Chapter Twenty-Four

470 26 6
                                    

Happy belated birthday sa amin ni BlackXPinkMochi. Nung April 19 lang birthday namin hehehehe. Di rin ako nakapagpost nun cos y'know, party party HAHAHAHAHAH charot. Anyways, here's the update. Hope you enjoy this. Love love.

~Author Angel-nim

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Chapter Twenty-Four: Missing: Patient 95"

[Third Person's POV]

Nagising na lang si Bea sa isang kwartong binabalutan ng puting pader ngunit maganda ang mga disenyo nakadikit nito. Inikot ni Bea ang kanyang mga paningin sa paligid. Tiyak hindi ito ang kwarto niya. Maganda ang pagkaayos lalo na ang isang gitara na nakasandal sa may study table. Bumangon si Bea into a sitting position at inobserbahan pa ang nakapalibot sa kanya hanggang sa naalala niya ang mga pangyayari kagabi.

Pumasok pala sila ni Jeon sa unit niya at doon na muna siya magpahinga. Di niya inakala na may mangyayari pala sa kanila. Di pa rin niya masort out kung yung nararamdaman niyang ito ay para nga ba kay Jeon o di dahil mahal pa rin niya ang kanyang ex na si Jungkyu.

Napabuntong hininga na lang si Bea at kinuha ang kanyang phone. Nang buksan niya ito ay bumungad sa kanyang ang pitong missed calls - lahat galing kay Miho. Sakto ring nagring yung phone niya sapagkat sasabihin niyang safe siya dito sa unit ni Jeon.

She picked up the phone. "Hello?"

"[Damn Bea! Where have you been?! I was so worried about you!]" she exclaimed as she answered the phone. Kahit kailan, praning tong babaeng to, she thought.

"Kalma ka lang pwede?" she said sarcastically. She breathed out before answering her questions. "Nakitulog ako kay Jeon. Mukhang umalis na yata si Jeon bago ako magising. I'll be there in a minute."

Kumunot ang noo ni Miho sa kabilang linya. Mukhang naging suspicious siya sa pag-e-stay ni Bea sa unit ni Jeon. "Teka, teka, teka."

Napatigil naman si Bea sa mga kilos niya. "Hmm?"

Miho paused for a while trying to gather up all the thoughts she'd been thinking about the possibilities. "Wala namang nangyari sa inyo ni Jeon diba?"

Di makasagot si Bea sa tanong ni Miho kasi totoo naman at bakit naman siya magtatago? Nangyari na ang nangyari and she's already an adult and also has work now.

Di naman siguro masisira career ko diba, she thought.

Silence means yes. Miho gasped and covered her mouth in shock. So, it means they really had s*x.

"Miho?" Bea asked, her brows met in worry. "Andyan ka pa ba?"

"Nakakaloka ka Bea!" she squealed on the other line. Bea laughed at her reaction. Akala niya magagalit si Miho sa nangyari pero naging number one shipper nila ito in an instant. Well, dati pa lang shipper na nila ito.

"Tuwa ka naman?" sarkastikong tanong ni Bea. Miho just scoffed and rolled her eyes. "Oh sha, sha. Baba ko na 'to. Tuloy ko na lang once na nakarating na ko dyan."

"Duh. Bilisan mo." inip na reply ni Miho. Nagpaalam na sila sa isa't isa at binaba na ang tawag. Kinuha ni Bea ang mga damit niya na nakalatag sa sahig pati na ang kanyang underwear. Sinuot na niya ito at kinuha ang kanyang cellphone saka umalis sa unit ni Jeon. Bago siyang tuluyan nang umalis ay pinaalam muna ni Bea sa kanya na uuwi na siya. Sa unit nila ni Miho.

Nasagi sa isip niya na palitan ang pangalan ni Jeon na nakaphonebook sa kanyang phone. Ngumiti naman si Bea sa kanyang naisip.

Bunny

Patient 95 II [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon