"Chapter Thirty-Two: Finale"
[Jean's POV]
Nasa daan pa rin kami hinahabol ang sasakyan ni Jungkook. Earlier, saktong sumakay na si Jungkook sa sasakyan kaya sinundan namin ito. Napansin niya yatang sinusundan namin siya kaya pinaharurot niya yung sasakyan upang makalayo siya sa amin at naging obvious na rin na siya yung pakay namin kaya ito kami ngayon, sinusundan pa rin siya. Buti na lang at kaunting sasakyan na lang ang dumadaan sa oras na ito.
Biglang lumiko si Jungkook pakanan kaya lumiko rin kami. I'm hoping na sana di kami madisgrasya nito.
"Shoot!" biglang sigaw ni Yerim kaya napalingon kami sa kanya including the driver na nakatingin sa kanya sa rear view mirror. Nakaupo kaming tatlo sa likuran. Ako sa right side, sa gitna naman si Yerim, at sa kabilang side si Taehyung.
Matagal na kaming magkasabwat ni Yerim at Taehyung. Alam na namin ang bawat galaw ni Jungkook. Kung akala niya matalino siya at "organized serial killer" kuno siya, nagkakamali siya. Matatalino talaga kami. Itong dalawang katabi ko ay hindi nga lang halata sapagkat may maluwang na turnilyo sila sa utak nila.
Kung tatanungin ninyo kung anong relasyon namin sa isa't isa, magpinsan kaming tatlo.
"Ano yun Yerim?" tanong ko kay Yerim.
"Ha!" sigaw niya na tila tuwang-tuwa sa kanyang nadiskubre. "Kala mo matatakasan mo kami Mr. Jeon? Ito na yung oras para pagbayaran mo ang mga kasalanan mo."
"Sayang crush pa naman kita. Major turn off." pahabol pa niya at pinahaba pa ang salita "off". I just rolled my eyes.
Lumapit si Taehyung para tignan yung monitor na pinapakita ang isang mapa at arrow na tinutukoy kung saang lugar na si Jungkook.
Taehyung snapped his fingers and a smile drew on his face then looked at me when he knew that I was looking at him. "Dumaan siya dun sa may pampang. Hindi na siya makakatakas pa."
Tahimik na ulit naming inoobserbahan ang mga kilos ni Jungkook habang habol-habol namin siya gamit tong police car. May kasama rin kaming dalawang lalakeng pulis. Masyadong madilim na ang daan sapagkat nasa may di mataong lugar na punong puno ng mga punong kahoy.
May nalagpasan kaming sign na "Dead End" ang nakasulat ngunit nakatumba ito at kinakalawang na rin. Hindi mo siya masyadong mapapansin kung di mo ililibot yung paningin mo sa paligid. 'Mukhang di niya napansin yung sign. Bobo mo pa rin Jungkook.' sabi ko sa isipan ko.
Paliit ng paliit (parang si Jimin) ang daan na tinatahak namin ngayon. Kung magbabacking si Jungkook, mukhang imposible na lalo na't maraming kahoy ang nasa paligid. Para nga kaming nasa isang gubat ngayon.
"Huminto siya!" sigaw ni Taehyung. Napatingin naman kami sa harapan na nakikita naming huminto nga yung sasakyan ni Jungkook at nagsimula itong magbacking ngunit nabangga yung likuran ng sasakyan sa isang puno. "Patuloy lang sa pagdadrive tas harangin niyo!"
Hindi pa pampang yung hinintuan ni Jungkook kundi isang malaking kahoy na nakaharang. Mukhang hindi tinuloy ng gobyerno na ipagpatuloy yung daan. Ewan ko rin kung anong meron sa unahan at saan lulusot tong daan n ginawa nila. Mukha ngang creepy eh. Feeling ko nasa Wrong Turn kami minus yung dalawang daan.
Nung malapit na kami sa kanya ay agad na bumaba si Jungkook sa kanyang sasakyan at tumakbo papunta sa loob ng kagubatan na dala-dala ang kanyang Glock 19. Nag-abala pa siyang barilin ang direksyon namin at natamaan nga yung windshield ng sasakyan sa gitna. Nabutas nga eh. Buti na lang ay hindi kami natamaan sa loob.
Agad na bumaba si Taehyung para sundan si Jungkook kaya sumigaw kami. "Taehyung!"
"Taehyung, mag-ingat ka!" sigaw ni Yerim at bumaba na kami paalis ng sasakyan. Tumakbo na kami para sundan din si Jungkook at maka-catch up kay Taehyung. Mahirap na. Baka mapaano pa siya.
BINABASA MO ANG
Patient 95 II [BTS Fanfic]
Fanfic[BOOK 2 of PATIENT 95] "What if... they were all lies?" --- Plagiarism is a crime. Please don't copy my works. Make your own story plot/ideas.