Chapter Eighteen

581 37 7
                                    

"Chapter Eighteen: Goodbye"

[Beatrice's POV]

The day before departure.

Nasa isang resto kami ngayon nina Miho at Jeon kumakain ng aming lunch. Nagkaayos na rin kami ni Jeon at medyo naging close naman kami ngayon. Tuwang tuwa nga si Miho nang maging close kami real quick. Number one shipper daw siya. Baliw talaga.

Mahaba-haba rin ang oras ng pag-e-stay ko rito sa Jeju at mahaba-haba rin yung araw na hindi kami nag-uusap ni Jimin. Sa totoo lang, namimiss ko na siya. Ewan ko nga kung namimiss na niya ako. Sabi pa ni Miho noong huling bisita niya ay ayaw daw niya ng bisita. Nagtataka nga ako kung bakit.

Habang kumakain kami ay bigla na lang may tumunog. Tunog mula sa cellphone. May tawag yata.

Napatingin sa amin si Miho at ngumiti habang kinakapa niya yung bulsa niya. "Sorry. Sagutin ko lang 'to."

Tumango lang kami at tumawo naman siya saka inilapat ang cellphone sa kanyang tenga. Tahimik naman kaming pinagpatuloy yung pagkain namin ni Jeon. Minsan nagkakatinginan kami at napapatawa na lang. Maya-maya'y bumalik na si Miho.

"Sorry pero tumawag kasi manager mo, Bea." sabi ni Miho saka umupo na.

Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. "Ano raw sabi?"

"Maghanda na raw tayo para bukas. Naipabook na niya yung flight natin at ipiprint ko na lang yung document." sagot niya at pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Nalungkot naman ako sa reminder ni manager. Bukas na pala yung alis namin. Mamimiss ko 'tong Jeju lalo na si Jimin.

Biglang may pumatong sa kamay ko kaya napatingin ako nito. Nang makita kong kamay ni Jeon iyon ay napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa akin. He gave me a comforting smile and I can't help but smile back at him. I mouthed him 'Thank you' and he loosen his grip before continuing his meal.

Napatingin naman sa amin si Miho at malapad na nakangiti. Tinignan namin siya at sinamaan ko naman ng tingin. "What?"

Natawa naman siya at umiling-iling. "Wala. Ang sweet niyo kasi."

Uminit bigla ang mga pisngi ko at hinampas ko ulo niya. Natawa naman si Jeon. "Ayan ka na naman!"

Lumingon naman ako kay Jeon at sinamaan din siya ng tingin. "Ano namang tinatawa-tawa mo dyan? Tusukin ko yang ilong mo ng tinidor eh!"

Napahawak naman si Jeon sa kanyang ilong na para bang alerto siya sa gagawin ko sa kanya. Unti-unti nang naglaho ang mga tawa nila saka nagpatuloy na sa pagkain. Plano kasi namin ngayong magshopping since uuwi na kami sa mga tahanan namin.

Tahimik na naman kaming kumakain. Tinignan ko silang dalawa na lasap na lasap sa kanilang kinakain at ngumiti naman ako nang palihim. Mamimiss ko rin itong mga gunggong na 'to. Naisip ko bigla si Jeon. Ano kayang gagawin niya rito sa pag-alis namin?

"Jeon." tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin habang higop-higop niya yung sabaw ng dakjuk o chicken porridge na inorder niya. "Hmm?"

"Ano plano mo since maghihiwalay na tayong tatlo?" tanong ko. "Magtatrabaho ka pa rin ba bilang isang bodyguard?"

Umiling siya. "Nah. Babalik ako sa trabaho ko."

"Like?"

"Computer programming, sa company ng appa ko."

"I see." sabay ngiti sa kanya. Tumango-tango naman siya at pinagpatuloy ang kanyang pagkain.

Matapos naming kumain ay dumiretso na kami sa mall. Kasalukuyan kaming naglibot-libot upang makahanap ng mga gamit na pwedeng magamit namin as we separate ways. Napag-isipan ko ring bilhan sila ng gift para maalaala nila ako.

Patient 95 II [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon