Hi guys! So this chapter contains kalaswaan na magaganap so bare with me kung ayaw niyo skip niyo na lang yung part na medyo bastos ahe pero alam kong gusto niyo rin ahem dejk lang so ayun. Enjoy kayo!
Wag niyong kalimutan magvote, comment, and share ah? Hihi for motivation lang.
Kamsaranghae~
~Author Angel-nim
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Chapter Thirty: Bomba"
[Jimin's POV]
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. My friends and I was deceived for almost 6, 7 years - I don't know kung ilang taon na akong ganito. Sa dami nang nangyayari sa buhay ko ay hindi ko na alam ang takbo ng oras at panahon.
Di ko inaasahang magagawa 'to ng taong isa sa mga minahal at pinahalagahan ko. At akala ko ay wala na rin pero andito siya ngayon, nakatayo at kausap ako.
"Jeon Jungkook." sambit ko na halatang gulat na gulat sa nasaksihan ko.
Nginitian niya ko pabalik. Yung ngiting may halong kasamaan. "Yes. It's me, hyung."
Napaluha na lang ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Fear, confusion, betrayal, happiness... oo, masaya ako. Masaya ako kasi hindi pala talaga ako nawalan ng kaibigan. May isa pa pa lang natira sapagkat siya ang nagsira sa lahat-lahat. Buhay ko at buhay ng iba.
"Akala ko... patay ka na, Jungkook pero andito ka ngayon, kausap ako. Masaya ako, Jungkook." sabi ko na may ngiti ngunit mapait ito. Agad namang nagshift ang expression ko into a hurtful look. "Pero bakit?"
Hindi sumagot si Jungkook kung hindi ay umiwas siya ng tingin. Walang ekspresyon ang mukha niya. Tila'y pinipigilan niya ang sarili niya na maglabas ng kung anong emosyon. Ayaw niyang magpaapekto. Nagsalita ulit ako. "Jungkook. Minahal kita bilang kaibigan. Bakit ganito?"
"Ba't mo nagawa sa amin ito?" tanong ko.
Tumingin na siya sa akin ngunit ganoon pa rin ang ekspresyon niya. "Trip ko."
Nang sinabi na niya yan, lumabas lahat ng negative na emosyon ko. Hindi ko inaasahang nilamon na rin ako ng galit ko. "Walang hiya ka talaga, Jungkook!"
Hindi man lang siya nagulat sa biglang pagbabago ng ekspresyon ko. Natawa pa ang loko. "Wala naman talaga akong hiya since 1997."
"Pakawalan mo kami dito!"
"Yoko nga. Ano ako? Tanga gaya mo?" sagot niya at tumawa ng malakas. Lumakad na siya sa labas without a word. May kukunin yata siya pero di niya pwedeng iwan kami dito. Kaya sumigaw ako. "Hoy l*che ka! Bumalik ka dito!"
Isang minuto ay bumalik naman siya na may dala-dalang maitim na bag saka may suot na gloves. Malaki at mukhang mabigat yung bag na yun. Ano kaya laman doon?
"Ano yan?" tanong ko sa kanya. Nilingon niya ko at nginitian saka ibinaling ulit ang kanyang atensyon sa bag. May kinukuha siya mula nito.
Nang mabunot na niya ang isang electronic device na medyo malaki at madaming wires na sobrang complicated tignan, nilingon niya ulit ako saka lumakad papalapit sa akin. "Alam mo ba kung ano to?"
Tinignan ko ng maigi yung device na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko. "Jungkook no."
Bomba.
"Wag kang mag-alala hyung. Makakasama mo na rin sina hyung at ang jowa mo." nakangiting sambit ni Jungkook at sinimulan na niya itong pinaandar habang ipinupwesto niya ito sa sahig, sa gitnang harapan namin ng babaeng katabi ko. Nakalimutan ko pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Patient 95 II [BTS Fanfic]
Fanfiction[BOOK 2 of PATIENT 95] "What if... they were all lies?" --- Plagiarism is a crime. Please don't copy my works. Make your own story plot/ideas.