Chapter Ten

770 41 11
                                    

"Chapter Ten: That Jeon"

[Third Person's POV]

"I love you!" sigaw ni Beatrice habang patakbo siya paalis na siyang ikinagulat ni Jimin.

Jimin couldn't help himself but smile at the girl's actions.

Napalingon si Jimin nang mapansin niyang may nakatago sa isang sulok na tila'y nakikinig sa kanilang usapan. Lalapit na sana si Jimin nang tawagin siya ng nurse niya.

"Jimin, balik na tayo." sambit nung nurse. Tinignan niya ulit ang sulok na iyon at nagkibit-balikat na lang siya.

Siguro, napapraning lang ako. He thought to himself.

Masayang lumabas si Beatrice sa asylum. Nilanghap niya ang preskong hangin at nirecall lahat ng nangyari kanina.

"Ang cute cute talaga niya!" banggit nito sa sarili.

Napansin niyang wala ang dalawa kasama sa lugar na iyon kaya nagtaka na siya.

"Asan na kaya yung dalawang yun?" bulong niya sa sarili. "Baka nagdate?"

Napansin ni Miho na nagtatago si Jeon sa isang sulok sa loob ng asylum kaya napag-isipan niyang gulatin ito.

"Boo!" sigaw ni Miho habang nakatalikod si Jeon.

Nagulat naman konti si Jeon sa narinig niya at napahawak siya sa dibdib niya.

"Noona naman eh! Ba't mo ko ginulat?" tanong ni Jeon habang hinihimas himas ang dibdib niya sa gulat.

Natawa naman ang nakatatanda. "You're eavesdropping."

Napakunot naman ng noo si Jeon at napalunok.

"H-Hindi ah!" deny niya. Tinignan naman siya ni Miho na hindi convinced at sinundot ang tagiliran ng binata.

"May gusto ka kay Beatrice ano?" asar na tanong ni Miho. Agad namang umiling siya.

"Hindi, noona." seryosong sagot nito.

"Siya nga pala, ba't lagi kang nakatambay sa labas ng asylum at ayaw mong pumasok dito?" takang tanong niya kay Jeon.

"Ngayon lang kita nakitang pumasok." dagdag pa niya.

"Wala lang, noona. Ayoko lang sa mga hospital." sagot naman nito na walang halong kasinungalingan.

"Talaga ba? Okay." sambit ni Miho. Napatingin sa orasan si Miho at tinignan kung anong oras na.

"Maggagabi na pala. Tara na, Jeon. Baka hinahanap na tayo ni Bea." sabi nito. Tumango naman si Jeon at lumabas na sila pareho.

Nang mahagilap ni Beatrice ang dalawa na papalabas ay agad naman niya itong pinagbabatukan.

"Aba! Sa'n ba kayo nagtago ha?!" sigaw ni Beatrice. "Alam niyo bang kanina ko pa kayo hinahanap? Ayoko talagang pinaghihintay ako."

"Sorry po, Miss. Naligaw lang po kasi ako sa loob ng asylum." alibi ni Jeon.

"Pa'nong naligaw?" kunot-noong tanong ni Beatrice. "Ahh sabagay, di ka naman pumapasok sa loob."

"Halina kayo. Pumasok na tayo sa kotse. Maggagabi na." singit ni Miho.

"Sige. Nagugutom na rin ako." sambit ni Beatrice. Pumasok na sila sa kotse at pinaandar ito.

Sa pinakamalapit na convenient store ay nag-stopover muna sila upang makabili ng pagkain na lulutuin ngayong dinner.

"Ako na ang bibili. You two stay here okay?" sabi ni Miho.

Patient 95 II [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon