Chapter 13 - Found ~ Danger

90 4 0
                                    

Chapter 13 – Found ~ Danger

Nikki’s POV

I stayed the next whole day sa kwarto lang. Bukas na ang dating ni Tita Sena.

After ng confession niya kahapon, ang utak ko parang sasabog sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko.

I do like him. But to the extent na aabot sa salitang love? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam, I swear. Nainlove na ako, pero this feeling, first time kong naencounter ‘to. Ibig bang sabihin, infatuation lang  ang nararamdaman ko sa relationship namin ni Seth all this time? At kaya ako naiinis sa kanya, is because of his betrayal?

Halos isang linggo na rin ako sa panahong ‘to. Is it possible for someone to fall in love within days? Love at first sight, may tendency ba na it really does exists?

Nadistract ako sa katok sa pintuan.

“Pasok..”

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Manang Pacita.

“Hindi ka lumalabas mula sa iyong silid. Ako’y nag-aalala na. May nararamdaman ka ba hija?” Tanong sa’kin n Manang pagtapos niyang isarado ang pinto. Nakaupo ako sa kama. Tinap ko ang gilid ko para dun umupo si Manang.

“Okay lang po ako. Nag-iisip isip lang.”

“May bumabagabag ba sa iyo? Ako’y kinakabahan sa inyong dalawa ng seniorito. Tila siya’y wala sa kanyang sarili.” Naalarma ako sa sinabi ni Manang.

“Bakit po? Ano pong nangyari sa kanya?”

“Wala siyang sigla. Hindi rin siya palautos gaya nang nakagawian. Nasa hardin lamang siya. Walang may nagtangkang magtanong sa kanya, alam mo naman siguro ang dahilan. Ikaw lamang ang kilala naming may kakayahan na gawin iyon. Ngunit mayroong iba sa iyo. Nagsimula ito nang dumating kayong dalawa kahapon.”

Sa mga nangyayari ngayon, siya ang pinakaapektado. Guilt is eating me, eventually, kailangan rin naming mag-usap.

“May gusto siya sa’kin Manang. Hindi ko alam ang dapat gawin.” Narinig ko ang pag-gasp ni Manang. Pero hindi siya nagsalita.

“Napakakumplikado kasi ng sitwasyon. Aalis ako Manang, alam mo yan. Ngayon palang, ang sakit na makitang nagkakaganyan siya. Napag-isip isip ko na mas masasaktan siya kung aalis ako, lalo pa kung lumalim ang nararamdaman niya para sa’kin. Manang, ano bang dapat kong gawin? Inaamin ko, may gusto rin ako sa kanya. Pero ang hirap.” Hinimas-himas ni Manang ang likod ko, a simple way to comfort me, perhaps.

“Hindi ako sanay na napakatahimik sa tahanang ito. Nakakapanibago, hindi kayo nag-aaway o nagtataasan ng mga boses. Hija, ang akin lang maipapayo sa iyo, sundin mo ang iyong puso. Hindi sa lahat ng oras ay isip mo ang gagamitin mo. Batid kong hindi ka mananatili sa lugar na ito, ngunit bakit hindi mo subukang magsaya? Hindi iyong pinipigilan mo ang iyong sarili na gawin ang iyong ninanais.”

“Pinapahirapan mo lamang ang iyong sarili. Nalalabi na ang iyong oras. Bawat minuto at segundo ay napakahalaga. Tandaan mo iyan hija. O siya, maiwan na muna kita. May nakahain ng pagkain sa lamesa. Bumaba ka lamang kung ika’y nagugutom. Maliwanag?”

“Opo. Salamat Manang.” Nginitian ko siya at tinapik niya ang aking balikat. Lumabas siya ng kwarto. Nagkaroon pa’ko ng pagkakataong masilip ang pinto ng kwarto niya. Bahagyang bukas yun. May something sa’kin na gusto ko siyang puntahan para makapag-usap na kami, pero meron ding hindi dala ng kaba ko.

I can’t think straight kung nakakulong lang ako dito. So I decided na maglakad-lakad. Alas-dos na rin ng hapon. Medyo mainit. Pero kiber.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sa malapitan na bukas ang pinto ng kwarto ni Steven. Nandyan kaya siya sa loob? Sabi naman ni Manang nasa garden daw siya magdamag. Kumain na kaya yun?

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon