Kabanata 4

46 2 2
                                    

Kabanata 4

Nightmare

Kinaumagahan, mabilis akong kumilos at nangmadali pababa ng hagdanan na para bang late na late na ako. Mabilis kong hinawi ang buhok ko bago binuksan ang pinto namin at nakangiting August ang tumambad sa akin. He is wearing pants and dark gray tshirt na lalong nagpadepina sa kanyang mapuputing balat. Pinapasok ko siya saglit at pinaupo sa sofa.

"Kukuha lang kita ng tubig." ambit ko sabay may pag ngiti pa. Bago ko pa man siya matalikuran ay hinapit na niya ang kanyang braso sa aking baywang. Natatawa ko siyang tinanong kung bakit o kung anong problema habang inaakyat papunta sa kanyang balikat ang aking mga kamay.

"I miss you.. baby" pabulong niyang sabi habang tinititigan ako with his smile. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko si August na walang salamin at wala na ring nakakabit na braces sakanyang mga ngipin. Para siyang nagliliwanag sa paningin ko. Ang singkit ng kanyang mga mata ay tamang tama sa kanyang mukha. Para siyang artista sa ibang bansa. Ang hirap ma reach! I glanced at him and brushed my fingers on his hair. Nilapit naman niya ang kanyang sarili sa akin at patuloy na nilalapit na naging dahilan nang pagpikit ko.

"Tyra..Tyra.." malalim na mga boses ang narinig ko kaya't napadilat akong bigla. Halos magulantang ako nang tumambad sa akin si Kuya Oliver, asawa ni Ate Mara.

"Kanina pa kita ginigising, napasarap yata ang tulog mo. Alas syete na at kanina pa nag aalarm ang cellphone mo kaya pumasok na ako." pagpapaliwanag niya.

"Ah sige po Kuya, salamat." Sabi ko bago siya umalis sa akong kwarto.

What.The.Hell? What was that dream for? Bakit ko napanaginipan si August and gosh, bakit ako nakangiti ngayon? Late na ako at parang ayaw ko pang tumayo sa pagkakahiga. Ano na Tyra what's happening to you? I think I'm just infatuated to him dahil sa angkin niyang kagwapuhan kaya ako nagkakaganito. Puro physical lang at panaginip lamang iyon kayat hindi iyon magkakatotoo at lalong hindi ko hahayaan na maging totoo iyon. Umupo ako at na pa face palm na lamang dahil sa frustration na aking nararamdaman. Bago pa ako tumayo, kinuha ko muna and cellphone ko at tinext si Zoe na malelate ako ngayon.

Sa pagpasok ko sa school, I've decided na maglakad na lamang papuntang main entrance dahil gusto kong bumili ng makakain. Hindi naman na ako nagmamadali dahil sa reply ni Zoe sa akin na wala kaming prof ngayong subject. Pumasok ako sa isang convenient store na ang kaharap ay ang isa pang building ng aming school kung saan naroon ang mga nagmamasters at doctorate degree.

Habang kumakain sa harap ng two way mirror na mayroon ang store na ito, halos mabilaukan ako sa nakita ko, August with his sweet smile and gosh, wala na nga siyang braces and glasses. Bakit hindi ko yon napansin kahapon! Nananaginip pa ba ako? Pero hindi e, dahil may kausap siyang isang lalaki na kaklase yata niya and they are laughing. Nang tumama ang tingin niya sa akin, ay nataranta akong tumalikod at lumabas ng store na hindi na naintindihan ang sinabi sa akin ng staff na naroon.

Tinakbo ko ang mala two kilometers na layo ng main gate sa store na iyon. Pawis na pawis ako at hingal na hingal pagkapasok ko sa classroom namin. Nanlalaking mga mata ni Zoe ang sumalubong sa akin habang inaabot sa akin ang isang bote ng tubig.

"What happened?!" Pasigaw niyang tanong sa akin. Hinihingal pa rin ako kaya hindi ko siya nasagot.

"Tyra bakit ganyan ang itsura mo? San ka galing? May humabol ba sayo? May humoldap? Ano? Nasaktan ka ba?" and dami niyang tanong, nakakairita.
Napakamot nalang ako sa noo ko habang tinitignan ang bote ng tubig na nangalahati na.

"Wala, I just saw my nightmare outside the convenient store, laughing and wants to eat me. Monster!" seryosong seryoso ako habang tawa ng tawa si Zoe.

"What the. Anong sinasabi mo Tyra? Ayos ka lang ba?" Tawa siya ng tawa at naiinis na ako.

"Yun ang nangyari, wag ka nang magtanong! Thanks for the water" sagot ko bago umupo sa katabi niyang upuan. Sinundan niya ako at kinapit pa ang braso niya sa aking braso.

"Nagkita kayo ni A??" Mahina iyon pero rinig na rinig ko.

"Who is A?"

"August." Seryoso na siya ngayon habang hawak hawak ang kanyang cellphone. So A is the nickname huh? Bagay.

"Ah. How did you know?" tanong ko.

"He texted me. So he is your nightmare now huh?" she chuckled and looked at me intensely. I glared at her na kinatawa niya lalo. Natigil kami sa pag uusap nang biglang dumating si Efrraine, ang President ng section namin.

" Excuse me, guys, announcement, the Dean wants to talk to our section so be ready because he is on his way. That's all thanks." Aniya na may awtoridad.

Bumalik na kami sa mga sari-sarili naming upuan, nakaupo ako sa may bandang unahan dahil naka alphabetically arranged kami, medyo malayo sa akin si Zoe dahil O pa siya. Tumahimik na kaming lahat nang dumating na and Dean namin na si Dr. De Guzman. Dala dala niya ang kanyang laptop at may mga papel na nakapatong rito.

"Good morning everyone, I'm here to inform you that from now on, your section will transfer to the other building temporarily due to the renovation of BSA building. Your room number is 405 at the MDB- Masters and Doctorate Building." nagpantig ang aking tainga at sabay pa kaming nagkatinginan ni Zoe.

Gosh. Am I dreaming? Obviously no dahil nasaktan ako sa paghampas ni Zoe sa aking braso. Habang nakangiting aso, pagkalabas na pagkalabas ng aming Dean ay napadpad na siya sa tabing upuan ko.

" Sa dinami-dami ng building dito, bakit doon pa? Bakit?" sambit ko sakanya na sobrang drama.

"Maybe because yun ang pinakamalapit na building sa main gate, bakit? ayaw mo dun?" tanong niya na may halong pagtataka.

"Hindi naman sa aya--"

"Ahhh! I know now! Nandun kasi si A! Gosh, how did you know na doon ang building nila?" pinutol niya na may halong panunuya.

Pero hindi ko siya sinagot. Gaga talaga to, buong magdamag na niya akong inasar nang inasar hanggang sa mapagod siya. Kung ano ano ang sinasabi niya. Na mag ayos daw ako bukas, na araw araw na raw namin makikita si August. Kala naman niya ay sobrang matutuwa ako. Lalo lang akong na frustrate dahil sa mga pangyayari. Parang ayaw ko na pumasok simula bukas!

Bakit kaya palagi nalang tayo pinipilit ng tadhana sa mga taong ayaw o kinasusuklaman natin tapos hindi man lang niya tayo ilapit,itagpo at patagalin sa mga taong mahal natin?

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon