Kabanata 2
Miss Na Kita
Today is Monday and I'm here at the balcony of our univesity with my notebook and pen. Halos wala kaming klase ngayong umaga pero pumasok pa rin ako para mapag isa. Tanaw na tanaw ko ang kalakhang Makati, ang ganda sa malayo dahil dikit dikit ang mga imprastrakturang naglalakihan, naisip ko na sa isa pang taon, matatapos na ako sa aking pag aaral and I will do my best para makapasok sa isa sa mga nagtataasang building o kompanya na yan, pero paniguradong mas maganda ito lalo sa malapitan, kapag nakapag trabaho na ako, araw araw ko nang makikita ang mga iyan, pero diba kapag parati mo nang nakikita yung isang bagay, o nakakasama ito, it turns out na nakakasawa na.
"Wag kang magsasawa sa akin bes ha?" sambit ng high school student na si Zoe, she is wearing her complete uniform with her fixed braded hair.
"Oo naman, hinding hindi kahit na anong mangyari," sagot ko naman at niyakap siya. It's our graduation day at iyak na siya ng iyak sa akin dahil ang plano ng parents niya ay sa China na siya mag aaral.
"Promise me, na ako pa din ang best friend mo kahit na pumunta na kami sa China!" Humahagulgol na siya at hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya.
"Yes, I promise, basta ako lang din ha? I'll wait for you. Let's chat, video call everyday." naluluha na din ako dahil sakanya.
"Of course, I promise! Pano natin yun gagawin? Kung wala naman kayong internet!" Umiyak siya lalo na siya namang kinahalakhak ko. This girl, napaka immature, nakakainis.
"What the hell? Yan pa talaga ang inisip mo ha? Ako na ang bahala dun haha," I gave her a sweet smile para tumigil na siya. I assured her na a promise is a promise and yes it might be meant to be broken, but it might also be meant to attain.
Hindi ko na siya naihatid no'n sa airport dahil inisip ko kung paano ako uuwi nang mag isa. Hindi ko na din siya tinext dahil baka makumbinsi ko siya na wag nalang umalis pa ng bansa. Kinulong ko nalang ang sarili ko sa aming kwarto at dahil siguro sa masidhing damdaming naramdaman ko ay nakagawa ako ng tula para sakanya. I want to give it to her kapag nag kita ulit kami, kahit pa matagal pa yon. Kahit pa wala pang kasiguraduhan kung babalik pa ba siya.
Dumaraan ang bakasyon at nagpatuloy naman ang buhay ko, kahit na parating hindi kumpleto ang araw ko dahil wala ang isang parte nito. Hindi kami nakapag usap kahit isang beses dahil hindi ako napagbigyan ni Ate Mara na magpakabit ng internet o kahit bumili ng pocket wifi. Nag re-rent din naman ako, pero parating hindi naman siya online. Pero kahit ganon ay natatanggap ko ang mga mensahe niya.
"Hi best, how are you? Sobrang namimiss na kita. Parati kang hindi online. Why?"
"Hello Tyra Dionelle Alcantaraaaa! what now? Bakit hindi ka online?"
"Tyra, are we good? Bakit hindi ka nagrereply?"
Isang beses ay nakapag reply ako at sinabi na maayos naman ako at sinabi ko rin ang dahilan kung bakit di ako makapagreply, nag sorry ako at sinabing miss ko na siya. Hindi na ulit iyon naulit dahil nanganak na si Ate at kailangan niya siyempre ang tulong ko.
Ito na yata ang pinakamatagal na hindi kami nagkita at nagkausap. It took us two months to meet again and I'm so surprised! It's first day of school and I am already first year college taking up BS Accountancy. Kailangan kong maaga pumasok dahil hindi ko pa kabisado ang school ko at sobrang nagulat ako pagkalabas ko ng bahay nandoon si Zoe! crying, waiting for me, handling so many paper bags! At ang mas nakakagulat, she's wearing the same uniform that I am currently wearing.
"T-ty-raaaa" she's crying out loud na parang isang taon kaming hindi nagkita. She hug me so tight na parang naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. I hug her back at napaluha na rin.
"I'm sorry, I can't stay there without you. I can't." Halos mabasag ang kanyang boses.
"Hey, ako dapat yung mag sorry. I'm sorry and shh stop crying. Let's go inside. Sira na ang make up mo!"
Pumasok kami sa loob para painumin siya ng tubig at para makapag retouch na rin. Pagkatapos ay napag-alaman ko na pinilit niya ang kanyang parents na dito niya gusto magtake ng college at nung isang araw pa pala siya nakauwi dito sa Pilipinas. Ang mga hawak niyang paper bag ay binigay niya sa akin, naglalaman daw yun ng mga damit, bag, sapatos, make up at ang pinaka nakakatuwa pero nakakahiya, ay ang laman raw ng isang paper bag ay isang pocket wifi. Binigay ko naman sakanya ang tulang ginawa ko na pinamagatan kong "Miss Na Kita," tuwang tuwa siya habang nagpapasalamat at sinabi na ang galing galing ko na raw gumawa ng tula.Sinabi rin niya na pinakiusapan raw niya ang school na papasukan ko na ipasok siya doon kahit hindi na siya maging scholar. Nag request din siya na kagaya ng course at schedule ko ang sakanya. Kaya pala parehas kami ng uniform!
Puro kami kwento sa mga nangyari sa amin sa buong bakasyon hanggang sa makarating na kami sa school. Masaya dahil baliw talaga siya. At dahil ngayon lang talaga kami ulit nagkaron ng time sa isat isa, buong araw siguro kaming nagtalakan nang nag talakan.
Kasabay nang pag ihip ng malakas na hangin ang pag sabog ng akin buhok sa akin pisngi, pinagsiklop ko silang lahat at inilagay sa kanang balikat ko, ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako lumuluha dito, habang nagsusulat, nakabuo nanaman ako ng isa pang tula para kay Zoe at sa tingin ko, kahit kailan ay hindi ko iyon ibibigay sakanya.
Nakakainis, nagstay ako dito dahil gusto kong matanggal kahit sandali ang mga bumabagabag sa akin, pero parang kahit anong pilit kong iwasan ang lahat, mas lalo lamang itong patuloy na nagpapaalala. Tama nga sila, na hindi tama ang lahat ng sobra at sa totoo lang sobrang saya ko nang bumalik na si Zoe, sobrang mahal ko siya dahil para ko na siyang kapatid, pero parang mali na, kasi hindi ko kayang gawin ang tama dahil sa sobra.
Bago ako bumaba, may naisip akong titulo para sa akin tula.."Mamimiss Kita."