Epilogue

719 37 56
                                    

Apat na taon na ang nakalipas. Matagal nang nanahimik ang pamilya ni Jimin - ang sarili niyang pamilya kasama si Bea at si Seulgi - ang anak nila ni Jungkook. Speaking of Jungkook, mag-aapat na taon na rin siyang nakakulong. Noong panahong hinahanap siya ay nakita siya sa isang resort na nagpapagaling. Ilang buwan yun bago siya makita. Buti na lang at kalat na ang mukha niya at napagdesisyunan nung nakakita sa kanya na trabahante sa resort na iyon at isinumbong siya sa pulis.

Hindi pa rin nakakapagmove on si Miho sa kanyang first love na namatay - si Yoongi. Matagal nang namamayapa ang mga kaluluwa ng mga kaibigan ni Jimin kasama ang kaluluwa niya. Nagpakita rin sa panaginip ni Jimin ang kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng isang alaala - nung panahong nagdebut sila bilang Bangtan Sonyeondan sa kanilang school noon. Masayang alaala at ang alaala na iyon ay patuloy niyang itetreasure hanggang sa huli niyang hininga.

Bumibisita rin si Bea kasama sina Jimin, Seulgi, at Miho sa puntod ng kanilang mga magulang at sa puntod ni Seulgi - ang kanyang yumaong na nakatatandang kapatid na dating kinakasama ni Jimin. Sa kabilang banda, bumibista rin si Jimin sa puntod ng kanyang pamilya. Pinatay rin ni Jungkook ang kanyang pamilya at dahil doon ay malaki na ang galit nito sa dating kaibigan. Bumibisita rin siya sa puntod ng kanyang naging kaibigan na si Jennie.

Si Joohyun ay paminsan-minsang bumibisita kasama si Yerim sa puntod ni Seulgi na dating nakatrabaho at naging kaibigan nito pati na rin ang kay Sehun. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya na patay na ang kanyang mga kaibigan na sobrang mahal niya. Hindi nila deserve ang nangyari sa kanila kaya buti na lang ay nakulong na si Jungkook. Kahit na miss na miss na niya ang kanyang dating anyo ay siguro ito talaga ang fate niya. Magsisimula na siya bilang Jean. Jean Park.

Masaya na rin si Taehyung sa piling ng kanyang kapatid na si Bea at kaibigan niyang si Jimin. Ginagawa rin siyang babysitter ni Seulgi sapagkat mahilig ito sa bata. Minsan nga ay binabanatan pa niya si Jean.

"Noona, noona." tawag ni Taehyung kay Jean. Nilingon naman niya ito at tinaasan ng kilay.

"Oh?"

"Gusto mo rin ba ng bata?" tanong ni Taehyung habang bitbit si Seulgi. "Halika. Gawa tayo."

At nakakatanggap naman ito ng malutong na sapak galing kay Joohyun. Nandidiri talaga to si Jean pag nagkakasama sila ni Taehyung. Eh ikaw kaya banatan ng dirty jokes ng sarili mong pinsan?

Pero wag kayo. May lovelife din tong si Taehyung. Matagal na niyang nililigawan ang pinsan ng kanyang dating kaibigan na si Jin - si Jisoo. Magkasing edad lang sila nito kaya payts

Pero one day, may nagawang mali si Taehyung na hindi ikinagusto ni Jisoo. Akala niya kasi si Jimin ang kanyang nasendan kasi bored na bored siya noong panahon na yun.

To: Jisooya <2+1 *u*

Hai send nudes

Message sent!

Nataranta si Taehyung nang maisend niya iyon at dahil sa pagkatanga niya ay naitapon niya ang cellphone niya sa bintana at nawasak ito. 'Bakit ba kasi parehas sila first two letter sa pangalan nila?!' sigaw ni Taehyung sa isip niya.

Simula noon, hindi na siya pinapansin ni Jisoo. Umiiyak nga every night si Taehyung at andyan naman si Jimin para i-comfort siya...

At para kanchawan siya. Pero never give up pa rin si Taehyung kay Jisoo para suyuin siya. Nakailang basted na rin ito pero di pa rin yun tumatalab kay Taehyung.

Pag-ibig nga naman.

Speaking of pag-ibig, since crush ni Yerim si Jungkook, madalas niya itong binibisita sa Gangnam Jail. Dinadalhan niya ito ng pagkain at kinakamusta. Sa lahat ng taong nakilala ni Jungkook ay si Yerim lang ang hindi siya iniwan at nagtanim ng galit sa kanya. Siguro dahil gusto siya ni Yerim? Kung ganun, kahit yun lang ang rason, at least may nag-aalaga sa walang pusong tulad niya.

Patient 95 II [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon