Kabanata 19
Girlfriend
Busangot ang aking mukha sa byahe, hindi ko ma appreciate ang pag ka miss ko sa kanyang kotse dahil sa frustration. Nasa kalahati na kami ng daan papunta sa bahay ay naging traffic. Ilang mura na ang narinig ko sakanya dahil inabot na kami ng ilang minuto dito at hindi pa rin kami gumagalaw kahit konti.
Hindi pa rin tumitila ang ulan kaya nakasara na ang mga bintana pero hindi pa rin nakabukas ang aircon, kapag binubuksan niya iyon ay sinasara ko, para sakanya naman iyon kaya wag niya akong artehan.
Nang hindi na siya nakapag pigil ay lumabas na siya.
"Magpayong k-"
Hindi niya ako pinatapos at sinaraduhan ng pinto kaya naman binuksan ko ang pintuan ko para sana maabutan siya ng payong pero nagulat ako sa nakita na baha na, umaabot na sa gitna ng gulong ang tubig. May kinakausap siyang matanda pero hindi ko marinig dahil sa ulan.
Nagpasya ako na isarado ang sariling pintuan at buksan na lamang ang aming bintana. He is talking to that man while looking at me, intensely.
Umiwas ako at muli siyang sinulyapan pero nagkamali yata ako sa ginawa dahil naabutan ko pa rin siya na nakatitig sa akin. Ang galing niyang mag multitask, nakakainis,nakakairita.
Pumasok siya ng basang basa habang naglalabas ng mga buntong hininga na siyang tanging naririnig ko mula sakanya. Nilibot ko ang aking tingin sa buong sasakyan para sana maghanap ng kahit anong pamunas pero wala akong nakita. Ang laki laki ng sasakyan niya pero walang kalaman laman.
"Basang basa ka na! Wala kang pamunas!" pagalit kong sabi habang hindi siya tinitignan. Hinahanap niya ang tingin ko pero di ko iyon pinahanap. I don't want Lance, not now, not now that you look so hot, not now that I'm missing you so bad.
Muli ay isang malalim na hininga ang inilabas niya pagkatapos ay naghubad, kitang kita ko iyon sa peripheral view ko. His muscles really got matured. Kung noon ay maganda na ang kanyang katawan, mas lalo ngayon.
I don't know what to react nang iharap niya ako sakanya. I closed my eyes, mariin, ayaw kong may makitang kahit ano. Hindi pwede. Nagpipigil ako. Wtf Tyra!
"Were stranded, baha na at nagkaroon ng accident malapit sa bukana ng highway, do you want to walk? Malapit naman na." Malumanay iyon pero seryoso. Kinikilabutan ako sa boses niya na parang paborito kong musika na ngayon ko nalang ulit napakinggan.
Unti unti kong binuksan ang aking mga mata ,salubong na kilay niya
at nanunuring mga mata ang tumambad sa akin, basa pa rin siya, pero kahit ganoon ay hindi matanggal ang bangong taglay niya. Tyra! Magpigil ka!!Wala pa rin siyang saplot pang itaas kaya hindi ko maibaba ang aking mata, I hate this feeling! Oh God.
Nawala ang mga imahinasyon ko nang sumagi sa aking isip na baka ilang beses nang nakita ni Zoe ang katawan niya, na siguro nang maghiwalay kami ay naging sila na, na baka naman nagiging sagabal na ako sa kanilang dalawa dahil kasama ko ngayon si Lance. Na baka magkagalit sila ngayon kaya ako pinuntahan ni Lance, na parang option lang ako, na dapat hindi ko na siya iniisip dahil hanggang ganito nalang kami. Na si Zoe talaga ang mahal niya.
Gumuho ang sistema ko nang atakihin ako ng mga kaisipang iyon. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sakanya at dirediretsong lumabas ng kanyang sasakyan.
Kasabay ng pagpatak ng ulan sa akin ay ang pagpatak rin ng aking mga luha. I didn't care kung baha man o masira ang sapatos ko ngayon, ang mahalaga ay walang Lance sa tabi ko, walang Lance na magpapahiwatig sa akin sa mga katotohanan na isa lamang ako sa kanyang pagpipilian, na isa akong kabit, na pinipilit ang sariling balikan niya kahit wala naman nang kapag-a-pag asa.