Kabanata 5
Hell no
Kinabukasan, pang umaga lamang ang klase namin kayat nagpapasalamat ako dahil hindi ko na-encounter si August. Nag paalam rin ako kay Zoe na uuwi na ako ka agad dahil kakabisaduhin ko pa ang tulang bibigkasin ko para bukas ng gabi.
In-invite kasi ako ni Jude, isang event manager sa isang sikat na production, na mag perform sa isang spoken poetry event pumayag agad ako kasi wala naman kaming pasok bukas at ang dami na ring nagrerequest sa akin. Naging pabor din ako dahil may pinag iipunan ako para kay Baby Arvin, anak ni Ate Mara.
Inubos ko ang oras ko sa pagkakabisa at pag aayos ng aking tula na pinamagatan kong 'Patawad.' Alas diyes na ako natapos at ramdam ko na tuyot na ang utak ko kaya natulog na agad ako.
Malakas na ringtone ng aking cellphone ang nagpagising sa akin alas dos ng madaling araw. Hindi ko inalarm ang phone ko ng ganito kaaga and I'm not expecting any calls kahit na kay Zoe. Bumangon ako para kunin ang cellphone ko sa isang table na katabi ng aking kama. Habang nakapikit ang isa kong mata at nakadilat naman ang isa, kinuha ko ito pero bigla itong tumigil kaya in-unlock ko ito at nagulat ako sa 6 missed calls at 8 text messages na galing sa unregistered number. Bago ko pa man mabuksan ang messages ay nag ring muli ito kaya agad kong sinagot.
"Tyra.." gulantang at halos mapamura ako nang marinig ko ang boses niya, its been two weeks nang makausap ko siya and its been to weeks since I broke up with him. Hindi ako nagsalita, tahimik lamang sa kabilang linya at tanging mabibigat na hininga lamang niya ang aking naririnig.
"Tyra.. please answer me, baby please.. " napapikit ako sa sakit na kusang bumalot sa buo kong pagkatao at napaluha ako sa takot na unti unting kumakalat sa aking wisyo. Tahimik akong humikbi habang takip takip ko ang aking bibig. Ayaw nang tumigil ng mga luha ko sa pag agos nito sa aking pisngi.
"Baby are you there?.. please say anything.. I want, I want to hear you. just say anything..please.." halos marinig ko ang frustration niya dahil sa hindi ko pagsagot. Hindi ako matigil sa pag iyak kaya hindi ako makapag salita, pero nilunok ko ang bukol na nakaharang sa lalamunan ko para makausap siya pero bago ko pa yun nagawa..
"I'm here outside your house, answer me, you're making me fucking worried! Baby please.." pinunasan ko ng mabilis ang aking mga luha kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso. Gosh! nasa labas siya! Parang kabayong nangangarera na ang puso ko dahil sa kaba. Huminga ako ng malalim saka nagsalita.
"Bakit ka nandiyan?" Diretso ang pagkakasabi ko pero hindi ko na kaya pang ibuka ang bibig ko dahil baka manginig ang boses ko.
"Fuck. Akala ko hindi kana sasagot.. "malumanay ang pagkakasabi niya non kasabay ng mga mahihinang mura.
"Tyra I'm here because I'm missing you big time! Please let's talk.. please let's not end like this.. please..baby I love you, I really do.." rinig na rinig ko ang pagka desperado niya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil wala akong mahanap na tamang salita para sagutin siya.
Kasabay nang paghahanap ko ng mga tamang salita ang muling pagtulo ng aking mga luha, hinayaan ko 'yon na bumagsak muli pero hindi ko na maaari pang hayaan ang puso ko na mahulog pang muli sakanya.
"Lance, I thought we talked about this.. kailangan kong lumayo sayo dahil yun ang tama. We're done and that's it.. I need time--"
"Fuck that time! Oo kailangan mong lumayo pero hindi mo sinabi kung bakit. Hindi mo man lang sinabi sa akin kung bakit.. I'm very willing to give you every goddamn time in this world but I'm not willing to let you go, like never!" Pinutol niya ako para sabihin ang mga katangang iyan na lalong nagpahikbi sa akin ng husto.
"Lan-lance ple-please.. le-let me go.." parang sinasaksak na ang puso ko dahil sa mga naririnig at mga sinasabi ko.
"Hell no! You want me to let you go, pero umiiyak ka ngayon? You want me let you go, pero bakit hindi mo yan masabi sa harap ko! Habang nakatingin ka sa mga mata ko! Parati mo yang sinasabi sa akin pero sa call at sa chat! Paano kita iiwan kung hindi ko alam kung totoo ba yang sinasabi mo! Kung hindi ka ba nasasaktan habang sinasabi sa akin yan! Paano kita iiwan kung.. kung hindi ko alam ang dahilan mo! Pero kahit malaman ko, hindi pa rin kita iiwan!" nanginginig na ako sa sakit na nararamdaman ko dulot na rin ng walang tigil na pag iyak ko.
Naginginig kong pinatay ang tawag niya pagkatapos ay pinatay ko ang cellphone ko. Nakapikit ako habang iniisip si Lance na alam kong galit na galit sa akin ngayon.
Halos hindi ako mapalagay at parang dilat na dilat ako, kahit na sinasabi sa orasan ng aking kwarto na mag aalas singko na ng umaga. Mag aalaskwarto kanina ay narining ko ang pamilyar na engine ng sasakyan ni Lance palayo sa aming bahay. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Hindi ko maitatanggi na sobrang na miss ko na rin siya at totoo, mahal ko pa din siya kaya naman ginagawa ko ang lahat ng paraan para magalit siya sa akin, para kamuhian niya ako,kahit pa ang mga paraang yon ang unti unting uubos at papatay sa akin.
Tama lang yan Tyra, hayaan mo siyang magalit sayo.. hanggang sa isuka ka na niya, hanggang sa mapagod na siya na mahalin ka pa. Hanggang sa maisip niya na hindi talaga kayo pwede sa isa't isa. Tandaan mo nalang na hindi kayo magtatapos sa tamang dahilan, dahil nagsimula kayo sa maling paraan.
Fuck. Lance, bakit kasi parang wala kang kapaguran?
Bakit din kasi ang hirap manakit lalo na ng taong mahal na mahal ka.