[46] Sacrifice

1K 31 7
                                    

Chapter XLVI

Sacrifice

Nandito kaming lahat sa garden. Face to face daw, kuno. UUG ang nandidito pati si Kuya at ako. Hindi namin sinama sila Gelo at Reca pati si Petals dahil 'confidential' daw ang usaping ito.

"Now, you know na kung saan kami nagkakila-kilala?" Tanong sakin ni Dominic.

"Oo." Sabi ko naman. "Pero teka nga, nagpapanggap ba kayo na kunyaring hindi ako kakilala? Pakiexplain nga, naguguluhan pa din talaga ako eh." Dagdag ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng utak ko ang mga nangyayari.

"Hindi. Hindi ka pa naman namin kakilala noon. Walang nababanggit samin si Troy na 'Yvaughn' ang pangalan ng kapatid niya. Palaging sila lang ni Enzo ang nagkakaintindihan." Pagpapaliwanag ni Adrian.

"Hindi ko naman alam na nameet ka na pala ng mga 'to sa coffeeshop. Ni hindi ko nga din alam na nagtatrabaho ka pala nun eh. Kaya nung nag-outing tayo ay hindi ako makapaniwala na nagmeet na pala kayo nung wala ako. Coincidence nga eh." Sabi naman ni Kuya.

Oo nga noh? Parang aksidente lang lahat nang mga nangyari.

"So... anong plano?" Tanong sakin ni Drew

"Paanong plano? Nothing will change, bro. Ganito pa rin tayo." Sabi ko naman sa kanila. "Hindi niyo naman kasalanan yun eh. Lahat tayo naging biktima... ni Kuya. HAHAHA." At nagtawanan naman kaming lahat.

Pagkatapos nun ay nagdinner kaming lahat sa bahay. Sila ang mga nagluto. Ansabe ng mga lalaking 'to. HAHAHA. Kung nandito siguro si Petals, kanina pa yung halos mangisay sa sobrang kilig. Napapatawa tuloy ako.

"Ba't naman nangiti ka mag-isa diyan?" Tanong ni Dominic sakin.

"Iniisip siguro si Enzo." Singit naman ni Drew. Letse naman oh.

"Hindi ah!" Hindi naman talaga! Si Petals kaya iniisip ko. =___=

*****

"Bestfriend!" I shouted at the top of my lungs.

"Hoy bestfriend!" Sabay tawag niya din sakin. Anong ibig sabihin nun?

"Pwede ba kitang makausap?" Pag-oopen niya. Para saan naman kaya?

Gelo's POV

Hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko. Pagkatapos nung nangyari sa EK ay may natuklasan ako.

Kitang-kita ko naman sa mga mata ng bestfriend ko na nahuhulog na siya dito. Alam kong malapit na malapit na. Pagkatapos ng mga nakita ko sa tapat ng CR. Tae ka kasi Gelo eh! Pahuli-huli ka.

Pinahiram niya ang bestfriend ko ng sweatshirt at niyapos naman siya nito. Napatulala na lang ako nang makita ko ang eksenang ito. Ganun na ba talaga ako kalate? Wala na ba talaga akong magagawa?

Napagdesisyunan ko na kagabi na... iparaya na lang siya. Alam kong wala na akong magagawa. Besides, pakiramdam ko, hindi naman ako worthy para sa pagmamahal niya. Alam kong aksidente lang lahat ang nangyari. Aksidente lang na napagbintangang tinulungan ko siya nung bata pa kami. Pero yung pagmamahal at pakikisama ko sa kanya, totoo ang lahat nang yun. Minahal ko talaga siya, kaso huli na pala ang lahat.

"Yvaughn.. Uhm, regarding 'to dun sa sinabi ko sayo dati?"

"Huh?"

"Sorry kung padalos-dalos ako noon at hindi ko muna inisip ang nararamdaman mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I give up. Alam kong wala na akong pag-asa. Ang laki na ng lamang niya sakin oh. Nandito siya... at nandito pa lang ako." Sabay pagdedemo ko sa kanya kung nasaan na ang narating ni Enzo at ang narating ko.

Yvaughn deserves the best. At alam kong...hindi ako yun.

"Gelo?"

"Bestfriend?" Sabi ko sa kanya dahilan naman para manlaki ang mga mata niya

"What??"

"Bestfriend. Bestfriends forever tayo diba? Gusto kong bumalik na tayo sa dati. I know you deserve the best, at hindi ako yun. Si Enzo yun." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi yun. "Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko. Alam kong masaya na kayo. Ayoko nang manggulo pa. I'm sorry." Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyapos.

"Thank you bestfriend." She said.

"Wala pa ring magbabago ha? Kalimutan mo na yung nangyaring yun. Pero sana, maisip mo na minahal kita na lagpas pa sa pagiging isang bestfriend. Kahit ano mang mangyari, nandito lang ako. Pag sinaktan ka ni Enzo, sabihin mo agad sakin ha! Patay yun sakin! Pinky promise?!"

"Pinky promise Gelo!!! Uwaaaah!" At napaiyak na siya. Ang babaw talaga ng luha ng bestfriend ko. "Kaso, late ka na naman eh! You're too late. HAHAHA. Hindi mo ba alam yung nangyari samin?"

"Hindi?"

Pagkatapos nun ay kinuwento niya ang mga nangyari sa kanilang dalawa. Bigla naman akong napahawak sa ulo ko. Susko rudy naman, oo! Wala na akong magagawa. Alangan namang umeksena pa ako eh gusto ko ng maging masaya ang bestfriend ko.

Minsan, dumadating sa point ng isang tao na kailangan mong magsakripisyo. Hell yeah, sacrifice. Lalo na sa LOVE. Marami tayong sinasakripisyo- ang oras natin para makasama lang sila, ang mga importanteng bagay at madami pang iba. Pero sa sitwasyon ko, hindi lang yun ang sinakripisyo ko. Sa LOVE, naranasan kong isakripisyo mismo ang BABAENG MAHAL KO. Masakit diba? Oo, masaklap. Pero kung nakikita mo naman siyang MAS MASAYA sa piling ng iba, matutuwa ka na rin para sa kanya at mapapaisip ka na lang na hindi ka nagkamali sa desisyon mo.

Para sa akin, kung saan masaya si Yvaughn ay dun na din ako masaya. Kahit masakit, pinili ko pa ding magsakripisyo dahil alam kong hindi naman siya sasaya sakin at alam kong mas sasaya siya sa piling ng iba. Alam kong hindi ko maibibigay ang kasiyahan niya at matatagpuan niya lang yung mga kakaibang pakiramdam na yun kay Enzo.

Oo, nakakapanghinayang. Pero wala eh, ganun talaga. Kailangan mong magsacrifice para makamit niyo parehas ang HAPPINESS.

Malay mo naman Gelo? May dumating na babae sa buhay mo at siya pala yung mamahalin mo at mamahalin ka, habambuhay.

---------------------------------------------------

Thank you po ng madami sa mga nagbabasa, nagvovote, nagcocomment ng malaMMK at nagshashare! :*

Thank you sa aking Watty bestfriend, Starlee! =))

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon