Chapter 2 - Bakasyunista!

165 5 0
                                    

Chapter 2 – Bakasyunista!

Parang nagslow motion ang lahat nung magbukas ang pinto at niluwa nito ang isang anghel OH GEE..

Nanlaki ang mata ko. Gosh. Ang pogiiii! Ang hot niya rin! Nakashorts at nakasabit ang tuwalya sa kaliwang balikat nito. Napababa ang tingin ko sa katawan niya. Oh my gahd. ABS!

Pero binabawi ko ang lahat ng sinabi ko. Dahil isa siyang bastos at walang galang na hindi marunong kumatok at bigla-bigla nalang papasok sa banyo. Hindi man lang marunong rumespeto ng privacy! MANYAK SIYA! Hindi siya karapat-dapat na pagnasaan ko.

Sino ba ‘to? Isa sa mga boy nila sa mansion na ‘to? Magaling pumili yung seniorito nila ha.

“Hoy! Ikaw lalaki ka! Hindi ka ba marunong kumatok? HA?! Ang dali-dali lang namang sabihing may tao ba dito knowing na wala palang lock ang CR na ‘to. Di’ba?!” Aba’t! Tinaasan lang ako ng kilay. Bakla ‘to!

“Ah? At sino ka naman para sumbatan sa aking mga nais gawin? Para sa kaalaman mo, pamamahay ko ito. Gagawin ko kahit anumang naisin ko. At sino ka naman para makiligo sa bahay ko?!”

Aba! Sumasagot! Suplado pala ‘to eh. Sama ng ugali. Akala ko itsura niya lang talaga yun.

Pero ano daw? Bahay niya?! Siya ang may-ari ng bahay na’to? At parang sagot na rin sa mga katanungan ko ng makita ko sa likuran ng lalaking ‘to si Manang Pacita na namumutla sa takot habang iniiling ang ulo nito.

Ito? Itong bakulaw na ‘to ang seniorito nila?! Ito lang yung kinakatakutan nila?! WTH?

“Fine. Hindi ko bahay ‘to. Hindi ko akalaing kasuklam-suklam pala ang nagmamay-ari sa pamamahay na’to. Kung alam ko lang sana edi naghanap na’ko ng ibang makikiliguan! Hiyang-hiya naman ako sa’yo. Seniorito.”

Ang sama pa rin ng tingin niya sa’kin. Hindi naman ako naconscious na nakatapis lang ako ng tuwalaya dahil confident ako sa katawan ko. I love my curves!

“Kung ayos lang naman sa’yo ha? Pwede naman siguro akong makapagbihis muna? Ayaw mo naman sigurong mapag-usapan na may lumabas na dalagang nakatuwalya lang galing sa PAMAMAHAY MO di’ba? So, pwede ba. Makikiraan?” Sarkastiko kong sabi sa kanya.

Pinulot ko yung mga damit ko, alam kong nakatingin pa rin siya sa’kin. Ramdam na ramdam ko yung pagtagos ng tingin niya. Nung napulot ko na lahat, dumaan ako sa harapan niya, sinadya ko pang bungguin siya kahit na yung braso niya lang dahil matangkad siya. Nahiya naman kasi ang 5’3” kong height sa kanya.

Hinila ako ni Manang Pacita sa isang kwarto na maraming kama. Maids’ Quarter?

“Magbihis ka na Nikki.” Malamig na sabi sa’kin ni Manang. Kinabahan tuloy ako sa kanya kaya agad-agad akong nagbihis.

Pagtapos kong magbihis ay agad kaming binulabog ng isang malakas na sigaw.

“You’re fired! Makakaalis ka na!”

WHAT?!

“Hindi maaari.” Narinig kong bulong ni Manang. Tumakbo siya papunta sa pinanggalingan ng sigaw. Nakita ko naman sa peripheral vision ko yung bag ko kaya agad ko ‘tong kinuha, sinilip ko muna yung laman. Wala namang nawala.. Good.

Sumunod ako kay Manang. At naabutan ko nalang na umiiyak ang isang katulong. Ito yata yung sala kasi may couch tapos may TV rin. Ang laki ng bahay. Mansion! Mas malaki pa ‘to sa bahay eh. Mga 30% lang naman. Pero mas malaki pa rin siya kesa sa’min!

Napatingin sa’kin si bakulaw kaya sumama ulit yung mood ko. Ang sama sama sama niya!

“Grabe ka naman. Fired agad? Anong kasalanan niya sa’yo? Ninakawan ka ba? May nasaktan siya? Hindi tama ang pakikitungo niya sa iba? May mabigat siyang nabasag or something? Ganyan ba? Kung hindi naman. You’re being unreasonable.”

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon