Chapter 1 - How it happened

249 8 0
                                    

Chapter 1 – How it happened

“Hindi ka pa ba aalis anak? Magaalas-diyes na ah..” Sigaw ni Manang Lita mula sa kusina.

10 am kasi magbubukas yung school office. Ayokong makipagsiksikan mamaya. Ugh. Eto ang mahirap pag magcocollege na eh. Kakagraduate ko lang as Valedictorian this March. Palakpakan na may kasamang sigawan naman dyan!

Kidding.

Kaya eto ako ngayon nag-aayos na. 20 minutes papuntang school. Hindi ko alam kung andyan si Kuya Nestor. Siya kasi yung personal driver ng family namin. Kami ang may-ari ng 3 resorts sa lugar namin. I have two brothers, isang mas matanda sa’kin ng two years, si Kuya Mico, tapos isang two years younger naman sa’kin, si Macky. I’m 16 years old nga pala.

Okay, alam ko kanina niyo pa gustong malaman ang pangalan ko. Here it goes. Nagsisimula sa letter N!

Ugh. KJ!

Tama na nga. I’m Nicole Anne. You can call me Niks or Nikki for short. Yan. Kilala niyo na ko ah!

Lumabas na’ko ng bahay. Naabutan ko pa yung mga kapatid ko na naglalaro sa basketball court namin. Si Mama, wala. Andun sa isang branch ng resort namin, same goes kay Daddy, sa isang branch naman siya..

“Kuya Nestor. Sa school po tayo dali. Makakaabot kaya ako ng 10?” Bungad ko kay Kuya na sa tingin ko, kakatapos lang maglinis nitong sasakyan.

“Naku Miss Nikki. Ikaw pala iyan. Ala eh, hindi pa ito pwedeng magamit eh. Ganire nalaang, magtaxi na lang kayo ngayong umaga ah? Ako na ho bahalang sumundo sa inyo mamaya.”

Hay, trouble talaga ako nito. Tumango nalang ako kay Kuya Nestor saka tinawag ulit si Manang Lita. Nagpatawag ako sa taxi company, mamaya-maya lang may huminto na sa labas ng bahay.

“Text ko ho kayo Kuya Nestor ha!”

“No problem Miss!”

Sumakay na’ko sa taxi.. Tutal, 20 minutes pa naman, dumungaw nalang muna ako sa bintana. Grabe na talaga dito sa Pinas. Global Warming. Tapos ang kalat. Tapos polluted. Ano kayang itsura noon ng Pinas?

Nung titingin na sana ako sa harapan, may nahagilap bigla ang BF-radar ko. Malinaw ang mata ko pagdating sa boyfriend ko.

And poof! Di nga ko nagkakamali.. Taksil kang lalaki ka! Kaya pala hindi mo na ‘ko tinetext kasi may kalandian ka ng iba. HHWW pa talaga tapos ang lakas makipagtawanan ha. Ang saya nilang tingnan.. The eff. Tapos bigla niya pang hinila ito sa beywang ng babae para makalapit sa kanya.

Mabuti nalang at dumating agad sa school yung taxi. Inabot ko yung 500 kay manong driver. Ulit-ulit na nagpplay yung scene na nakita ko. >.<

“Keep the change po.” Sagot ko nalang nung iaabot niya sa’kin yung sukli. Hindi na’ko lumingon ulit pero narinig ko pang nagpasalamat si manong. Nandidilim ang paligid ko, gusto kong manakit ng tao!

“Niiiiiks!” Napalingon naman ako sa direksyon ng boses at dun ko nakita si Rissa na kakababa lang ng sasakyan nila. Tumakbo siya palapit sa’kin pero bigla siyang huminto nung ilang hakbang nalang siya palapit sa’kin.

Dun ko lang naramdaman na basa ang pisngi ko.

Lumapit na sa’kin si Rissa saka ako inakbayan. “Anong nangyari bhez?”

“Seth’s cheating on me Riz. Kitang-kita ng dalawang mata ko! I am about to call his name kaso yun nga yung nakita kong scene. Shet lang bhez. Kaya pala naging malamig siya sa’kin.. Bakit di niya ko diniretso?! Hindi yung mahuhuli ko pa siya sa akto!”

Hindi nagsasalita si Rissa. Hinawakan niya yung kamay ko pero diniinan ko ang paghawak ko dito. Hindi naman siya nagreklamo. Ganito lagi si Rissa. Hahayaan niya lang akong iiyak lahat-lahat ng hinanakit ko.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon