Kabanata 10

29 2 0
                                    

Kabanata 10

Letter

May pasok kami ngayon at wala akong Zoe na nakita magdamag. Kahit August wala. Lance have work kaya hindi ko rin siya nakita. Text and call lang kami pag may pasok. Hectic na kasi ang sched niya because of his projects. He is civil engineer and he has his own company.

I tried to call Zoe simula palang pag pasok ko pero cannot be reach siya. Nang nakauwi ako at muli ko siyang tinawagan,  nag ring na iyon pero walang sumagot. Kaya nagbihis muna ako. Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, so I checked it. Zoe texted me!

"I'm sorry Tyra, I'm sick and dead bat ako."

I did not bother to reply. Tinawagan ko siya at sinagot naman niya 'yon.

"Hello?" Namamaos ang kanyang boses, halatang kakagising lang at may sakit.

"Anong nangyari sayo?" rinig ko ang ubo niya sa kabilang linya. I want to ask her kung anong oras na siya nakauwi kagabi pero di ko magawa.

"I'm sick nga. Ubo at sipon lang naman."sagot niya.

"Ah okay. Rest. Wala naman tayong assignments and we don't have classes tomorrow dahil Opening ng University week. I'll check on you tomorrow. Rest girl. I love you." Pinatay ko na ang tawag para makahiga na rin ako, hapon palang pero parang kailangan kong matulog. Pagod na pagod ako kagabi at ala una na yata ako inuwi ni Lance.

I closed my eyes at sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. I'm really tired dahil nagyaya pang kumain at gumala si Lance kagabi.

Bumuhos ang malakas na ulan na naging dahilan ng paglamig ng aking kwarto. May bagyo ngayon kaya ganito. Same weather nang dumating si Zoe dito sa bahay last month.

Malakas na ulan na may kasamang kulog at pag kidlat, gabi na at nakatanggap ako ng tawag galing kay Zoe, hinihintay ko siya ngayon sa harap ng gate namin dahil na stranded raw ang sasakyan nila sa highway na walking distance lang ang layo dito sa bahay.

Hindi ko na siya ma contact at ang last message niya ay papunta na raw siya dito. Halos 10pm na at wala pa siya kaya kinakabahan na ako. Bumabaha na rin kasi.

Isang anino ng isang babae ang naaninag ko. Si Zoe, walang dala ng payong at para nang basang sisiw. Pinagbuksan ko kaagad siya at inabutan ng towel. Pumasok kami at pinaligo ko siya. Mabuti nalang at may mga damit siya dito kaya walang problema.

Basa ang kanyang bag. Habang naliligo siya ay kinalkal ko iyon dahil baka may mga papers siyang nabasa. Habang kinakalkal ko ay may nakita akong isang envelope na hindi pa nabubuksan na nagpa estatwa sa akin.

February 14, To Lance.

Ang daming pumasok na mga tanong isip ko pero hindi ako nagpatinag. I opened it at unti unting umusbong ang galit sa loob ko dahil sa binabasa.

Lance,

Hi! Happy Valentines Day! Thank you Lance for loving my best friend wholeheartedly. Thank you for making her happy always. But then, this Valentine's Day, I want to say that I'm so sorry. I'm sorry because I think I'm in love with you too. Matagal na Lance, bago mo pa man makilala si Tyra. I know that this is too much but I did not wrote this to be a burden to you and Tyra. I just want you to know my feelings for you. Ayaw kong isipin mo na gusto ko na magkahiwalay kayo dahil sobrang nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong masaya. Naiinggit ako kapag parati kayong magkasama. Na habang binubuo mo siya ay durog na durog ako at hindi mo yun nakikita. I love Tyra so much at hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Lance, kung malaman mo man ang lahat nang ito, sana wag kang magbago. Wala akong gagawing kahit ano na ikasasama ng pagsasama niyo. Kikimkimin ko lahat. Hindi kita papipiliin dahil alam ko na simula palang ay talong talo na ako. Pero kahit si Tyra talaga ang para sayo, maghihintay pa rin ako hanggang sa mapagod ako.Mahal kita Lance at hindi ko alam kung paano yun nangyari. Alam ko na mahirap paghaluin ang kwento lang sa katotohanan pero Lance, sa kwento ko ikaw ang para sa akin at ako ang para sayo. Again, happy Valentine's Day!

Zoe.

Para akong nalalapnos sa bawat salitang nakasulat sa papel na medyo basa na rin, gusto kong punitin ito at ipakita kay Zoe. Hindi galit kundi poot ang nararamdaman ko sakanya. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aming cr kaya mabilis kong binalik ang letter niya sa sobre at nilagay muli ito sakanyang bag.

Huminga ako ng malalim pagdating niya at alam ko na hindi niya nakita ang ginawa ko. Para akong bombang konti nalang ay sasabog na pero hindi ko yun pinakita at pinaramdam sakanya hanggang sa tumila na ang ulan at makauwi siya.

Kinabukasan no'n ay gumawa ako ng desisyon na hindi dapat gawin dahil wala namang alam si Lance sa mga nangyayari. I broke up with him at sa chat ko iyon sinabi. Seen lang ang iginawad niya sa akin nung mga oras na yun. I deleted everything basta connected sakanya. I blocked him pati ang number niya para wala na siyang contacts sa akin.

Sobrang sakit na namamanhid na ako habang dumadaan ang mga araw at iniisip ko na break na kami ni Lance. Hindi rin siya nagpapakita sa akin dahil yun ang sinabi ko sakanya. Parati akong lutang noon at wala akong nagiging produktibong araw nang mangyari yun.

May mga pagkakataon pa nga na parang ayaw ko nang pumasok. Gulantang si Zoe sa ginawa ko dahil wala rin siyang idea sa mga nangyayari. Para sakanya naman ang ginawa ko kaya naiinis ako sakanya kapag paulit ulit ang tanong niya sa akin about sa break up namin ni Lance.

Ginawa ko ang lahat ng iyon pero binawi ko rin. Napatunayan ko na tama na sa isang relasyon hindi pwedeng isang tao lang ang nag dedesisyon dahil mali iyon.

Lance Ruzzell Tuazon is the man behind my poems at hindi ko yata siya kayang bitawan. Kahit pa para sa kapakanan ng aking pinakamamahal na kaibigan.

Subalit kahit ganun ang mindset ko, iba ang desisyon ko. Uunti untiin ko ang pagpapaalam kay Lance kahit na sa paraang iyon ay uunti untiin ko ring uubusin ang sarili ko.

Hinila rin ako ng antok pagkatapos ng malalim kong pagiisip.

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon