Chapter Twenty-One

620 34 3
                                    

"Chapter Twenty-One: Escaped"

[Third Person's POV]

Miho and Jeon were on their way to Seoul. Jeon used his black car with Miho beside him. Pareho silang kinakabahan sa kanilang nakuhang balita mula sa kasama ni Jeon na si Jean. 

Nasa Incheon na sila nang abutan sila ng traffic. Di mapigilan ni Jeon na mainis at mapahampas sa manobela.

"Goddammit!" sigaw ni Jeon at napayuko sa hinahawakang manobela. Napalingon naman si Miho sa kanya na may halong pag-alala.

"Jeon, calm down. Mahahanap din natin si Jimin at maibabalik natin siya sa asylum." pagpapakalma ni Miho.

Jeon looked at Miho and his facial expression can tell that he's furious and irritated. "Sana ganyan lang kadali, noona."

Napakunot ng noo si Miho. "Jimin is a good guy. How can he act recklessly like that?"

"Good guy?" Jeon scoffed and laughed sarcastically. "Are you sure?"

"Anong ibig mong sabihin?" asked Miho.

"You don't know much about Jimin hyung, noona."

She looked at him and paused for a while. "Then tell me."

"Ayoko."

"Ano ba, Jeon? Hanggang kailan mo ba itatago yang lihim mo?"

Tinignan ni Jeon si Miho ng masama. Nagulat naman si Miho sa naging reaksyon ni Jeon sa tanong niya. Kung nakakapatay lang ang tingin, siguradong patay na si Miho ngayon.

Para kay Jeon, may mali sa tanong niya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ni Jeon at umiba na ang kanyang expression. Bumalik na sa malambing na mukha nito.

Tumango naman si Miho. "Oo."

Bago ikinuwento ni Jeon ang totoong nakaraan ni Jimin ay huminga muna siya ng malalim.

"Hyung is psychopathic. Hindi namin alam ng mga kaibigan ko na ganun siya. Sa unang meet pa lang namin, mukha naman siyang normal, maayos, at maaasahan. Hanggang sa malaman na lang namin mula sa isa kong kaibigan na ganyan siya. Huli naman ang lahat nang sabihin niya yun. Patay na ang lahat. Maliban sa akin at kay Taehyung."

Gulat na napatingin si Miho kay Jeon. "Teka... buhay si Taehyung? Buhay ang kapatid ni Bea?"

"Oo noona. Naisalba ko siya sa awa ng Diyos."

"Sabi ko na nga bang may tinatago yang si Jimin eh."

"Ramdam mo?"

"Oo pero binalewala ko na lang. Mukha kasi siyang inosente eh. Nakakaawa siya pero acting lang pala iyon." sagot ni Miho. Tinignan ni Miho si Jeon. "Kahit anong mangyari, wag natin ipaalam kay Bea ang tungkol kay Jimin."

Napalingon naman si Jeon sa kanya na nakataas ang isang kilay. "But what if she suddenly comes back?"

Ibinaling ulit ni Miho ang kanyang tingin sa kalsada at napapikit sabay ang kanyang pagbuntong hininga.

"Di ko alam, Jeon." sagot ni Miho.

They heard consecutive honks of cars then realized the traffic just ended a few seconds ago. Pinaandar na ni Jeon ang kanyang sasakyan at dumiretso na sa kanilang destinasyon.

Napaisip si Miho sa mga pwedeng mangyari ngayong nakawala si Jimin sa asylum. Di pa rin siya makapaniwala sa narinig niya mula kay Jeon. Masama pa lang tao si Jimin at nakuha pa niya ang tiwala ni Bea. Hindi maaari yun. Kailangang mahuli si Jimin.

Patient 95 II [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon