Kabanata 6
Both of you
Mag a-alas dos na ako ng tanghali nagising kinabukasan at hindi ko na maalala kung anong oras na ako nakatulog. Ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng aking mata. We don't have class today pero mamayang alas syete ng gabi na ang spoken poetry event and I don't know kung sisipot pa ba ako dahil sa itsura ko ngayon.
After kong kumain ng miryenda at maligo, I checked my face again at hindi pa rin humuhupa ang pamamaga ng aking mga mata kaya nag decide ako na mag search ng mga paraan para matanggal iyon. Ginaya ko ang mga procedures at hindi naman ako nabigo, kahit papaano naman ay lumiit ang pamamaga nito. Nagpapahinga ako nang dumating ang isang mensahe galing kay Jude.
"Hi Tyra! 8:00 pm ang start ng event, lumipat rin pala kami ng venue, sorry late ko na nainform sayo ha? Dumami kasi ang nag request pa ng tix nung malaman nila na isa ka sa mga magpeperform. Girl! yayaman ako dahil sayo! Hahaha."
Natawa ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. Hindi pa man ako nakapag reply ay may sumunod ka agad na text galing sakanya na nagsasabing sa isang wide space raw ng bagong tayong mall sa Makati ang new venue at pagkatapos raw ng mga pagbigkas ay isang rave ang magaganap.
" See you Jude. Thanks for inviting me again." yan lamang ang naisagot ko dahil nakalimutan ko na wala pa pala akong isusuot.
Naging abala ako sa pamimili, siguro ay inabot na ako ng isang oras kakapili hanggang sa mapag desisyunan ko na mag suot ng isang white fitted sleeveless cropped top partnered with black highways pants at vans na tamang tama lang dahil gusto ko, na mag rave tutal iyon naman ang parang after-party ng event. Pero syempre nagdala rin ako ng jacket para maging komportable naman ako at ayoko rin naman na bigyan ng motibo ang mga tao para bastusin ako.
Nilugay ko ang aking mahabang buhok at sinimulan itong kulutin sa bandang dulo. Nang matapos ako ay mukha ko naman ang pinagdiskitahan ko. Pero bago ko pa man madampian ng lipstick ang labi ko ay nagring ang aking phone.
Halos umabot sa talahip ang puso ko sa kaba dahil sa pag aakalang si Lance iyon pero si Zoe pala. Agad ko itong kinuha at sinagot.
"Yes?" tanong ko ka agad.
"Nasa labas na ako, nagpahatid ako kay August." rinig na rinig ko ang halakhak niya habang ako ay nanlalaki ang mga mata.
"Don't worry wala na siya." Halos mabunutan ako ng tinik nang sabihin niya iyon. Nagtaka siguro siya dahil hindi ako sumagot.
" Pero bes, a familiar car is here, naka park dito sa harap ng bahay niyo. Tinted masyado e kaya hindi ko makita kung may tao, di ko alam kung kanino. Bumili na ba sila Ate Mara ng sasakyan?" Napanganga ako sa narinig ko. Oh.my.gosh. Pinatay ko ka agad ang tawag ni Zoe at kinuha ko ng mabilisan ang lahat ng kailangan kong dalhin.
Gosh! Lance is here? Kanina pa ba siya dumating? Wala naman kaming usapan ah.
Dali dali akong bumaba. I bite my lower lips para magkakulay iyon pati na rin sa upper part ay ganon ang ginawa ko. I open our gate at si Zoe at Lance na kabababa lamang galing sa kanyang sasakyan ang tumambad sa akin. Si Zoe na gulantang sa mga pangyayari at si Lance na may bitbit na tatlong red roses at isang box na alam kong naglalaman ng maraming chocolate.
Pasalit salit ang tingin ko sa kanilang dalawa at tinigil rin ka agad dahil naninikip ang dibdib ko sa scenario na silang dalawa lang nakikita ko. Ginalaw ko ang ulo ko para mawala ang mga iniisip ko. Tinignan ko ngayon si Zoe na nagtataka ang mga mata sa nakikita. Nagulat siya nang marinig niya ang kanyang ring tone at napatingin sa kanyang cellphone sabay turo nito sa akin bago kami tinalikuran ni Lance na titig na titig naman ngayon sa akin.
"Bakit ka nandito?" Kalmado pero may halong galit ang pinarinig ko sakanya na boses ko. Hindi ako makatingin sakanya kaya naman inabot niya ang baba ko at iniharap ako sakanya.
"Jude told me na may event ka ngayon at gusto kitang ihatid doon." Halos malusaw ako sa kanyang mga mata na parang ako lang ang nakikita ngayon.
"I don't need you to fetch me." Umiling iling pa ako para maiwasan ko ang mga mata niyang sumisigaw ng kanyang nararamdam, galit at nasasaktan.
"I know.." napayuko siya subalit muling ibinalik sa akin ang kanyang mga mata. Pulang pula na ang kanyang tainga dahil nagpipigil siyang mataasan ako ng boses. Fuck. Lance, kilalang kilala na kita.
"But please.. just this time, pagbigayan mo ako.." gosh, gusto ko ng umiyak. Gustong gusto ko na pero hindi niya yon pwedeng makita.
"Ano pa bang kailangan mo sa akin?" Sobrang lamig na nang pagkakasabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya. Nilingon ko siya gamit ang naiiritang mata at sinalubong iyon ng namumula mula na niyang mga mata.
"Lahat.. lahat kailangan ko.. bakit, bakit mo ba ako ginaganito?" para akong yelo na biglang natunaw sa kanyang harapan nang makita ko ang mala kristal na nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata.
Magpakatatag ka Tyra! yan ang sinasabi ko sa isip ko pero iba na ang inihahayag ng puso ko. Ngayon lang naman diba? Last na to Tyra. Hindi ka ba naaawa sa kanya?
Fuck.
Huminga ako ng malalim at tinitigan siya. Halos hanggang baba niya lang ako kaya medyo naka tingala ako sakanya.
"Fine." Mabilis at mahigpit na yakap niya ang naramdaman ko. Napaluha ako dahil naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya sa balikat ko.
"Baby.. I'm so happy.. thank you. Thank you so much.." sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ramdam ko na ganoon rin ang kanya. Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin na naging pagkakataon ko para punasan ang mga luha kong para nanamang waterfalls. Pero hindi ko nagawa dahil siya na mismo ang nagpunas nito gamit ang kanyang kaliwang kamay. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang pinunasan ko rin ang lumandas niyang luha.
Mahal na mahal pa rin kita Lance, I'm so sorry for pushing you away. I'm sorry baby but she loves you. She loves you so much and I love the both of you that's why I'm letting you the both of you to be happy with each other, even if the meaning of that is my death.
Malalambot na labi niya ang dumampi sa aking noo, sa aking ilong at sa aking mga labi. I didn't kiss him back kahit pa sobrang miss na miss ko na ang mga labi niya. Inulit niya muli ang paghalik sa akin, maiinit iyon at may halong mananabik. Hindi ko na mapigilan kaya't sinuklian ko iyon ng kagaya sa kanya. Huminto kami para huminga habang nakapakit pa rin ang aming mga mata.Pinagdikit niya ang aming mga noo sabay sabing..
"Happy third anniversary baby.. I love you so much, please stop pushing me away because it will not work, never." Sabay abot sa akin ng dala dala niyang rosas at box full of chocolates. Pagkatapos non ay niyakap niya akong muli. Napa dilat ako at napatulala dahil sa aking narinig. Shit.
Today is September 6, ang pinaka espesyal na araw sa aming dalawa lalo na sakanya. Three years ago, ito ang petsang pinili kong sambitin sakanya ang matamis kong oo dahil iyon ang nais kong regalo sa araw ng kanyang kaarawan.
Birthday din ni Lance ngayon! How could I forgot that? Halos ipagtabuyan ko siya sa araw ng anniversary namin at sa araw ng birthday niya?
Parang gumuguho ang puso ko sa sobrang guilty. Hindi man lang siya nagalit na nakalimutan ko ang mga ganap sa araw na ito. Hindi man lang niya ako sinumbatan o ginawan ng ikasasakit ko. I'm so selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko. Nabulag ako sa mga prinsipyo ko at hindi ko nakitang nasasaktan ko na pala ang buhay ko. Si Lance, siya ang buhay ko.
Kahit pa mahal siya ng kaibigan ko, hindi ko alam pero gusto ko siyang ipagdamot. Gustong gusto ko siyang ipagdamot kay Zoe. Kakausapin ko siya, alam ko naman na maiintindihan niya ako. Pero paano kung hindi? Should I give her what she want? Should I give her my Lance?