"Chapter Twenty-Nine: The Man Behind the Bunny Mask"
[Third Person's POV]
Binuksan ni Jimin ang kanyang mga mata at sinunod ng pagkirot ng kanyang ulo. Nagising na lang siyang nakatali ang kanyang kamay sa likod ng upuan at mga paa naman niya sa dalawang paa nito sa harap. Nakatakip din ang kanyang mga bibig at madiin itong nakadikit sa mga labi niya at sa balat na nakapaligid nito. Ang dilim din ng kanyang paligid. Tanging ang ilaw lang sa labas ng kwartong iyon ang nagliliwanag. Mula sa loob ay kaunting ilaw lang ang nahahagip ng maliit na parihabang bintana ng pintuan.
"Tulong! Tulong!" sigaw niya ngunit hindi ito maintindihan. Gusto niyang magsalita ngunit pinipigilan ito ng tape na nakatakip sa kanyang bibig. Pilit niyang kumawala sa pagkatali ngunit masyado itong mahigpit at dahil sa pagpipilit niya ay natumba siya kasama ang upuan. Pakiramdam niya ay nabali ang kanyang braso dahil sa impact ng pagkatumba niya kaya napaungol siya sa sakit. "Tulungan niyo ko!"
Sa labas ng kwarto ay kalmadong nakaupo lamang si Jeon sa isang upuan bitbit ang kanyang cellphone. Naghihintay siyang tawagan siya ni Jean para sa kung ano na ang balita nina Miho at Bea.
"Matatapos na rin ang lahat." banggit ni Jeon na nakatingin sa kwarto kung saan si Jimin. "Matatahimik na rin ang buhay ko."
"Ngunit ang problema ay si hyung."
Tumunog ang phone niya. Si Jean. Pinindot na niya ang answer button at nilapat ang phone sa tenga niya. "Noona."
"[Papunta na sina Miho at Bea dyan. Sigurado kang magiging okay sila?]" tanong ni Jean. Hindi alam ni Jean ang plano ni Jeon ngayon. Hindi niya alam kung paano ibabalik ni Jeon si Jimin sa mental para matapos na ang lahat. Hindi niya alam kung bakit kailangang gamitin ni Jeon sina Miho at Bea sa plano niya. Ang alam niya ay gagamitin niya ito para bumalik na si Jimin sa mental at maayos na ang lahat.
Nagkakamali siya.
Ngumiti si Jeon at sinagot ang tanong ni Jean. "Oo naman. Trust me Joohyun noona."
Isang matagal na pause ang natanggap ni Jeon nang marinig ni Jean ang pangalan niya na matagal na niyang hindi naririnig. Ang sarap pakinggan na may tumatawag ulit sa kanya na Joohyun. Yun nga lang, sa lalakeng ito pa.
"[Okay. I trust you, Guk.]" sagot ni Jean at binaba na ang tawag. Jeon hoped that Jean should not break his plan. Jeon didn't trust Jean truly. He saved her that day not because he wanted to but because he wanted to use her for his plans. But he still didn't know much about Jean which made him scared of something and that, he must be careful.
Lumapit si Jeon sa pinto kung saan andun si Jimin sa likod nito sapagkat narinig niyang nagsisigaw ito at nung tumumba siya. Kinatok niya ito. "Oy ingay mo."
Napatingala si Jimin nang marinig ni Jimin ang boses ni Jeon. Napansin niyang dumilim yung nasa harap niya. Napahagulgol na lang siya bigla at sumigaw pa uli na may halong galit. "Ilabas mo ko dito!"
Ngunit di ito maintindihan ni Jeon. Natawa na lang siya at napailing. "Kahit anong sigaw mo, ako lang nakakarinig."
"Kawawa ka naman, Park Jimin. Magsasama na nga kayo ulit ni Beatrice, sa heaven pa. Ay wait... may heaven nga ba?" dagdag niya at tumawa pa na parang demonyo. Mas lalong natakot at nainis si Jimin kaya nagpupumiglas na naman ito at nagsisigaw. "Hay*p ka! Huwag mo siyang idamay!"
"Blah blah. I can't even understand your words." irap ni Jeon at umalis na sa harap ng pinto.
"Bast*rd!" sigaw ulit ni Jimin nang mapansin niyang umalis na ito sapagkat lumiwanag ulit. Umiyak na lang si Jimin nang alam niyang wala na siyang magagawa. Walang ibang gamit sa kwartong iyon kundi ang upuan at tali lang. Nabubulag din siya sa ilaw na nanggagaling sa bintana. Walang siyang ibang magawa kundi ang magdasal. 'Lord, iligtas niyo po si Bea. Di ko alam kung si Seulgi nga siya o ano. Siya man si Seulgi o hindi, iligtas niyo po siya. Ayoko na pong may madamay pa dahil sa akin. Hindi ko nga po naprotektahan mga kaibigan ko kaya kahit ngayon lang, maprotektahan ko ang mga taong gustong tumulong sakin. Bakit ba pinagkakait ako ng kasiyahan? Ganun na ba kalaki ang kasalanan ko noong panahong nasaktan ko si Shinah?'
BINABASA MO ANG
Patient 95 II [BTS Fanfic]
Fanfiction[BOOK 2 of PATIENT 95] "What if... they were all lies?" --- Plagiarism is a crime. Please don't copy my works. Make your own story plot/ideas.