"Chapter Twenty-Six: Possibilities"
[Jimin's POV]
Isang araw na rin simula noong nakitira ako rito kina Jennie. Mabait naman ang pamilya ni Jennie. Inaalagaan nila ako ng mabuti at tinuri na ring parang anak nila. Ganon sila ka-welcoming dito. Sa naobserbahan ko, masyado siang vulnerable. Hindi pwedeng madamay sila sa problema ko.
May kumatok sa pintuan ng kwartong kasalukuyang tinutuluyan ko. Ito raw yung kwarto ng kuya ni Jennie na nasa military kaya ako na muna ang makikinabang nito. "Tuloy ka."
Nakaupo lang ako sa gilid ng kama. Wala akong maisip kundi ang magmukmok. Pinipilit ko ring mag-isip ng plano kung paano ko malulutas ang mga problema ko at kung paano ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking mga kaibigan at ng ex-girlfriend ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakadalaw sa kanyang libingan at hanggang ngayon, wala pa rin akong balita kung nasaan na yung bangkay ng pinakamamahal ko.
Bumukas na yung pinto at bumungad si Jennie. "Jimin?"
"Oh, Jennie." tumayo ako. "May kailangan ka ba?"
Umiling naman siya at lumapit sakin. "Wala. Tanghali na at hindi ka pa rin lumalabas dyan. Kumain ka ba ng breakfast?"
Oo nga pala. Late akong nagising at hanggang ngayon, hindi pa rin ako naliligo. Bango mo naman, Jimin. "Ah... Hindi pa eh. Di pa nga ako naliligo."
Natawa naman siya nang mapakamot ako sa batok. Ginulo niya ang buhok ko. "Maligo ka na. Naghanda ako ng pagkain para sa'yo."
"Sige." tumango ako. Nginitian naman niya ako at lumabas na. Pumasok na ko sa banyo at naghubad na saka naligo. Hindi pa rin maalis sa isipan ko kung sino ba talaga ang may pakana ng lahat ng ito. Imposibleng si Sehun. Ewan ko. Feel ko lang na hindi siya ang pumatay sa mga kaibigan ko. Nabalitaan ko kasi na nakita siyang walang buhay sa isang gubat. Nakalimutan ko nga lang kung saan iyon.
Ang tanging misteryo pa rin sakin ay yung duo na JJ. Yung nagpadala sakin sa asylum dito sa Jeju. Babae at lalake. Ang lalake ay naka-bunny mask ngunit minsan lang niya ako binibisita. Kung andoon man lang siya, nasa labas nga lang. Pinapakinggan ang pag-uusap namin nung babae.
Ay ewan ko! Gulo ng buhay ko ngayon. Parang prisoner nga peg ko eh. Mas lalo akong tinatamad kumilos at sakit na ng ulo ko kakaisip ng mga bagay-bagay.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako saka lumabas na ng kwarto. Pagkababa ko ay nakita ko si Jennie na nakaupo sa couch sa sala habang kinakalikot ang kanyang phone. Nang mapansin yata niyang nasa paahan na ako ng hagdan ay ibinaling niya yung atensyon niya sakin at nginitian ako. "Oh, Jimin. Andyan ka na pala. Kumain ka na dun."
Nginitian ko siya at tinanguan. "Sige. Salamat."
"Ayaw mo bang kumain?" tanong ko.
Umiling naman siya. "Tapos na ko. Ikaw na yung kumain dyan. Di ka nga nakapag-almusal."
Tumango ako. Napansin kong bihis na bihis siya. Naka-black jeans siya saka yung upper niya is a white shirt yung inner tas black leather jacket yung panlabas tas maikli lang ito - hanggang bewang lang. Naka-black boots din siya.
"Aalis ka?" tanong ko.
She raised her eyebrow at me then nods. "Oo."
Tumango lang ako at pumunta na sa kusina para kumain. Habang kumakain ako ay napansin kong tumayo siya at umakyat sa taas. Saktong ilang minuto rin at natapos na kong kumain ay bumaba na rin siya. Mukhang ako lang yata maiiwan dito.
"Jennie." tawag ko sa kanya pagkatapos kong ligpitin yung mga pinagkainan ko. Lumingon naman siya sa akin. "Pwede ba kong sumama sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Patient 95 II [BTS Fanfic]
Fanfiction[BOOK 2 of PATIENT 95] "What if... they were all lies?" --- Plagiarism is a crime. Please don't copy my works. Make your own story plot/ideas.