[42] Music Video

1.6K 38 5
                                    

Chapter XLII

Music Video

Pagkagising ko ay hindi agad ako nakaramdam nang maganda. Tatayo na sana ako nang bigla akong napaupo muli sa kama ko. Biglang umikot ang paningin ko. Ang bigat pati ng pakiramdam ko. Uh-oh. Masamang pangitain ito.

Tiningnan ko ang relo. 7:10 na. I'm screwed.

"Hoy Yvaughn! Sabihin mo kung papasok ka o hindi! At kung hindi, pagtatrabahuhin na lang kita diyan sa factory!" Pambungad na sigaw sakin ni Mama pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ko. "Ayos ka lang?"

Umiling ako.

"May nararamdaman ka ba?" Nilapitan ako ni Mama at hinipo ang ulo ko. "May lagnat ka pala eh! Di mo naman sinasabi agad! Huwag ka nang pumasok!" Sigaw sakin ni Mama.

"Hindi po pwede. MagpePrelims na po kami next week." Sabi ko naman.

"Kaya mo?"

"Opo." Tatayo na sana ako nang bigla akong napaupo sa sahig. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Parang umiikot ang paligid ko.

"Kaya na pala ha. Umabsent ka na at igagawa na lang kita ng excuse letter. Kumain ka na sa baba. Hayan kasi, nagpakabasa sa ulan. Tsk." Sabi ni Mama sabay alis.

One thing I hate about myself: Napakahina ng immune system ko! Maulanan lang ng konti, lagnat agad. Hay. Ang weak ko naman. Agad kong kinuha ang cellphone ko at itetext si--- Hindi. Huwag siya. Baka mamaya sumugod yun dito. Instead of texting him, si Petals na lang ang sinabihan ko.

To Petals the goddess:

Dyosa, di ako makakaattend ng klase ngayon, masama ang pakiramdam ko. Pacopy na lang ng notes mo bukas ha? Thanks! :*

Petals the goddess. FYI. Siya po ang naglagay niyan sa contacts ko. =_____=

From Petals the goddess:

Omaygad. Get well soon. I'll dalaw-dalaw you later na lang! Kaya pala, 7:15 na wala pa din ang presence mo!

To Petals the goddess:

Thanks Petals. Enjoy the day!

After nun, hindi na siya nagreply. Siguro dumating na yung teacher namin. Maaga yun lagi dumadating eh. Hay. Nagpunta muna ako ng lababo para maghilamos at magtoothbrush. Daig ko pa ngang nasa prusisyon sa bagal nang lakad ko. At dahil nakakaramdam pa din ako nang pagkahilo, bumalik ulit ako sa aking pagtulog.

"Yvaughn?" Kinig kong may tumatawag sakin. "Gising ka na ba?" Biglang may mukhang lumalapit sa akin na para bang iniinspekyon ang mukha ko. Hindi ko ba alam kung binabangungot ako. Blurred lang ang nakikita ko pero habang tumatagal, nadidistinguish ko kung kaninong mukha yung nakikita ko.

HOLY COW! It's Enzo's handsome face!

Bigla ko siyang naitulak dahilan naman para magtaob siya sa kanyang upuan. Napaupo naman ako sa aking kama. "Uh-oh. I'm so sorry! Hehe." At nagpeace sign ako sa kanya.

"Damn it hurts! May sira ka ba talaga sa ulo?!" Sabay tayo niya at ayos ng kanyang inuupuan.

"Anong ginagawa mo dito?!" I asked him.

"Nakidayo nang pag-upo sa kwarto mo." He said sarcastically. "Of course, dumadalaw!" How did he know?

"Pa-paano mo nalaman?!"

"None of your freaking business!" Aha! Alam ko na! Iisa lang naman ang sinabihan ko. Si Pedro talaga. Tsk.

Tumingin ako sa relo ko at nagulat ako dahil... 3PM na?! Seriously?! 8 hours akong nakatulog?!

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon