"Chapter Eight: Jeon?"
[Beatrice's POV]
Pagkagising ko sa umaga ay wala na si Miho. She left early in the morning and left a note at the table.
May gagawin lang ako sa opisina. Please eat breakfast that I made for you :*
-Miho
Patagal nang patagal, naging mas close kami ni Miho. Unang una kasi naaannoy ako sa kanya. Medyo makulit kasi siya dati kahit ngayon pero ngayon I felt like she's my big sis.
Umupo na ako sa harapan ng mga pagkain at nagsimula na kong nguyain ang mga ito. Habang kumakain ako ay bigla na lang tumunog yung phone ko.
1 message received.
"Sino na naman 'to?" bulong ko sa sarili ko.
Naalala ko yung babaeng nakipagkita at nagpanggap na fan ko. Nakakatakot talaga. Yun yata yung last naming pagkikita. Sa tuwing nakakareceive ako ng mga messages from unknown, kinakabahan na ako.
I just ignored the message and went back to eat.
2 messages received.
Ayan na naman. Hindi na naman yan titigil sa kakamessage sa akin. Sht. What to do?
I hesitated at first pero binuksan ko na lang.
From: +82**********
Hi. I'm Jeon. Your manager hired me as your bodyguard. Nice meeting you.
From: +82**********
Don't worry. I can be trusted.
I sighed in relief after reading the messages. I thought some random people na naman yan pero bakit kaya naghire si manager ng bodyguard kung andito naman si Miho para bantayan ako?
I picked up my phone and called my manager. Few rings after he finally answered.
"[Hello Miss? Napatawag ka?]" sagot niya sa kabilang linya.
"I received a message from this guy named Jeon. He said that you hired him as a bodyguard." sambit ko.
"[Ah yes. Hindi naman sa hindi ko kaya pinagkakatiwalaan at dinidiscriminate ko kayo pero babae kayo pareho kaya hindi pa rin kayo safe and you need some lad to protect you while I'm not there.]" sagot niya.
May pagkasweet din naman nitong manager ko.
"Okay manager. Basta matino yang hinire mo ha?" sabi ko.
"[Of course! Ako pa.]" sagot niya. Nagpaalam na kami sa isa't isa at pinatay na yung tawag.
Tumunog na naman ulit yung phone ko at nakareceive ng message galing kay Miho.
From: Miho<3
Pauwi na ko. I received a message from an unknown person. Marami tayong pag-uusapan ngayon. Okay? Ingat ka dyan.
I finally changed her ID name in my contacts.
Kinabahan naman ako sa magiging topic namin ngayong pagkauwi niya. Pati rin pala siya nakareceive ng message. Galing kaya yun nung Jeon na yun?
Pumunta na kong sala at umupo dun sa sofa para manood ng TV habang inaantay si Miho na makauwi na.
Ilang minuto ay nagring na yung doorbell.
"Wait a sec!" sigaw ko tas nagmamadaling buksan yung pinto at bumungad sa akin ang isang matipunong lalaki at kasama niya si Miho ngayon.
Tinignan ko si Miho na naguguluhan sa pangyayari at mukha naman niyang naintindihan ako kaya tinignan niya ko na parang easy lang dapat ako at chill.
"Hali kayo. Pasok." tipid kong sambit at walang ganang pinapasok silang dalawa.
Sinundan ko silang dalawa sa likuran at naunang umupo si Miho sa isang upuan malapit sa sofa at kami namang dalawa tong uupo sa sofa.
"Have a seat." sambit ni Miho at naggesture pa siya na umupo na kami.
Langya. Anmeron?
Lumapit ako konti kay Miho at tinignan siya suspiciously.
"Sino tong lalaking to? Boyfriend mo?" tanong ko sabay turo sa lalaking katabi ko ngayon.
Tumawa naman ng malakas ang bruha saka hinampas ako sa balikat.
Aray ha.
"G*ga!" sigaw niya at napalingon naman yung lalaki sa kanya na tumatawa pa rin.
"Pero sana nga ano. Bodyguard natin yan!"
"A-ano--" magkocomplain sana ako nang putulin niya ko.
"Bea, meet Mr. Jeon Jae and Jeon, meet Miss Mitsuhara." sambit ni Miho.
Tumayo naman tong Jeon sa harap ko at nagbow and he lend out his hand for a handshake. Nakonsensya naman ako kaya tumayo rin ako at inabot yung kamay para makipagshakehands sa kanya.
"So, you're the one who messaged me earlier." sambit ko. Nginitian naman niya ako at tumango.
"Yes, Miss. It's an honor to meet a beautiful popular lady like you." komento niya. Di ko alam pero nagblush ako sa sinabi niya.
"O-oh... Thanks." sagot ko saka ngumiti ng bahagya.
"Kyah! Gusto ko sanang magcelebrate tayo welcoming a new member of this fam!" masiglang sabi ni Miho. I frowned at her actions while Jeon was laughing.
"Baliw ka! Anong special nito?" pagsusungit ko saka padabog na umalis at pumuntang kwarto.
Bago ako tuluyang pumasok, narinig ko yung tawa nila sabay react ni Miho sa actions ko.
"Sungit talaga nun!"
Humiga na ko sa kama ko at nag-isip isip. Yung Jeon kanina para kasing familiar siya sa 'kin. I think I have seen him before. Hindi ko nga lang marecall kung kailan lang.
I just shrugged off that thought at kinuha yung phone ko. I looked at the screen and touched it.
"I missed you oppa." bulong ko sa sarili ko and a tear fell from my eyes.
"I wish I could turn back the time so that I could spend all my time with you."
"Bea?"
I looked up at the door where Miho standing as I quickly wiped of the tear that had fallen from my eyes.
"Bakit?" tanong ko.
"Aalis na si Jeon. Mamaalam ka na. Wag na magsungit." sagot ni Miho saka tumawa. Tinignan ko naman siya ng masama bago sumagot.
"Namo. Oo na!" sabi ko saka tumayo.
"Namo? Diba yun yung kinakain ni J-Hope? Namo?" banat niya saka tumawa ng malakas. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ha? Sinong J-Hope?" tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya at napaisip.
"Oo nga ano? Sa'n ko ba yan narinig?" sambit niya. Napasapo na lang ako sa noo ko.
"Alam mo, nababaliw ako sa'yo!" komento ko.
Nasa labas na kami ng hotel hinahatid si Jeon.
"Hanggang dito na lang mga noona. Salamat." sambit ni Jeon sabay ngiti.
"Sige. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo ah?" sabi ni Miho.
"Opo. Paalam." sagot niya saka pumasok na sa taxi at kumaway sa amin.
Hinantay naming umandar ang taxi at umalis sa paningin namin bago kami pumasok sa hotel.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry kung short update lang huhu. Pero sana magustuhan niyo rin hihi.
~Author Angel-nim
![](https://img.wattpad.com/cover/110842822-288-k599884.jpg)
BINABASA MO ANG
Patient 95 II [BTS Fanfic]
Fanfiction[BOOK 2 of PATIENT 95] "What if... they were all lies?" --- Plagiarism is a crime. Please don't copy my works. Make your own story plot/ideas.