"Chapter Twenty-Eight: Abducted"
[Jimin's POV]
"Chim!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin at nginitian ito. Nakangiti siya at kinakaway pa akong lumapit sa akin kaya tumakbo ako papunta sa kanya.
"Ano gimik mo?" tanong ko habang tumatawa. Tumawa lang din siya at tinignan ako sa mga mata. Tinignan ko rin siya sa mga mata ngunit may kakaiba. Imbis na repleksyon ko ang nakita ko ay isang nakaitim na lalakeng nakatayo.
Napalayo ako kay Taehyung. Napansin din niya yata kaya tinanong niya ako na nakakunot noo. "Bakit Chim?"
Di ako sumagot at pinilit kong itatak sa isip ko ang nakita ko. Nginitian din niya ko ulit at kinuha kamay ko at hinila ako patakbo. "Jimin! Laro tayo!"
"Jimin."
Napalingon ako sa nagsalita pero hila-hila pa rin ako ni Taehyung. Pagkalingon ko, nakita ko si Yoongi hyung. "Hyung?"
"Jimin." tawag ni Taehyung kaya napalingon ako. Napansin ko ring huminto na kami sa pagtakbo.
"Jimin."
Napalingon na naman ako at nakita ko si Shinah. Lumapit siya sa akin. Hindi naman nakakatakot itsura niya di gaya ng dati na nagpaparamdam siya.
"Jimin."
Paulit-ulit kong naririnig na binabanggit ang pangalan ko. Hoseok hyung. Namjoon hyung. Seokjin hyung. Jungkook.
Lumapit sila isa-isa sa akin. Napaatras ako ngunit napapalibutan na nila ako at natumba na lang ako sa takot, kaba, at lito.
"T-Tama na!" sigaw ko ngunit bakit ganon? Walang boses ang lumalabas sa bibig ko?
Lumapit si Jungkook sa akin at lumuhod sa harap ko. "Jimin hyung."
Tinignan ko siya at nakita kong nakangiti siya sa akin.
"Mag-iingat ka."
"Jimin!"
Napaupo ako sa kinahihigaan ko. Hinaplos ko yung mukha ko at kinapa yung katawan ko. Tinignan ko rin ang paligid ko. Nasa isang kwarto ako. Naalala ko pa lang nasa isang hotel kami rito sa Daegu. Napabuntong hininga naman ako.
"Jimin? Okay ka lang?" tinignan ko si Jennie na nag-alalang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at tumango. "Opo."
"Binangungot ka yata." sambit niya. "Pinagpapawisan ka at magalaw ka sa tulog mo."
"Ganun ba?" tanong ko. Mukhang bangungot lang yata yun. Naalala ko sinabi ni Jungkook sa akin na mag-iingat ako. Ano kaya ibig niyang sabihin?
Narinig kong huminga ng malalim si Jennie kaya tinignan ko siya. Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-alala sa akin. "Buti na lang at nag-exchange tayo ng duplicate key. Pano na lang kung hindi? Baka napano ka na."
"Oo nga." sagot ko. "Salamat."
"Sige na. Maghanda ka na para sabay tayong bumaba at kumain ng breakfast."
"Sige Jen. Salamat ulit."
Nag-exchange muna kami ng ngiti bago siya umalis ng kwarto ko. Tumayo na rin ako at ginawa ang morning routine ko.
---
9:44 am
Napansin kong pumasok si Jennie sa kwarto kaya nilingon ko ito. Ngumiti muna siya bago nagsalita. "Tara na?"
BINABASA MO ANG
Patient 95 II [BTS Fanfic]
Hayran Kurgu[BOOK 2 of PATIENT 95] "What if... they were all lies?" --- Plagiarism is a crime. Please don't copy my works. Make your own story plot/ideas.