Kabanata 15
No.
Pikit mata ako habang pinipigilan ang nagbabadyang mga luha. I know, na kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito sa jeep dahil kanina pag sakay ko palang ay hindi ko na maiwasan ang maging emosyonal.
Pauwi na ako and I can still feel the pain inside me, iniwan ko si Lance doon sa Park, kahit paulit ulit niyang tinatawag ang pangalan ko ay paulit ulit ko ring pinatay ang sarili ko sa bawat pag tanggi na lingunin siya. Paulit ulit kong pinunit ang puso ko, kahit na kanina lang ay parang ang saya naming dalawa.
"Ipipikit ko ang aking mata,
Dahil, nais ka lamang mahagkan,
Nais ka lamang masilayan,
Kahit alam kong tapos na,
Kahit alam kong wala ka na..'
Lalong nangilid ang aking mga luha nang marinig ang unti unting lumalakas na tunog sa jeep. Pigil na pigil man ako, pero nadala ako ng pamilyar na kanta.
Parang pinaglalaruan ako ng kapalaran, sinasabayan niya ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ganito?
' At hihiling, sa mga bituin,
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin,
Hihiling, kahit dumilim,
Ang aking daan na tatahakin,
Patungo sa iyo..
Patungo, sayo.'
"Para po." Bago pa man bumagsak ang mga luha ko ay bumaba na ako sa harapan ng isang malaking mall na malapit rin sa park at sa school namin noon nung high school kami.
Maraming tao dahil tanghali na at sa pagkaka alam ko ay uwian na rin ng mga estudyanteng may klase ngayon.
Pinunasan ako ang luha ko at muli ay nagpigil, kailangan ko iyon dahil kaunti nalang at alam kong mahahalata na ang pamamaga ng aking mga mata.
Pumasok ako sa mall para libangin ang sarili sa kahit anong bagay upang maiwasan ang kakaisip sa kay Lance. He is calling me until now, silang dalawa ni Zoe. Kaya naman I turned my phone off para matigil na.
Kumain ako, at hindi muna nagtanggkang umuwi pagkatapos. I checked my wristwatch at 2:30 ang nabasa ko. Naggala, pagkatapos ay sinubukan ko ring mamili ng mga gamit na kaya lang ng budget ko. Ang saya pala ng ganito, wala akong ibang iniintindi kundi ang sarili ko lang.
Dinala rin ako ng aking mga paa sa isang boutique na bilihan ng mga libro. Actually I love this place, noon parati akong nandidito para kumuha ng mga ideya para sa mga tulang ginagawa ko.
After this, I know, hindi magiging maayos ang lahat kaya susubukan kong lumayo sa kanila. Maybe I'll work for one to two years, pagkatapos ay aalis ako ng bansa, at hindi na siguro babalik pa. Yan lang ang plano ko sa ngayon, siguro naman papayag na ang tandahana sa gusto ko, dahil mukhang iyon din naman ang gusto niya, ang lumayo pa ako sa kanilang dalawa.
Nang pumatak na sa alas singko ang oras ay nagmadali na akong umuwi. Baka nag aalala na si Ate Mara sa akin.
Mabibilis ang lakad ko habang bitbit bitbit ang mga pinamili. Mahirap na rin kasing sumakay kaya nagmamadali na ako. Malapit na ako sa main exit ng mall at napabalingkwas ako sa nakita ko, it is August, diretso ang titig sa akin.
He is wearing his usual clothes, shirt,board shorts and his usual look. Malamig at seryoso. Naka halukipkip siya at tila kanina pa nag hihintay sa kung sino.
Kahit na parang naka pambahay lang siya ay iba ang tingin sa kanya ng mga babae sa paligid niya. Ang lakas talaga ng apil nito.
Aatras na sana ako nang magulantang ako sa pag pasok niya sa exit. Hindi siya pinigilan ng mga guard na naroon kaya halos tumakbo na ako palayo.
Bakit ba siya nandidito!? Tyra, mall to, wag kang mag assume na bawal siya dito. Oh gosh.
Naramdaman ko agad ang mainit niyang palad na pumulupot sa aking bewang. Halos mapatili ako ng iharap niya ako sa kanya at walang kahirap hirap na inangat. Hindi ako makagalaw sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin.
Ang nakikita ko na lamang ngayon ay ang kanyang malaking likod. Hinampas ko iyon pero hindi niya ininda.
"August ibaba mo a-"
"No." Pagputol niya sa akin. Pinal iyon at napaka lamig.
"What the hell are you doing!? Ibaba mo ako sabi!" Pasigaw kong sabi na ikinahiya ko, nasa mall nga pala kami.
"I said no." Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa akin habang seryosong tinatahak ang direksyon patungo sa kung saan.
Nararamdaman ko ang tingin ng bawat tanong naroon kaya naman hindi na ako nagsisigaw.
"Ibaba mo ako, kaya kong maglakad." Malumay iyon na ikinabagal ng kanyang lakad.
Akala ko ibababa na niya ako pero hindi pa rin pala.
"No, recently I gave you the chance to walk, pero ano? tinakbuhan mo pa ako. So now, its a big no Ty.. No. Hindi mo na ako matatakbuhan pa. No." pinal iyon at halos manigas ako sa sobrang lamig ng kanyang pagkakasabi.
Sinubukan kong iangat ang tingin ko pero hindi ko talaga magawa, nakakahilo ang ganitong posisyon! Hayup! August!
Nag iba na ang itsura ng kanyang nilalakaran at napagtanto ko na nasa parking lot na kami. Really? Hindi man lang siya hiningal. Binaba niya ako at saka tinulak papasok sa front seat ng kanyang kotse.
Nagmadali siyang pumasok, malalalim na pag hinga lang niya at malalamig na titig ang sumalubong sa akin na takang taka sa mga nangyayari.
"Bakit ba August!?" Halos sigawan ko na siya pero hindi pa rin nag iiba ang kanyang ekspresyon.
"Anong bakit ba? Halos patayin ako ni Zoe at ni Lance sa pag aakala na kasama kita buong magdamag, tapos may gana ka pang manigaw?" Malalalim ang kanyang boses at titig na titig sa akin habang nagpapaliwanag.
"Pwes, ngayon, papatayin ka na talaga nila dahil kasama mo na ako! Bigla bigla ka nalang sumusulpot tap-"
"Ikaw, bigla bigla ka nalang nawawala! Tapos naka off pa yang phone mo! Hindi kita matawagan!"
So, pinutol niya ang sermon ko, para sermonan ako? Aba bastos to ah!
"Ano ba kasing kailangan mo?! Uuwi na ako, don't worry hindi ko sasabihin sa kanila na nakasama kita ngayon para di ka paglamayan bu--"
"No. I don't care about them, handa akong paglamayan bukas basta nahanap kita ngayon. Binaliw mo ako ng halos tatlong oras Tyra! Kung saan saan na ako napadpad para lang mahanap ka tapos tatakbo ka nanaman paalis sa akin, sa paningin ko!?"
Napatikom ako ng aking bibig dahil sa mga narinig galing kay August. Nabuhay muli ang sakit at pait na nararamdaman ko sa lahat ng aspeto ng buhay ko dahil sa mga sinabi niya.
Ayokong paasahin si August sa wala. Ayokong gawin siyang bagay na magpapahilom sa mga sugat ko ngayon na galing kay Lance dahil baka lalo lang lumala ang lahat. Ayokong isugal si August dahil gusto ko siya, ayokong pagbigyan siya sa gusto niya, dahil alam ko na sa huli ay masasaktan ko lamang siya.
"Okay fine, thank you! Iuwi mo na ako!"