Chapter Nineteen

649 40 25
                                    

"Chapter Nineteen: Alive"

[Third Person's POV] 

"Andito na tayo." sambit ni Jeon na siyang nagdadrive ngayon. Nasa tapat na sila ng airport ng Jeju. 

Ito na pala ang araw na aalis na si Bea sa Jeju at uuwi na ng New York. Hindi mapigilan ni Bea na malungkot kasi sa loob ng ilang linggong pananatili sa lugar na 'to ay maraming alaala ang maiiwan dito at kasama sina Jeon, Miho, at Jimin. 

Kinalabit ni Miho si Bea sa balikat. "Bea." Lumingon naman si Bea kay Miho na nakataas ang mga kilay. "Hmm?"

"Andito na tayo sabi." Natatawang sagot ni Miho. Tumingin naman si Bea sa paligid at namalayang huminto na pala sila at nasa tapat na sila ng airport. Pagkababa nila ay pumasok na sila agad sa loob bitbit ang kanilang mga bagahe. 

---

 "Papasok na kami Jeon." sambit ni Miho habang nakangiti. Tumango naman si Jeon at nginitian sila. "Mag-iingat kayo."

"Ikaw din Jeon." 

Bea tiptoed to Jeon and kissed him in his cheek. Miho and Jeon was surprised of what Bea just did. Hinawakan ni Jeon ang pisngi niya at tinignan si Bea. "I'll miss you."

Miho cleared her throat and both of them looked at her. "Let's go now, Bea. Be careful on your way home, Jeon. It was nice being with you."

"Yeah." Jeon waved his hands at the girls as they bid farewell to each other and parted ways. Pagkalabas ni Jeon ay pumasok agad siya sa sasakyan niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at may dinial na number.

Calling Jean noona...

The person finally picked it up.

"Noona, nakaalis na sila." Ibinaba na ni Jeon ang tawag at nagdrive na pabalik sa condo.

Nang makarating na siya sa unit ni Jean ay pinapasok siya agad nito. Naglakad papunta sa sofa si Jeon at agad na umupo dahil sa pagod. Binigyan naman siya ng kape ni Jean at inilapag ito sa center table.

Umupo si Jean opposite sa kanya. "Ayos ka lang?" tanong nito nang mapansin niyang nakapikit si Jeon at humihingal ng konti.

Tumango naman si Jeon. "Oo. Napagod lang."

"Hindi mo pa rin ba sinabi sa kanila ang totoo?" tanong ni Jean. Umiling si Jeon at napabuntong hininga. "Para na rin yun sa kanila."

"Kailan mo ba sasabihin ang katotohan?" 

"Kahit wag na. Ayokong mapahamak si Jimin hyung."

Napahampas si Jean sa mesa at napadilat si Jeon saka tinignan siya. "Goddammit Jeon! Tanga ka ba ha?!"

"You don't understand, noona. I already promised to him." sagot ni Jeon. Napabuntong hininga na lang si Jean. Kahit anong gawin niya ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ni Jeon kay Jimin. Wala rin siyang magagawa dahil sa promise na binigay niya sa kaibigan niya.

Tumayo na si Jeon at kinuha yung mga susi na inilapag niya sa mesa. Napansin ito ni Jean at tinanong niya si Jeon. "Uuwi ka na?" Jeon looked at her. "Nope. I'm going somewhere." 

"Kay Jimin?"

Jeon shook his head. "Pupunta ako dun sa hospital."

"Ha? Ang layo naman nun." She then sighs. "Well, okay. Can you drop me to the asylum?"

"Ang lapit lang ng asylum ah."

"Tinamad akong maglakad eh."

"Sus. Miss mo lang makabonding ako."

Patient 95 II [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon