"Chapter Fourteen: Busted"
[Beatrice's POV]
Alas dose na at kasalukuyang kumakain kami ngayong tatlo sa isang restaurant na katapat lang ng tinatambayan naming condo. Tahimik kaming kumakain at ni isa man sa amin ay walang nagsasalita. Si Jeon ay tahimik na kumakain at si Miho naman kumakain nga, nagsecellphone naman.
Habang patuloy kami sa pagkain ay biglang tumunog ang cellphone ni Jeon. Napatingin ako sa kanya at saktong nakatingin naman siya sa akin saka umiwas ng tingin.
"Please excuse me for a second." sambit ni Jeon at tumayo na bago pa kami makapagsalita. Sinundan ko naman siya sa mga mata ko.
"Uy!" tawag sa 'kin ni Miho. Napalingon naman ako agad sa kanya.
"What?" inis na tanong ko.
"Nakatingin ka na naman kay Jeon. Nagseselos ka na naman hays." sagot niya na may halong pang-aasar. I squinted my eyes at her.
"Stupid. I'm not jealous." sabi ko. I looked at her again and rolled my eyes.
She looked at me unconvinced and mumbled. "Denial."
Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto ay bumalik na si Jeon pero nakatayo lang siya sa pwesto namin.
"Miss Bea, Miho noona. Alis lang ako. Urgent kasi." sambit ni Jeon. Napatingin naman kami sa kanya.
"Ganun ba? Sige, makakaalis ka na. Balik ka na lang pag itetext ka na namin ah?" sagot ni Miho. Tumango naman si Jeon at nagsimula ng maglakad paalis pero hinawakan ko agad siya sa braso. Napatingin naman siya sa akin na nagtataka.
"Importante ba yan?" tanong ko and I tried my best para hindi magmukhang suspicious sa mga inaakto ko.
He nodded slowly before answering. "Yeah..?"
"Okay but don't take too long. We still have to go to the asylum at two." sambit ko at ngumiti. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Binitawan ko na siya at lumakad na siya paalis.
I sighed and smirked mentally. I'm not that type na pinapalipas lang yung mga suspicious na bagay-bagay. I'm a very curious person and I want to know what he's hiding.
"Ayie~"
Napalingon ako sa nagsalita. Tinignan ko ng masama si Miho.
"What?" mataray kong tanong.
"Sus. Halatang halata na may gusto ka dun." sagot ni Miho. Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Baka may gusto ako." sambit ko.
Tinignan ko yung phone ko at nababasa ko sa screen kung saan na yung location ni Jeon ngayon. Well, I just put a small chip on his wristwatch when I held his hand to track his location.
I'm a smartass.
Hinayaan kong lumipas ng limang minuto bago ko aalis at sundan si Jeon.
"Miho, alis na muna ako ha?" paalam ko kay Miho. Lumingon naman siya sa akin.
"Ha? Saan ka naman pupunta?" tanong niya.
"May bibilhin ako. Saglit lang." sagot ko. Tinignan na naman niya ako ng nang-aasar.
"Yie~ Susundan mo si Jeon ano?" tanong niya ulit.
"Hindi nga!" sagot ko na naiinis na at tinignan ko siya ng masama. "Paano ko naman susundan yun eh ilang minuto na siyang nakaalis?"
![](https://img.wattpad.com/cover/110842822-288-k599884.jpg)
BINABASA MO ANG
Patient 95 II [BTS Fanfic]
Fanfiction[BOOK 2 of PATIENT 95] "What if... they were all lies?" --- Plagiarism is a crime. Please don't copy my works. Make your own story plot/ideas.