"Chapter Thirty-One: Karma From 12 Years Ago"
[Third Person's POV]
Lagpas 11 na ng gabi at hindi pa rin lumalabas si Jungkook. Naiinip na si Jennie kakaantay sa labas at kakatago sa likod ng isang malaking halaman na ilang metrong layo mula sa building na iyon ngunit safe na safe si Jennie dito.
Kanina lang ay nameet niya sina Jean at Yerim sa hospital kung saan nakaconfine ang kanyang kamag-anak. Ilang oras ding nawawala si Jimin noong oras na iyon kaya pina-paging niya ito. Doon na nalaman nina Yerim at Jean na gumalaw na pala si Jungkook kaya pinuntahan ni Jean si Jennie at si Yerim naman ay bumalik sa hotel at sinabi niya kay Taehyung na kailangan na nilang gumalaw at tumawag ng pulis.
Alam ni Jean ang lahat. Lahat ng galaw ni Jungkook simula pa lang noong dumating siya sa buhay ni Taehyung pero kahit kailan, sinisisi pa rin niya ang mga nangyayari kay Shinah. Kahit pinatay din siya ni Jungkook ay sinisisi pa rin niya ito. Kung hindi lang siya dumating sa buhay ni Taehyung edi sana maayos pa rin ang buhay ni Taehyung at naabot na niya ang mga pangarap niya ngayon.
Napansin ni Jennie na may figure ng lalake ang papalabas ngayon sa lobby na siyang main entrance ng building na yun. Nang tuluyan ng makalabas, mas naaaninag na ni Jennie ang mukha niya. Si Jeon Jungkook. Ang taong kinamumuhian niya.
"Di ko idedeny na mas pumogi ka Jungkook pero di ko pa rin makakalimutan ang ginawa mo 12 years ago. Di ko aakalaing magkikita pa tayo ulit." bulong ni Jennie sa sarili niya. Nagtago ulit siya sa likod nung halaman na iyon habang pinapakinggan niya ng mabuti ang footsteps niya.
Nang makalabas si Jungkook at nakikita na ni Jennie ito sa pinagtataguan niya ay lumabas siya na para bang naligaw lang siya sa lugar na yun. Lumapit siya kay Jungkook. "Omg! Excuse me po."
Napatalon si Jungkook sa gulat nang makita niya si Jennie. Napalayo siya onti kay Jennie at tinignan siya mula paa hanggang ulo. "S-sino ka?"
"Ah..." sagot ni Jennie na kamot-kamot ang ulo ngayon. Kunwari nahihiya. "Nawala kasi ako sa dinaanan ko at naliligaw ako ngayon. Maaari mo bang ituro sa akin kung saan yung Bogsu St.?"
"Bogsu?" Lumilingon-lingon si Jungkook sa paligid saka itinuro yung direksyon kung saan yung tinatanong ni Jennie. "Andoon."
Tinignan naman ito ni Jennie saka binalik ang atensyon kay Jungkook saka nagbow. "Thank you po."
Tumango naman si Jungkook. "Sige. Ingat."
Nagsimula nang lumakad si Jungkook opposite sa daan papuntang Bogsu St. May nakalimutan pala siya. "Ah kuya."
Lumingon naman ito agad kay Jennie. "Po?"
"Pwede pa-hug. Pogi niyo po kasi eh." sagot ni Jennie saka nagpabebe laugh. Hindi na-mention dito na maharot din tong si Jennie gaya ni Yerim pero mas maharot si Yerim. Nung nasa bahay pa nga nila si Jimin noon, naglalaway na siya sa biceps ni Jimin.
Pero biro lang. Except nung maharot siya kasi maharot talaga siya.
Tumango naman ang loko na nagngangalang Jeon Jungkook. Kunwari inosente pero isang p*tangina pala. Lumapit si Jennie na pigil na tumitili papunta kay Jungkook saka niyakap niya ito. May patapik-tapik pa sa likod at sa pwet din.
Kumalas na siya sa yakap at nagbow ulit. "Thank you ulit."
Tumakbo na paalis si Jennie. Tinignan siya ni Jungkook habang paalis saka umiiling-iling na nakangiti. Si Jennie na siguro ang kanyang icing sa ibabaw ng cupcake niya. Pero imposible kasi walang puso si Jungkook.
Nagsimula na itong maglakad opposite sa dinadaanan ni Jennie ngayon. Dahan-dahan lang lumalakad si Jennie at lumingon na rin siya sa direksyon ni Jungkook. Nang mapansin niyang lumiko na ito sa isang eskinita ay agad naman siyang bumalik sa lugar kung saan ang building na iyon. Hindi alam ni Jungkook na nilagyan pala ni Jennie ng GPS tracking device ang bulsa nito.
BINABASA MO ANG
Patient 95 II [BTS Fanfic]
Fanfiction[BOOK 2 of PATIENT 95] "What if... they were all lies?" --- Plagiarism is a crime. Please don't copy my works. Make your own story plot/ideas.