Chapter Six

973 53 26
                                    

"Chapter Six: Jeju-do Asylum"

[Beatrice's POV]

"Eto na ba yung asylum na nasa article kagabi?" tanong ko.

Andito na kami sa harap ng isang malaking asylum dito sa Jeju. Napakaluma na ng structure at mukhang this is more than 100 years old na kaya mukhang nakakatakot 'tong lugar na 'to sa panlabas na anyo pa lang.

I can't wait to see inside the asylum. Is it really creepy or astonishing?

"Miho?"

Bigla na lang naglaho ang kasama ko. Tumingin-tingin ako sa paligid ko at wala man lang bakas niya ang nakita ko. Saan na naman yung bruhang yun?

Hindi na ko nag-alinlangan pang lumakad papunta sa entrance ng building na 'to. Nakakatakot talaga para sa akin dahil yung nakapaligid rin sa asylum na 'to ay mga nagsisilakihang bush at mga balete.

Nang makalapit na ko sa pintuan ay kumatok ako gamit ang door knocker. Ilang segundo ako naghintay ngunit wala namang nagrerespond. Pinihit ko yung doorknob at nagulat na lang ako kasi bumukas.

"H-Hello?" pero wala namang sumagot.

Papasok na sana ako sa maliblib na entrance sa loob ng building nang biglang may humawak sa braso ko kaya napatalon ako sa gulat.

"Gosh!" I whispered in a surprised tone.

It was Miho.

"Miss, sabing antayin mo ko." sambit ni Miho. I glared at her.

"Wala ka namang sinabi." sabi ko saka binatukan siya. I know I'm being disrespectful but my status is always high compared to her so well, maybe, I am used to this manner of mine.

"Aray!" she squeaked and shot a glare at me. I just rolled my eyes and continued my path inside.

"Hello?" tawag ko ulit pero parang nag-e-echo lang yung boses ko sa paligid.

"Miho, sure ka bang it--"

Hindi na natuloy yung sasabihin ko nang biglang may nagsalita from nowhere at ginulat kami.

"The fudge?!" napasigaw ako nang bumulaga ang isang babae.

"Sorry kung ginulat ko kayo pero lunch break po ngayon kaya kaunti lang na mga employees ang andito." sambit nung babae.

"Ahh, really." napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko na parang kumakarera na gawi ni J-hope.

Wait. Who am I talking about?

"Ano po ang kailangan niyo?" tanong nung babae. Maybe, she's one of the employees or staffs here in this asylum.

"Uhm, we're looking for a patient here." sagot ko. Looks like the girl didn't understand me...

"I mean, may hinahanap po kaming pasyente dito." dagdag ko. Tumango naman ang babae.

"Ahh. May listahan ako rito ng mga pasyenteng naadmit dito. Hali kayo." sensyas nung babae na sundan siya kaya sinundan din namin.

Pinanood namin siyang may kinakalkal sa front desk. Kinakabahan na ko kasi makikita ko na yung kaibigan ni oppa.

Nang makita na niya yung listahan ay nilapag niya ito at tinanong kami kung sino yung hinahanap namin.

"Park Jimin." sagot ko. Tumango naman siya at hinanap. Nang mahanap niya ay tinignan niya kami na para bang sure ba kami na hinahanap namin tong taong to.

Patient 95 II [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon