[43] Sweatshirt

1.7K 40 12
                                    

Chapter XLIII

Sweatshirt

Christmas vacation na! Wiiii! Totoo na 'to.

Nandito nga pala ako ngayon sa kapatagan. Nagpapractice ulit ako nang pagdadrive. Ngayon na daw yung last session ko eh. Five hours na kaming nagpapractice. Kailangan ko nang matapos ito ng maaga dahil darating na daw si Kuya sa bahay.

"Okay. Para sa last challenge, kailangan mong magdrive simula dun sa entrance pabalik dito sa exit." Sabi sakin ng driving teacher ko.

"Okay po teacher." Nag-umpisa na akong magmaneho.

After fifteen minutes...

"YEHEYYYYY!" Nagsisigaw ako sa loob ng sasakyan. Yes! Nagawa ko! Hahaha.

Napatingin naman ako sa aking teacher na sobrang lapad ang ngiti.

"Thank you, teacher!" I said happily.

"Para kang bata! Hahahaha! Anyway, welcome. Wala bang 'thank you' kiss diyan?" Sabi niya sakin habang nakanguso na wari bang nag-aabang ng halik.

"THANK YOU PUNCH WITH KICK, DO YOU LIKE?!" Sabi ko naman sa kanya sabay laki ng mata ko.

"Nah, thanks! Heto naman, di mabiro!"

"Hindi nga! Baka gusto mo eh?" He smirked. "Nga pala, maaga kayo bukas, kukuha kayo ng lisensya mo." Pagkakinig ko nun, nagningning ang mga mata ko.

"Talaga?!"

"Oo. Ang bingi mo! Umalis ka na diyan. Ako na ang magdadrive. Alam kong pagod ka eh."

"Ugh. Suplado!"

Pagkabalik ko sa bahay ay hindi ko inaasahan kung sino ang mga nasa loob. Kumpleto ang gang. Welcome party kuno daw ito ni Kuya.

"Oh! Bagong dating ang lovers! San kayo galing?!" Usyosong tanong samin ni Dominic

"Hindi mo ba alam, bro?" Sabay-sabay nilang sabi sa kanya.

"Ang alin?!" Sagot naman ni Dominic

"Na tinuturuan ni Enzo si Yvaughn na magdrive?" Sabay-sabay ulit nilang sabi. Magkakapera na kayo Uto Uto Gang. Hahaha.

"Hindi ko alam! Ang daya ha? Di ako ininform!" Sabi niya.

"Ganun talaga. HAHA." Sabi ko naman sa kanila sabay upo sa sofa. Bigla akong natauhan at napatingin kay....

"KOYAAAAAA! WELCOME BAAAAACKKK!" Sabay yapos sa kuya ko. Grabe! Nakalimutan ko na nandito nga pala siya. Naghagikgikan naman sila sa pagtawa.

"Akala ko hindi mo na ako papansinin." Sabi niya sakin.

"Nakalimutan ko eh. Hehehe. Gawa kasi ni Dominic! Ang ingay-ingay!"

"HAHAHAHAHAHA!" Nagtawanan naman sila.

"Nga pala, bakit kayo nandito? Anong meron?" I asked them. Kanina pa akong nacucurious eh.

"Pupunta tayo bukas sa Disneyland of the Philippines." Woah?

"Enchanted Kingdom!" Excited namang sabi ni Adrian.

"Sinong kasama?"

"You know, the gang."

Sounds exciting.

"Paano ba 'yan, una na kami? Hinintay ka lang namin makauwi eh." Sabi ni Drew samin.

"Nakakatouch naman. Hahaha. Sige. Salamat. Ingat kayo!" Sabi ko naman sa kanila.

"Una na ako." Bulong sakin ni Enzo.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon