[29] Expired

1.3K 36 3
                                    

Chapter XXIX

Expired

Done with the hell week! Hell yeah! Tapos na ang Finals! Tapos na ang first sem! I survived! Ako na ang masaya. HAHA!

Final Grade Distribution namin bukas. Kaya medyo kinakabahan kaming lahat. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at kanina pang pagulong-gulong sa kama. Wala lang, trip ko lang. Hahaha.

"Yvaughn! Open the door, please!" May sumisigaw sa labas na balak pa atang sirain ang pintuan ng kwarto ko. Wagas makakatok eh.

Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" Si Reca na tuloy-tuloy pumasok sa kwarto ko at atungal-baka na.

"Nag-away kami ng kuya mo! Kase naman 'yang Kuya mo! Taksil!" Si Kuya? Taksil?

"Bakit?! Paano?!" Sa pagkakakilala ko kay Kuya, never niya pang nagagawa 'yun sa naging karelasyon niya dati. Flings, oo. Pero pag ganitong serious, hindi.

"Kase naman! Kinig ko siya kanina sa phone! May katawagan. Tapos ang sabi pa 'BABY GIRL'. Nakakainis 'yung kuya mo! Magsama sila ng baby girl niya! Letse siya! First heartache ko 'to. Huhuhu." What? Baby girl? HAHAHAHAHAHAHA!

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Napaupo ako sa kama ko at nagpagilong-gilong dahil sa kakatawa.

"What's funny?! Ako na nga ang nasaktan! Tapos tatawanan mo lang ako?! You're so annoying! Huhuhuhu."

"HAHAHAHAHAHAHA! Kilala ko yung 'baby girl' ni Kuya. Nakita ko na siya eh." At nanlaki naman ang mga mata ni Reca. HAHAHA.

"Talaga?" Napatigil siya sa pag-iyak.

"Oo. Ang ganda kaya niya. Nasa kanya na ang lahat. Kaya mahal na mahal 'yun ni Kuya eh. Mas mahal pa nga yun ni Kuya kesa sayo!" Nagkekwento ako na para bang storyteller at dalang-dala naman ang aking listener. HAHAHA. Napaatungal-baka na naman tuloy.

"Nakakainis ka naman eh!" Hinampas hampas niya ako samantalang ako nama'y utas na kakatawa.

"Baby girl! May sasabihin ako sa---- Oh Reca, nandyan ka pala?" Bigla namang dumating si Kuya. Tsk. Wrong timing. Feel na feel ko pa naman ang pang-aasar. Hahaha.

"What?! Baby girl?!" Sabay naman kaming nagkatinginan ni Kuya kay Reca.

"I'm Kuya's baby girl. HAHAHAHAHA." I revealed the secret. HAHAHA. Nakisama naman sakin si Kuya sa pagtawa.

"UWAAAAAAH Yvaughn! Nakakainis ka! Huhuhuhu!" At sinugod naman ako ni Reca at pinagsasakal ako.

"Hey! Hey! Tama na 'yan!" Awat naman samin ni Kuya. Wala akong ginawa kundi ang tumawa nang tumawa.

Hingal na hingal kaming tatlo at sabay-sabay kaming bumagsak sa kama.

"Oh ano? Kilala mo na ang baby girl ko?" Tanong ni Kuya kay Reca

"Nakakainis ka! Akala ko naman kase kung sino! Si Yvaughn lang pala! Nakakainis!" Pinaghahampas naman nito si Kuya

"Oyy! Children abuse ka na! Sinasaktan mo kami ni Yvaughn!" Loko naman ni Kuya sa kanya

"Tsk. Mapahiya ka naman sa sarili mo! Ang tanda tanda mo na!" At nagpatuloy sa pag-aasaran ang dalawa. Nakakatuwa talaga sila Kuya. Team TrEca forever talaga ako. Haha. Hart hart. Lol!

"Girls. May sasabihin ako sa inyo." Bigla naman kaming umayos ng upo ni Reca

"Malapit na akong umalis." Bigla namang nagumpisang magngangalngal si Reca.

"Ang OA naman ng girlfriend ko. Wala pa babe!"

"Ayiiiiee! Pucha Kuya kinikilig ako sa inyo! K. Continue." Singit ko naman. HAHA.

"Bumaba na kayo kasi may paDespedida ako."

"HA?! Agad-agad?" Tanong ko kay Kuya sabay abot ng tissue kay Reca. "Tsk. Uhugin talaga forevs."

"Whatever sis!" Sabi niya sakin sabay irap. Haha!

"Oo. Nasa baba na ang mga bisita."

Kapag umaalis si Kuya, hindi niya sinasabi ang exact date nang pag-alis niya. Ayaw niya daw kasi kaming nakikitang umiiyak at vice versa, baka daw kasi magdalawang-isip pa siyang umalis ng bansa.

"Nga pala. May theme ang party ko. Floral." Bigla akong napanganga sa sinabi ni Kuya.

"What?! Floral?!"

"Oo. Request ng isang bata." At bigla namang napaubo si Reca. Alam na. Kaya pala nakabulaklakan sila. =_____=

"Okay. Tsupi na kayo sa kwarto ko. Magbibihis na ako. Choo-choo!"

Pagkalabas nila Kuya sa kwarto ko ay bigla ko agad binuksan ang aking walk-in closet. Kinuha ko ang aking kaisa-isang pink floral dress pati na ang aking flower crown. Hinanda ko naman ang aking flat shoes. Pagkasuot ko ay bigla na akong bumaba ng hagdan.

Nagtinginan ang lahat sakin. Pati ako'y napatingin din sa mga bisita. Hindi ko ineexpect ang mga dadating. Family and relatives pati na rin siyempre ang mga friends ni Kuya. Napakabilis talaga nitong Kuya ko. Mukhang matagal na niya 'tong napaghandaan.

Sumalubong agad sakin ang mga uto-uto ni Kuya. Woah. Ngayon ko lang ulit sila nakita.

"Long time no see, Yvaughn!" Sabay-sabay nilang sinabi sakin na halata mong napagpraktisan na. HAHA!

"Oo nga eh. Haha! Kamusta na kayo?" Tanong ko naman sa kanila

"Ayos naman. We're handsome and hot pa din. Nothing changed." Sagot sakin ni Dominic.

"Nothing changed talaga. Ang yabang mo pa din hanggang ngayon. Hahaha. Just kidding." Si Dominic talaga. Sabay-sabay naman silang nagtawanan.

Napansin 'kong may kulang. Sila Jerry, Elijah, Adrian, Drew at Dominic lang ang nandito. Nasaan kaya 'yung isa?

"Hey dude!" Sigaw nilang lahat sa bagong dating. Napalingon naman ako sa likod ko dahil nakaharap ako sa kanila.

"Sorry I'm late." Napakamot naman ng ulo ang bagong dating. Ngayon ko lang narealize na may itsura pala siya. Tulad nga ng sabi ko dati, maputi, matangkad at gwapo ang mga uto-uto ni Kuya. Sa hairstyle at attitude lang talaga mga nagkakaiba.

Napansin 'kong napansin niya ako. Nakakatunaw ang mga titig niya. The way he was looking at me sent awful shivers down my spine.

Tumalikod ako. Pakiramdam ko, palapit na siya nang palapit sa akin. Hanggang makaramdam ako ng may bumulong sakin. "Mukha 'kang diwata." He said in a deep husky voice at tuluyang umalis.

Nagmukha na naman tuloy akong acid na inilagay sa litmus paper. >.<

After five seconds, saka ako bumalik sa normal. Bumaba ang mga balahibo ko at namutla na ako. HAHAHA. Lumayo muna ako sa kanila, hinayaan ko muna silang mag-usap-usap nila Kuya.

Nagpunta naman ako sa rooftop ng bahay namin. Sabi na nga ba eh, nandito yung taong 'yun.

"GELOO!" Sigaw ko sabay takbo para yakapin siya.

"Yvaughn! Miss na miss na kita! Isang buwan din tayong 'di nagkita!"

"Oo nga bestfriend. Buti naman nakapunta ka!" Sabay kalas ko sa kanya.

"Siyempre naman, sembreak na eh. At saka, dito na ulit ako sa atin."

"Talaga?!"

"Oo. Pero baka lumuwas din ako minsan sa Maynila. Naiwan kasi dun si MJ eh."

"Ahh. Bakit 'di mo siya sinama?"

"May ginagawa siya eh. Sayang nga daw di siya makakapunta, next time na lang daw."

"Ahh. Osige. I'm looking forward na makasama siya."

"Namiss kita, Yvaughn." Sabi niya sakin wearing a meaningful smile.

Patuloy lang kaming nagkwentuhan at nagkamustahan ni Gelo. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit normal na ngayon ang pakikitungo ko sa kanya. Yung tipong 'di tulad dati. Wala nang nagwawalang mga paru-paro sa tiyan ko. Wala ng kabayong paang hinahagad sa puso ko. Maraming nawala. Maraming pagbabagong TULUYAN NANG NAWALA.

Di kaya... hindi na ako inlove sa kanya? Naeexpired din ba ang feelings para sa isang tao? Nasusunod ko na ba yung legasiya ko?

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon