Epilogue

1.9K 47 12
                                    

Epilogue

Every minute feels like an hour, every hour feels like a day, every day feels like forever, but I will wait forever and a day for you.

"Lorenzo, tara na. Mahuhuli na tayo." Sabi sakin nila Mom at Dad sabay hila ng mga maleta namin.

"Siguraduhin 'mong this time, makukuha mo na siya at maipapakilala mo na siya samin." Dad said.

"I hope so." I answered.

Hindi ko alam kung ako pa din ang laman ng puso niya pagkatapos ng halos apat na taon.

"Let's go?" Yaya sakin ni Jerry. Si Jerry, siya ang naging karamay ko nang magpunta ako dito sa Brazil. Umuwi siya dito nung bago kami magpunta ng EK. At ngayon, sabay ulit kaming uuwi sa hometown namin, ang Pilipinas.

Nandito na kami ngayon sa loob ng eroplano. I feel excited, at the same time, nervous. Hindi ko alam kung kaya ko pa din ba siyang harapin pagkatapos ng ilang taon. Hindi ko alam kung sa pagbabalik ko ba ay handa na ba siyang tanggapin ako o marereject na naman ako.

Apat na taon. Halos apat na taon. Mahirap maghintay. Gaya nga nang sabi ko nung Valentine's Day noon, I'll wait for her, no matter what happens. Pinanindigan ko yung sinabi ko sa kanya. Hinintay ko siya. Hinintay 'kong makamit ang mga pangarap niya sa buhay. Hinintay ko siyang maging handa. Kaya naisipan 'kong pumunta dito sa Brazil. Alam kong hangga't nakikita niya ako, mahihirapan siyang makamove-on. Ayokong maging balakid sa pangarap niya. Dakilang grade conscious pa naman 'yon. Haha.

Habang naghihintay ako dito sa Brazil, tulad niya, ay nag-aaral din ako dito. Tinuloy ko ang Mechanical Engineering. Kahit mahirap dahil iba ang turo dito 'di tulad nung sa Pilipinas, nagsumikap pa din ako. Gusto ko 'ring mapatunayan sa kanya na nakamit ko ang pangarap ko. Gusto kong malaman din niya na hindi siya naging hadlang sa pangarap ko, imbis, ay naging inspirasyon ko siya.

Naalala ko nung mga bata pa kami. Small world talaga. Di ko akalaing magkikita kami nun nila Troy sa Brazil, kasama pa ang mga kaibigan ko. Mga 15-17 years old pa lang siguro kami nun. Dito nabuo ang barkada namin. Kinukwentuhan ako noon ni Troy about sa kapatid niya. Crush na crush ko talaga yung batang yun. Sabi ni Troy, nagising na daw siya. Ang masama nito, may napagkamalan daw na lalaki na tumulong sa kanya. I got really pissed when he said that. Naiinis ako. Gusto kong suntukin kung sino man 'yun. Pero sabi ni Troy, huwag daw akong mag-alala dahil siya daw ang bahala sakin. Sasabihin daw niya dito sa tamang oras.

I remember those days nung una ulit kaming nagpangita. Sa MissCandyholic's coffee shop. Kakagaling lang namin nun sa airport dahil kauuwi lang namin noon galing Brazil. Tingin ako ng tingin sa kanya noon dahil iba yung feeling na naramdaman ko. Yung pakiramdam na parang nakita ko na siya dati. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya lagi. Para ngang napako na ang mga tingin ko sa kanya. Makalipas ng ilang araw, sinubukan kong bumalik ulit sa coffee shop na yun. Natagpuan ko ulit siya. I accidentally touched her hand. Nag-umpisa na akong makaramdam ng kakaiba. Parang may sparks na naganap. Ang gay pakinggan but it's true. Kakaiba siya. Natakot nga lang ako dahil mukhang nagalit na siya sakin nun. So, umalis na ako.

Sumunod naming pagkikita ay yung nag-aya si Troy ng outing. Isasama niya daw kami. Maghanda daw ako dahil makikita ko na siya. Kinabahan ako noon dahil hindi ko alam kung paano ko ulit siya haharapin. Pagkabukas ng pinto ng cabana, nagulat ako. Yung palang babaeng nasa coffee shop at kapatid ni Troy ay iisa. Yvaughn is her name. Gulat na gulat ako noon pero hindi ako nagpahalata. Tulad nung bata, maganda pa din siya ngayon. Simple, walang arte sa mukha o katawan. Natural beauty, ika nga. Kaso nga lang, masungit. Daig mo pang matandang dalaga sa sobrang kasungitan. Hanggang sa magkaroon kami ng activity, Spin the Bottle. Nag-All siya. Opportunity ko na para makapagtanong. Tinanong ko sa kanya kung nainlove na ba siya. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tanong, iyon ang natanong ko. As expected, sinungitan niya din ako. Heto ba ang epekto ng mga nacocoma? Tsk.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon