Chapter Seven

986 49 24
                                    

"Chapter Seven: Jimin"

[Beatrice's POV]

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kahapon sa asylum. Nung tinitigan ko yung mata ni Jimin, sobrang hollow. I mean, he's empty and unreadable. Di ko maintindihan kung bakit ganun siya though he's really scared kanina. Bakit ganun?

I just shook off that thought.

Biglang nagring yung phone ko. I looked at the screen and saw it's my manager.

I picked up the phone. "Hello?"

"[Miss Beatrice? Kamusta ka na?]" he asked.

"Okay naman po. Nahanap na po namin si Jimin." sagot ko.

"[Really?]" tanong niya.

"Opo kaso nga ayun. He was surprised and scared when he saw me. Mukha ba kong multo sa ganda kong 'to?" biro ko.

"[Siguro oo.]" straightforward niyang sagot. T*ngina?!

"Wow manager ha!" asar na komento ko. Tumawa naman siya sa kabilang linya. Nabaliw na siguro.

"[Joke lang!]" sambit niya habang tumatawa pa rin. Mabulunan ka sana, manager.

"[Pero sana maging maayos na dyan ha para makauwi ka nang maaga.]"

"Opo." I answered and smiled.

"[Sige. Bye na, miss. May aasikasuhin pa ko dito. Tumawag lang ako para mangamusta.]" sabi niya. "[Oo nga pala. Inaalagaan ka ba nang mabuti ni Miho?]"

"Oo naman po. Andito po siya ngayon at nakangangang natutulog. Napagod yata kahapon." sagot ko tas tinignan si Miho na sarap na sarap sa tulog niya saka tumawa na lang.

Natuwa naman si manager sa sinabi ko. Nagpaalam na kami sa isa't isa saka pinatay yung tawag. Tinignan ko si Miho na nakanganga ngang natutulog at huminga nang malalim. Ako na lang siguro yung pupunta sa ngayon.

---

Bumaba na ako mula sa sinakyan kong taxi sa harap ng pinuntahan naming asylum kahapon. Sana nga ay hindi maging tulad kahapon. Kinakabahan pa rin ako.

Pumasok na ako at inilibot ko ang mga mata ko sa paligid nitong asylum. Maraming dumalo ngayon at isa na ako sa mga dun.

Pumunta na ako sa front desk lady para magtanong. Nang papunta na ko dun ay may nabangga akong lalakeng nakaitim ng hoodie at nakamask.

"Ah, sorry!" I apologized and bowed repeatedly.

Tinignan lang ako nung lalake from head to toe saka tumango at umalis na. I gave him an odd look as I stared at him walking away.

"Weird." sabi ko sa sarili ko. Tumungo na ako sa front desk.

"Excuse me, miss." I blurted out.

She looked up at me and smiled. "Po?"

"Park Jimin po." I answered shortly.

Mukhang naintindihan naman niya yung sinabi ko at agad kinuha yung listahan.

"Sandali lang po. Ano nga po pangalan niyo at kaano-ano niyo po yung pasyente?" tanong niya.

"Beatrice Mitsuhara. I'm his friend." sagot ko.

Tumango naman yung babae at agad na tumawag sa isang phone tinatawagan niya yung nurse yata para ipadala dito sa lobby yung pasyente.

"Saglit lang po. Pababa na po sila. Maghintay lang po kayo sa waiting area." sambit nung babae. Tumango naman ako at dumiretso na dun sa lugar na sinabi niya.

Patient 95 II [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon