" Ayoko man tanggapin, subalit kailangan
Dahil hindi pwede na ako'y malugmok na lamang
Oo bagamat hindi tayo pwede subalit salamat
Sapagkat sa isang gabing na kasama ka, ay naramdaman ko ang saya ng tapat.
Isang gabing tila nagpa totoo sa aking malawak na imahinasyong,
Tila nilamon na ng limot sa tagal ng panahon.
'Isang gabi, makakasayaw kita' sambit ko.
Na tila walang pakielam sa iba,
Ang sabi ko pa 'mamahalin mo ako kagaya ng pagmamahal ko sayo.' Napaka galing lang dahil nangyari ang lahat ng iyon,
Subalit masakit lang dahil ang imahinasyong iyon ay nagkatotoo sa maling panahon.
Tamang tao, ngunit maling panahon? o maling tao subalit tamang panahon? Napakagulo, hindi ko na alam kung saan ang tamang lugar o pwesto. Ngunit napaka saya rin,
Dahil habang inilulunday ng mga magagaan mong kamay ang aking kamay at baywang,
Ay siya ring pagtibok nang wagas ng puso kong tila isang hunghang.
Sa mga mata mong muntikan nang malisaw ang mga tuhod ko.
Sa mga halakhak mong ayaw nang pakawalan ng mga tainga ko.
Sa mga labi mong.. napakasarap halikan o angkinin subalit nakakahiya dahil napakaraming tao.
Na--""Whooo!"
Sigawan at palakpakan ng lahat ng mga manunood ang nagpahinto sa akin habang sinasambit ang isang tula na ako mismo ang gumawa.
Narito ako ngayon sa isang open field sa isang kilalang mall sa Pasay dahil inanyayahan ako ng mga kaibigan ko na sumali sa isang Spoken Poetry Contest, pumayag na din ako hindi dahil may premyo, o para makilala ako ng maraming tao, kundi dahil nais kong mailabas kung ano ba ang nararamdaman ng puso kong ngayon at halos hindi na kaya pang tumibok para sa kahit na sino.
Tinapos ko ang tula ko na pinamagatan kong "Hindi Totoo."
Pagkababa ko sa entablado ay halos dumugin ako ng mga tao. Nag pa-picture ang iba at ang iba naman at nanghingi pa ng autograph. Mayroon pang mga nagtatanong kung ilalabas ko raw ba sa publiko ang hard o soft copy ng tula ko, halos puro ngiti lang ang naisagot ko dahil hindi ko na alam kung ano na ang uunahin ko, yung mga kaibigan ko ba na paulit ulit na akong tinatawagan o sila na halos siksikin na ako.
Salamat sa mga bouncer at nakawala rin ako sa wakas. Nag vibrate muli ang phone ko at bago ko pa masagot ang tawag ni Zoe ay may lumapit sa akin na isang mid 30s na babae na kinuha ang number ko, binigay ko naman pero hindi ko na naintindihan ang mga sinabi niya dahil may biglang marahas na humila sa akin.
Halos mabali ang braso ko dahil sa pagkaladkad sa akin ni Zoe na hinihingal din.
"Ka-kanina ka pa namin tinatawagan ah? Akala ko kung napano kana!" pasigaw niyang sabi bago bumuntong hininga.
"kumpleto na kami don, ikaw nalang ang wala.." humina bigla ang boses niya at alam ko na agad kung bakit.
Tinitigan ko ang bilugang mata niya at napagtantong tama ang iniisip ko.
"Alam mong ayoko na siyang makita o kahit makausap man diba?" sabi ko na halos ikabulol ko pa. Bago magpaalam at tinalikuran siya.
Dahil alam mo na kahit pa ano basta galing sakanya ay handa kong paniwalaan, kahit pa kasinungalingan.