Kabanata 17

10 1 0
                                    

Kabanata 17

Sobra

Nakakabinging tibok ng aking puso na sinabayan ng nakakabinging sigawan ng mga tao sa paligid pagkatapos tawagin ang pangalan ko, I feel like all of my nerves are racking.Nilingon ko ang buong lugar kung saan ako magpeperform ngayon at isa isang nagsilabasan ang mga paru paro sa aking tiyan, this is not my first time performing on stage, pero iba itong isang 'to. Para akong nasa gitna ng puting dagat dahil napupuno ang paningin ko ng mga puting ilaw na nakabukas na siyang angat angat ng mga taong nandidito.

This is not just a simple event, Jude told me na isa ito sa pinakamalaking event na hahawakan niya ngayong taon. Ito raw ang closing event ng love month, may mga ganun pala?

Halos ilang libong tao ang naririto, pagkatapos kasi ng mga magpeperform ng spoken poetry ay may mag ko-concert na mga kilalang banda dito sa Pilipinas, at isa sa mga ito ay magbibigay ng live background tone sa aking piyesa, ang swerte lang dahil iyon ang paborito kong banda.

Sa aking baba ay kitang kita ko ang dalawang naglalakihang entrance, ang dami pa ring pumapasok. Natigil ang pag iisip ko nang magbukas ang nakakasilaw na ilaw na, sa akin ang tutok. Ngayon, mas lalong naging malinaw ang lahat, kitang kita ko ang mga taong malapit sa stage, nakapinta sa kanilang mga mukha ang excitement.

Naroon si August, kasama ang mga kaibigan at kakilala namin. Nang magsimulang tumugtog ang organ ng isang napaka pamilyar na tono, ay ipinikit ko na rin ang mga mata ko.

Mala isang musika ang mga tinig ng mga taong sumisigaw ng pangalan ko. Gumiginhawa ang pakiramdam ko kapag ganito, yung tipong ramdam na ramdam ko na mahal ako ng tao.

Sa palagay ko, napakalayo na ng narating ng mga tula ko, ang hindi ko lang alam ay kung hanggang saan ako dadalhin ng mga ito.

Sa kalagitnaan ng aking pag bigkas ay dumilat ako, parang tambol ang puso ko nang makitang may mga umiiyak at nakapikit rin habang pinapakinggan ako, nilingon ko ang bawat sulok ng lugar at parang tumigil sandali ang mundo ko nang makita ang taong pinag aalayan ko ng tula na ito.

While holding Zoe's back, Lance is standing behind August, diretso sa akin ang titig, madilim at may dumaraang sakit. Halos talikuran ko silang mga nasa harapan ko at harapin ang mga taong natatalikuran ko, pero kahit ano ay wala, wala akong ibang nagawa kundi muli ay titigan siya at ipag patuloy ang binibigkas na obrang ayaw kong marinig niya.

Kaunti nalang ay bubuhos na ang luha ko, kaya't napag pasyahan kong pumikit at madaliing tapusin ito. Kailangang matapos na ito, dahil baka magunaw lamang ng titig ni Lance ang higanteng pader sa aking puso na ako mismo ang nagbuo.

"Thank you so much!" Isang bow at ilang beses na kaway lamang ang iginawad ko sa lahat.

Nawalang bigla ang ilaw na nakatutok sa akin, halos mapatili ako sa gulat nang bumaba mismo ang stage. Nawala sa paningin ko ang lahat at kusang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Dumiretso ako sa backstage para kunin ang gamit ko at para ma text si August na doon nalang kami magkita.

Unti unting humupa mag isa ang mga luha ko, malayo layo pa ang dressing room ko kaya minabuti kong mag cr muna, nag ayos ako at saka muling tumulak patungo doon.

Nang makarating ay nagulat ako nang makita si August na naroon, hawak hawak niya ang kanyang cellphone na para bang may kausap na tungkol sa trabaho. Nang mapansin ako ay ibinaba niya iyon at lumapit sa akin.

"Where have you been?" tanong niya na may halong pag aalala.

"Ahm, nag cr lang." tinuro ko pa ang direksyon patungo sa pintuan para mapanatag ang kanyang loob.

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon