Kabanata 8
Yes
Nagsimula kaming maging magkaibigan ni Lance last four years. Senior High kami no'n but we're not classmates, magkaiba kasi kami ng track na kinuha at magkaiba din ang grade naming dalawa. I took ABM- Accountancy and Business Management, Grade 11 while he took STEM- Science Technology Engineering and Mathematics, Grade 12.
Kasagsagan noon ng campaign for the next Student leaders ng aming school at ang tumatakbong Presidente ay ang aking kaibigan na si Kim, we are childhood friends and because of him I met Lance who is one of them, candidate naman siya sa pag pagka Vice President.
At first, nasabi ko ka agad na he is very kind and trustworthy. Sa kanyang tindig at awra na sumisigaw ng awtoridad, masasabi ko na mayroon siyang paninindigan. Seryoso siya kapag seryoso at palabiro naman siya kapag biruan, very balance and mature ang kanyang personality. Nasubaybayan ko iyon dahil isa ako at si Zoe sa mga campaign manager nila.
"Hi I'm Lance Ruzzell Tuazon." sabay abot sa akin ng kanyang kanang kamay.
"Oh, hi, Tyra." sagot ko habang tinatanggap iyon. Mabilis ko ding binawi dahil sa elektrisidad na aking naramdaman. And awkward rin kasi dahil lahat ng candidate ay nakatingin sa aming dalawa. May mga kinikilig dahil bagay daw kami at may mga naiinis dahil kanila lang daw si Lance.
After that day, naging magkaibigan na kami, nag chat, nag text at nag call na rin, pero hindi naman puro bagay tungkol sa pag ibig ang pinag uusapan namin. Minsan magtatanong siya about kay Kim pero mas madalas nagtatanong siya tungkol sa campaign.
Kahit na nakakaramdam ako ng ibang bagay tungkol sa kanya, dahil sa mga kinikilos niya at sinasabi niyang magaganda tungkol sa akin, ay hindi ako nag assume kahit isang beses. Masama daw kasi 'yon sabi ni Zoe.
Hindi siya mahirap mahalin dahil napaka traditional niyang tao. Babae ako and I am emotionally being at na-appreciate ko ang pag dadahan dahan niya. One time nga nang nagkakamabutihan na kami, pumunta pa siya sa bahay to ask Ate Mara's permission sa date naming dalawa at sa panliligaw niya. Hiyang hiya ako no'n dahil ang aga aga niyang dumating sa bahay kahit pa ang usapan namin ay after lunch, kaya ayun, tulog pa ako nang magpaalam siya.
Ayaw niya kasi nang nagtatago sa mga tao sa paligid namin. Ayaw niya na kapag may makakakita sa aming dalawa ay lalayo ako sakanya.He even wants to go to my mom and dad's grave para pormal na makapag paalam ng kaniyang panliligaw.
Naging parte na siya ng mga araw ko, sila ni Zoe. He loves to surprise me every time. Ayaw niyang umiiyak ako at nakasimangot. Nakakatuwa kasi habang tumatagal, hindi siya nagsasawang gawin iyon ng paulit ulit kahit pa hindi ko siya binigyan ng assurance na magiging kami.
"Tomorrow is his 19th birthday Tyra! And you don't know? My gosh ka!" Sinisigawan ako ni Zoe sa telepono dahil hindi ko alam na birthday na pala ni Lance.
First year college na siya at Grade 12 na ako. I promised to myself na siya naman ang isususrprise ko pag dating ng birthday niya dahil kahit na nasa ibang university na siya, ay hindi pa rin niya ako tinigilang suyuin at isurprise. Kaya naman agad agad ay pinapunta ko si Zoe sa bahay para gumawa kami ng banner na ginawa naming black cartolina na may nakasulat na malaking puting YES sa gitna. Yes, I want to be his girlfriend at gagawin ko iyon sa harap ng school nila, Kahit na sobrang mahihiya ako, it's very fine. Kaya namin to ni Zoe! Gumawa rin kami ng letters for him at bumili rin ako ng cake and tshirt.
Kinabukasan, kasama ko si Zoe dito sa bahay, inaayusan niya ako dahil daw baka may mag video sa amin at sayang naman daw, baka ma discover pa ako. Kung ano ano ang iniisip niya habang ako ay kabadong kabado na. Naiisip ko palang yung gagawin ko mamaya ay gusto ko ng magtago sa likod ni Zoe at umiyak nalang.
"Kaya mo yan! Sasamahan naman kita e, halika kana! Malapit na daw lumabas si Lance!" Nagdala siya ng sasakayan niya para raw hindi hectic. Salit salit ang tingin niya sa akin at sa kanyang cellphone. Alam niya ang lahat ng mangyayari ngayon dahil may boyfriend daw siya na kaklase ni Lance. Hays.
Alas tres na at sinimulan na naming maglakad papunta sa harapan ng gate ng sikat na Unibersidad dito sa Makati. Puro green ang kulay nito at matatayog ang mga buildings. Dito ko rin gustong mag college pero mahal. Kaya pipilitin kong makakuha ng scholarship.
Pinatalikod ako ni Zoe sa gate at Pinahawak na niya sa akin ang banner. Dumami ang tao dahil nagsimula nang maglabasan at eto ako't konti nalang ay maiihi na dahil sa kabang nararamdaman. It's my first time! God, please guide me. Naiiyak na ako.
Pinalibutan kami ng mga estudyante dahil nasa gitna kami they even open their phones and cams para makuhaan kami ng pictures at video. Ngiting ngiti si Zoe samantalang ako ay hinayang hiya na dito. Tilian at sigawan ang narinig ko nang sumigaw si Zoe na nandiyan na daw si Lance kasama ang kanyang mga kaibigan. She hold the cake at sinindihan iyon habang ako ay unti unting humarap sa lalaking sinisigaw ng puso ko.
Nanlalaking mga mata at pulang pulang pisngi ang sinalubong niya sa akin habang nakangiting binabasa ang nasa banner na hawak ko. Ilang hakbang lang ang ginawa niya at nakarating na siya akin.Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Happy birthday." Sambit ko habang nakakulong ako sa kanyang dibdib. Nahulog ko na ang banner at parang wala na akong iba pang nararamdaman, naririnig at nakikita kundi si Lance lang. Hindi ko mapigilang lumuha dahil sa sayang nararamdaman.
Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko. He caressed my chicks at tinitigan niya ako ng tagos-tagusan sa kaluluwa ko sabay sabing..
"I love you Tyra." Hindi na ako nakasagot dahil inangkin na niya ang mga labi ko. It's my first time and shit, it tastes so good, kahit pa hindi ako makagalaw dahil hindi ako marunong. My gosh. Tumigil siya at niyakap akong muli. Saka palang ako nagising sa katotohanan na maraming nakakakita sa amin ng magkantahan ang lahat ng happy birthday song. Habang binibigay ni Zoe ang cake kay Lance, napansin ko na umiiyak na rin ang best friend ko.
Hinipan niya iyon at muling binalik kay Zoe at nagpa salamat. Binulungan niya rin si Zoe ng kung ano pagkatapos ay nilingon niya ako at pinagsiklop ang aming mga kamay bago tinalikuran ang lahat para makasakay na sa kanyang sasakyan. Nag paalam rin ako kay Zoe na winawagayway ang kanyang cellphone.
Dumaan ang taon at lalong lumalalim ang pag ibig ko sakanya, I passed the scholarship exam sa
school na pinapasukan niya kaya naman tuwang tuwa na naman siya. I'm loving him with all my heart and soul dahil yun ang deserve niyang matanggap. Naging maayos ang lahat, nag viral rin ang video ng pag surprise ko sakanya.Sa tuwing nagkikita kami, naka brush up madalas ang kanyan itim na buhok, na kung minsan ay bagsak na bagsak na kagaya ng kay August, with his round shaped brown eyes, na kung minsan at sinusuotan niya ng salamin kapag nag babasa siya o gumagawa ng paperworks. Yung mga mata niya na nakaka intimidate pero nakaka in love din, his normal red lips na kitang kita because of his white skin and of course, his height and almost perfect body, na ang sarap sarap tatakan na akin itong pag aari.
Legal kami sa lahat and I'm happy with that. We kiss, we hold hands, hanggang dun lang. Kapag magkakalayo kami, dahil sa mga activities, ayos lang yun sa kanya, kahit pa alam kong ang pagkalayo ko sakanya ang pinakaayaw niya.