[1] Sila Na

3.6K 75 2
                                    

Chapter I

Sila Na

"Best! Ganito ang plano, sa hallway mo na lang siya tanungin."

"Okay bestfriend. Sure ka ha? Effective 'yan?"

"Oo naman! Ako pa? Ay wait! Bibili lang ako ng ballpen." Sabi ko sabay tatakbo sa tindahan ni Aling Lina.

Naglalakad kami ngayon papuntang school. Special ang araw na ito para sa bestfriend ko, pero para sakin, hindi. Sa totoo lang, ayokong pumunta ngayon ng school. Nawawalan ako ng gana. Pero hindi naman pwedeng hindi ako pumunta, ako pa yung organizer nung gagawin niya mamaya.

"Will you be my girl?"

"YES!"

OMAYGOLLY BROCCOLI!

Nagtatakbo ako papuntang CR. Sabay suntok sa pintuan ng cubicle. Hindi maaari! Sila na! Yung bestfriend ko at yung mahal niya na.

Hindi naman ako ulaga para hindi yun makita lalo na't ako ang nagorganize nung pakulong 'yun. Ganito pala kasakit. Akala ko hanggang bestfriend lang yung tingin ko sa kanya. Ngayon ko lang naconfirmed, na mahal ko na pala siya. Ang ulaga mo Yvaughn, isa ka na sa mga ulagang taong nakilala ko.

"OMG. Ang sweet naman ni Gelo. Buti naman at sinagot na siya ni KC!"

"Ay nako, truelalu!"

"E paano naman si Yvaughn? Paano na ngayon wala na siyang masasamahan?!"

Gracious goodness! Gustong-gusto ko nang lumabas ng cubicle pero pinipilit ko pading magtimpi. Pwede naman akong sumama sa iba, di ba?

"Hay. Hayaan na lang natin siya, kaya na niya ang sarili niya."

At nagtuluyan ng umalis ang mga babaitang mukhang hito. Buti naman. Akala ko mapapasabak na ako ng World War III dito.

Ngayon lang nagsink-in sa utak ko lahat. Tama sila. Sino na ang kasama ko lagi? Sino na ang maghahatid sakin? Sino na ang kasabay ko lagi sa pagkain? Sino na ang kasabay ko lagi sa pagpasok at pag-uwi? SINO?!

Hindi ko alam na last na pala yung sabay naming pagpunta ng school kanina. Haist.

Madami ng maiiba ngayon sa buhay ko. Alangan namang para akong engot na buntot ng buntot sa kanilang dalawa. Hindi ako CHAPERONE ng magsyota. Mas pipiliin ko pang mag-isa kesa naman sumama sa taong mahal ko pero kasama naman niya ang mahal niya.

"Oh Yvaughn! Ba't nawala ka?" Si Gelo. Ubod langit ang ngiti.

"Sumama lang bigla ang pakiramdam ko. Btw, congrats! Mission accomplished na tayo!" Sabi ko habang nadudurog nang paunti-unti ang puso ko.

"SALAMAT NG MADAMI YVAUGHN! ILABYU TALAGA BESTFRIEND! KAYA KITA LABS NA LABS E!" Ang saya ko na sana kaso may BEST FRIEND na kasama.

"Walang problema BF! Ayos lang yun! Paano yan? Lilibre mo ko sa Shakeys' ha!" Yes, BF. Yun ang tawag ko sa kanya tas GF naman sakin. Ang galing ko. Nagagawa ko pa ding magbiro kahit unti-unti nang nadudurog ang puso ko.

"Oh sure! Papakyawin ko lahat ng mojos para sayo GF! Paano yan, tara na?"

"Tara!" Sabay hawak ng kamay niya kay KC.

Kakapanibago. Ang awkward. Valentines' Day ngayon. Hindi ko ineexpect na magtuturn-out sa ganito lahat ng pangyayari. Ineexpect ko na uuwing luhaan na naman si Gelo dahil hindi siya sasagutin ni KC tas kami lang ang kakain sa Shakeys' na iaassume ko naman na date namin ni Gelo. Pero hindi. Kabaligtaran lahat ng inaasahan ko. Totoo nga yung sinasabi nilang 'Expect the unexpected'.

Nandito kami ngayon sa Shakeys'. Bale:

Ako----Gelo

Table

Mumu---KC

Yes. Mumu. Wala kasi akong katapat eh. Haha. Umorder na si Gelo para samin ni KC. Actually, hiyang-hiya nga ako kay KC kasi tingin ko ako ang mukhang sampit dito sa first valentines' date nila. Pero, ayos lang daw sa kanya. Wala naman akong problema kay KC e. Mabait siya, maganda, maputi, matangkad, parang model lang. Every man's ideal girl kumbaga.

"Ahm, girls, CR lang ako ha?" Pagpapaalam samin ni Gelo.

"Okay." Sabay sabi namin ni KC. Nagkatinginan kami at tumawa.

Pero, pagkatalikod ni Gelo, hindi ko inaasahan ang kasunod na pangyayari.

"Yvaughn? Huwag ka ngang EPAL samin ni Gelo. Kung maaari, umalis ka na." Sabi ni KC sakin dahilan para magtinginan sakin lahat ng tao sa Shakeys'.

Unexpectedly, bigla na lamang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na magagawang magstay pa  kaya umalis na ako.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon