mga taga-Estados Unidos ang madalas na nagsusuot ng ganyan.” Tanong ni Tita sa’kin habang nakatingin sa mga damit ko. Nahihiya pa akong hinawakan ang laylayan ang skater skirt ko at sinubukang hilaing pababa.

Eeeek. Maniwala kaya siya sa ikukwento ko kung sakali? Timing naman ang pagdating ni Manang Pacita.

“Madame. Ako po’y inyong ipinatawag?” Napatingin sa’kin si Manang kaya nanlaki ang mata niya. “Nikki? Ikaw ba yan hija?”

Tumango ako kay Manang.

“Mabuti pang iwan ko muna kayong dalawa. Mukhang may mahalaga kayong dapat pag-usapan.” Pagpapaalam ni Tita Sena.

“Salamat po Tita Sena.” Sabi ko sa kanya kaya iniwan niya na kami. Hinila naman ako palabas ni Manang papunta sa garden.

“Ano ang nangyari sa’yo bata ka? Nakahanap ka ba ng matutuluyan mo? Wala ka bang pera?”

Umiling lang ako..

“Manang, nasa kabilang bayan pa pala yung mga lugar na nagpapaupa para matirahan. Ang sabi nila sa’kin, isang araw pa daw ang biyahe papunta dun. Hindi ko po problema ang pera. Pero nagugutom na po ako at wala na’kong ibang maisip na pwede kong matirahan.”

“Susmiyo. Ano ka ba namang bata ka. Ang dami mong problema. Halika, mabuti na lamang at si Madame ang iyong naabutan. Kasalukuyang natutulog ang seniorito. Maiiwasan ang inyong pagsagutan.”

Natawa nalang ako sa sinabi ni Manang. Kahit siya hindi na rin napigilang hindi tumawa.  Siguro naaalala niya yung nangyari kanina.

“Ano po ang gagawin ko? Kailangang-kailangan ko po talaga ng matutuluyan. Ayos lang sa’kin na magtrabaho bilang kasambahay. Basta po aalalayan niyo ako. Hindi ako sanay sa gawaing bahay e. Pero mabilis po akong matuto.” Confident kong sabi. Napaisip naman saglit si Manang at hinila na naman ako papasok sa bahay.

“Mukhang hindi ka na rin mahihirapan kay Madame. Nagkapalagayan na kayo ng loob tama? At sigurado akong papayag siya.” Sabi sa’kin ni Manang habang nakasunod pa rin ako sa kanya.

Sana nga Manang. Sana nga.

***

*knocks*

Huminto kami sa isang pintuan. Tapos binuksan ito ni Tita Sena. I assume ito ang office niya dito sa mansion?

“Oh Manang, Nikki. Pasok kayo.”

Pinaupo kami ni Tita sa couch. Nakayuko pa ako. Kinakabahan kasi ako. Baka wala akong mapala!

‘Think positive. Andito ka na. Ngayon ka pa aayaw?’

Oo na. Ikaw na laging tama! Pesteng konsensya ‘to.

“Ano ang maipaglilingkod ko sa inyong dalawa?” Tanong ni tita. There. The million dollar question.

Inhale.

Exhale.

Bago pa ko makapagsalita eh inunahan na’ko ni Manang.

“Madame, gusto sanang magtrabaho ni Nikki bilang kasambahay kapalit ng pansamantala niyang pagtira dito.” Dinugtungan ko nalang yung sinabi ni Manang.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon