[23] Legacy

1.5K 38 8
                                    

Chapter XXIII

Legacy

Pagkatapos ng matinding confession ay nagtext sakin si Gelo. MagSkype daw kami. Nagkekwentuhan kami about sa mga nangyari ngayong 1st day namin.

"Alam mo ba best, may nakita akong babae. Crush ko na agad siya! Ang ganda ganda kasi."

Wow. Ang sakit sa bangs nun ah? Pambungad agad ngayong college life. Para akong natauhan sa sinabi niyang yun ah.

"E alam mo ba best, kaklase ko si Enzo!" Pang-iinggit ko sa kanya. Mahili ka Gelo. Nakakainis ka na.

"HAAAA?!" Napatayo siya. "Paano?"

Kinuwento ko lahat ng mga nangyari ngayong araw na 'to. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon. Hindi ko naman pwedeng pasukin ang katauhan niya para malaman ang mga nararamdaman niya.

"Yvaughn. Ako pa din ang bestfriend mo ha?"

"Oo naman. Nothing will change." Bestfriend at mahal pa din kita kahit para na akong tanga. Ewan ko ba kung bakit puro Gelo ang nasa puso ko eh.

"Thank you bestfriend." Time niya naman para magkwento. Kinuwento niya lang naman kung paano niya nameet yung bago daw niyang crush. Sumakay daw siya sa jeep tas ganito ganyan. Hindi ko na napigilan ang feelings ko dahil pakiramdam ko sasabog na ang puso ko kapag pinatuloy ko pa yung pakikinig sa kwento niya.

"Gelo? Tulog na ako ha? Next time na lang. Goodnight." At inend ko yung call.

Bakit ganun? Pakiramdam ko, habang tumatagal, mas lalong sumisikip yung dibdib ko. Yung tipong ang sinisigaw nito ay puro 'Gelo! Gelo! Gelo!'. Yung kahit nasaktan na niya ako ng ilang beses, siya pa rin yung laman nito. Ito na ba talaga yung pag-ibig?

Tumalon ako sa kama ko at umiyak. Ewan ko ba sa mata ko. Naglilinis siguro. I pulled my knees closer to my chest and buried my face in them. Ang sakit pala noh, kapag feeling mo, ikaw lang yung nagmamahal. Yung tipong hindi ka man lang niya napapansin bukod sa pagiging bestfriend. Since elem ba talaga, hindi man lang tumibok yung puso niya para sakin? Wala na ba talagang pag-asa? Hindi ko alam kung bakit ako parang baliw. Bakit ako yung humahabol? Bakit feeling ko ako lang yung nagmamahal at nasasaktan? Manhid ka ba talaga Gelo?

Minsan nga, naiisip ko na lang, paano kaya kung mahal niya din pala ako? Pero hindi naman ako bulag eh. Feeling ko talaga, wala. As in ZERO CHANCE.

Kaya hindi ako naniniwala sa love eh. Paiiyakin at paiiyakin ka lang naman. Minsan nga, niloloko ka pa. Sweet sa umpisa pero pagdating ng huli, maghihiwalay din. Yung tipong parang lahat may hangganan.

ZzzzzzZzzzzzZzzzzz...

*****

From now on...

'Ako, si Yvaughn Carreon, ay hindi na muling magmamahal. Isasarado na niya ang puso niya sa lahat. Hindi pwedeng mainlove. Kasi kapag nainlove ka, shunga ka. Paiiyakin ka lang ng paiiyakin niyan. Walang magandang maidudulot sa buhay. Tingnan mo nga Yvaughn yung kay Gelo, sinasaktan ka lang. Tandaan mo Yvaughn. Heto ang pamanang legacy sa'yo ng Kuya mo.'

Goodmorning! Nagising na lang ako na ganun bigla yung lumabas sa utak ko. Nakakabigla huh? Parang natauhan ako kagabi. Oras na para seryosohin ang pinangako ko sa sarili ko. Oras na para sundin ang legasiya. Bawal ang mainlove.

Nandito ako ngayon sa ChemLab para sa klase namin sa Chemistry. Medyo matagal kasi 4 hours. Ewan ko ba sa prof namin at nagpaklase agad. Tsk.

Since sunod-sunod nga yung klase namin, hindi na ako nagkaroon ng time para makakain. 3-5PM ako nakabawi ng aking pagkain.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon