Chapter 6 - Staring is Rude

145 4 2
                                    

Chapter 6 – Staring is Rude!

Magkaibigan na kami ni Steven! Isn’t it surprising? Yung bakulaw na yun, kaibigan ko? Sana nga lang di niya na’ko awayin. :3

 Sinalubong kami ng nakasimangot na si Rica pagbalik namin sa Aroma. She’s still with Seth’s doppelganger. I tensed. Hindi ko alam kung sa paghawak ni Steven sa braso ko o yung nakakatunaw na tingin ng doppelganger ni ex sa’kin.

“Saan kayo nanggaling?” Bungad na tanong agad ni Rica. With matching crossed arms.

“Nag-usap lang.” Bored na sagot ni bakuls.

“Ano naman iyong pinag-usapan ninyo? Ganun ba iyon kahalaga para lumabas pa kayo ng Aroma?” Mausisang tanong ni Rica.

Siniko ko ng mahina si bakuls kaya napalingon siya sa’kin. Umiling lang ako sa kanya. I don’t even know why I did that. Tinaasan niya lang ako ng kilay saka hinarap ulit si Rica. Pilit ko ring iniiwas na mapatingin sa side ni Rica.

“Wala iyon. Hindi iyon mahalaga kaya hindi na kailangan pang pag-usapan. Ako’y nagugutom na. Ikaw din marahil Tep?” Sabi ni bakuls kay doppelganger.

“A-ah oo. Ano ka ba naman Ica. Tigilan mo na nga silang dalawa.” Sabi ni doppelganger. Ramdam ko yung tingin niya sa’kin. Bakit niya ba ko tinitignan? Naglakas loob akong tumingin sa kanya pero nakaalis na pala ito. Sheeesh. Talk about timing.

Sumunod kaming dalawa ni Steven sa kanila. Kinalas ko na rin ang braso ko sa pagkakahawak niya. Nakakailang kasi. Umupo na kami sa table na pang-apatan. Katabi ko si Steven tapos kaharap ko si Rica.

Nagtawag ng waiter si Steven at umorder ng kakainin nila. Hindi na ako umorder dahil kakatapos ko lang rin. Si Rica, kumuha ng isa pang kape.

“Siya nga pala Nikki, si Otep nga pala.” Napansin kong sumama ang tingin sa kanya ni Otep daw kaya napangiti ng nakakaloko si Rica. “Sige na nga. Seph. His name is Seph.”

“Joseph Lazatin.” Narinig kong sabi ni Otep kaya tumango nalang ako.

Magsasalita palang ako ng unahan ako ni bakulaw. “Nicole Anne Villamayor ang kanyang ngalan.” Walang ganang pakilala niya sa’kin.

“Hoy, may bibig ako. Kaya kong ipakilala ang sarili ko Ginoo. Nahiya naman ako sa iyo. Salamat ha.” Sarkastiko kong sagot sa kanya. He just ignored me at tumingin na naman sa bintana.

“Buset.” Inis kong bulong.

“Ano?” Sabay-sabay nilang tanong sa’kin.

“H-ha? Ah ano. Wala yun! Boo zeth. I am pertaining to my ex.”

“Boo Zeth? Pangalan ng ex mo? Anong ex?” Sunod-sunod na tanong ni Rica. Napabuntung-hininga ako.

“Hinde. Seth ang pangalan niya. Ex, yun ang ibang katawagan sa dating kasintahan.” Paliwanag ko.

“Mayroon kang kasintahan?” Biglang tanong ni Seph. I prefer Seph. Parang Seraphim. Other term for angel. But it doesn’t mean that I compare him to an angel. Asaness! Hindi niya bagay ang title na yun. Pero baka ibang klaseng Seth naman ‘to. Who knows? Baka sabihin niyo napakajudgmental ko.

“Dati. Meron. Ayoko ng pag-usapan yun.” Naiirita kong sabi. Tumango naman siya at sakto naman ang pagdating ng inorder nila. Kumain sila at uminom ng tahimik. Occasionally, magsstart ng topic si Rica at sunud-sunod na ang pagsasalita nila.

Minsan-minsan nakikisabay ako. yun e kung trip ko yung topic. Malamang di uso dito yung mga topic na KathNiel, new movies, update sa series ng The Walking Dead o kaya CSI, kung ano na nangyayari sa The Legal Wife na hindi ko naman napapanood sa panahong ‘to. Yung mga pinag-uusapan nila? Gosh. Pambukid. Hindi ako gaano makarelate.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon